Agamani Astrid Ghaile Acosta
Nakalabas rin ako ng hospital kahapon gaya ng inaasahan. At ayon sa plano nila ay palunta kami ngayon sa Sports Ground.
"Gusto mo chips?" Alok sakin ni Quian.
Hindi kami masyadong close pero kahit papaano ay may interactions parin naman ako sakanya.
Mag kakasama kami sa isang malaking van na pag mamay ari daw nila Filiph, iyong masungit kong kaklase. Ang mga lalaking Acosta ay hindi sumama dahil mas importante ang lakad nila sa London.
May one week student off kasi ang school daw namin one month alternate. At parasa bwan ng June ay ngayon ang break namin.
"No thanks" naka ngiti kong sagot at tumango naman sya.
"Mas gusto nya lips ni Cazdrin!" Asar ni Kiel at nag hiyawan naman ang mga siraulo at ginitgit pa nila si Cazdrin palapit sakin.
"Akin na nga yan!" Angil ko at inagaw ang chips kaya nag tawanan sila.
"Just admit it that you love my kiss" malanding tugon ni Cazdrin na hindi man lang hininaan ang boses.
"Eh! HAHAHAHA baka kung hindi ko pa kayo nakita nun sa garahe naka snorkling na si Cazdrin" binato ko kay Dremion ang naka sarang chips kaya humalakhak naman sila.
"Nako---isusumbong kita sa kuya mo" gatong ni Vince--aba parang hindi ko step brother yun ah?! Langyang yan!.
"Kayo ha?--kayo na ba?" Mapnuksong tanong ni Kriz.
"No" diretsang sagot ni Cazdrin.
Hindi man lang....HINDI PA?!--tae, wag mong sabihin na umaasa ka dyan?
"But i garuntee that she's mine" dagdag nya na nag pahiyaw sa mga siraulo.
Hinawakan pa nya ang kamay ko at pinagsukbit ang mga daliri namin.
Hanggang marating namin ang Sports Ground. Sabay sabay kaming bumili ng ticket na hindi na namin pinag kagastusan dahil sa pamilya pala nila Jason ang namamahala rito.
"Sa Archery muna tayo" aya ni Jason at nag paunang pumunta sa Archery area na may pangalang Robinhood's Playground
Lahat kami ay nag suot ng gear at nag punta sa board na may bit bit na tag aapat na arrow at tag iisang bow. Bihira kasi ang nag lalaro dito kahit maraming equipments kaya kahit dose kami ay nakapag laan sila.
"Pakitaan mo muna kami!" Pilit ni Dremion at pinag tulakan pa ako paharap.
"Wala talagang marunong sainyo?" Tanong ko at pare-pareho silang umiling.
Napa buntong hininga ako at humugot ng Arrow bago sila talikuran.
Inayos ko ang arrow kung pano ito ipatong sa Arrow rest bago umayos ng postura at marahang binatak ang bow string.
Inasinta ko ang target board mula sa sight window ng bow at saka yun bintawan.
Bulls eye
Nag hiyawan sila na para bang hangang hanga at lumapit sa board.
"Ang lufffet!" Sabi ni Dremion at tinuro pa ang arrow ko na naka tarak parin sa board.
Lumapit sakin si Quian at ini aro ang bow na para bang sinasabing turuan ko sya.
Tumango naman ako at binitawan ang bow ko saka lumapit sa likuran nya.
"Ito yung arrow rest, dito mo ipapatong yung arrow mo." Sabi ko at tinuro iyon at inilagay nya naman ito dun. "Dito ang kaliwang kamay sa wooden grip." Tinuro ko yun at hunawakan nya naman.
Napansin kong nanonood ang iba na para bang sinusuri ang mga tinuturo ko.
"Dito naman sa nock point ang kabilang dulo ng arrow kung saan mo ikakawit ang daliri mo. At sa central serving ka babatak" sinunod nya naman yun at marahang binatak ang bow string.
"Ngayon tumayo ka ng ayos sa pinaka komportable para sayo. Diretso dapat mula sa braso patungo sa siko mo ang arms mo." Umarte ako ng kung pano yun ginagawa at ginaya nya naman. "Now to target the board, you will use this small one to help you" turo ko sa sight na parte ng bow. "And you will look here for aim" itinuro ko ang Sight window at ginawa nya naman ang tinuro ko bago bitawan ang bow string.
Otso! Not bad
Tuwang tuwa pa sya!. Pero isang arrow ang umagaw sa pansin namin. Mabilis ang lipad nito at mapapansin pa ang kakaibang pag baon sa board.
Gitnang gitna!.
Nilingon namin kung sino yun--si Kriz.
Naka ngisi pa sya at parang proud na proud.
"Woah" usual ko.
Parehas na parehas sila ng paraan ni Alodia kung pano paliparin ang bow. At yun ang paraan na matagal ko nang gustong matutunan. Dahil kung ang paraan na yun ang gagamitin mo at kung tao ang target mo--paniguradong babaon yun kahit mula sa malayo ang papana.
"The f**k bro? Where did you learned that?!" Si makapaniwalang sabi ni Dremion.
"From no one important" sabi nya at sumulyap sakin.
Maya maya lang ay sinubukan na nilang lahat yun kaya naiwan kami ni Kriz habang pinapanood silang sinusubukan ang archery.
"That method--it was used by assasins of north korea" pag sasalita ni Kriz kaya nilingon ko sya.
He was looking seriously at them habang nag sasalita.
"Bows and Arrows are simple toys for the kids of the norths--for us" nanlaki naman ang mata ko sinabi nya kaya nilingon nya ako. "We used to live there" sabi nya at nilingon ulit ang mga kaklase namin.
Biglang lumapit si Cazdrin at hinapit ang braso ko ng hindi naman mahigpit kaya hindi natuloy ni Kriz ang kwento nya. Ayos lang sakin dahil mukha namang pribado.
"Gun shooting tayo" aya nya samin kaya napatango kami at tinawag ang iba namin kaklase.
Pumunta naman kami dun at gaya kanina ay naka pag provide naman sila ng tag iisang earphones pero lilima ang baril na pare-parehas ang klase.
"What gun is this?" Curious na tanong ni Jayvee habang hawak ang isang tray na hiwa-hiwalay ang parts.
"Ar-24, american type hand gun originated in Amerika" sagot ni Daniel at kinuha ang tray at sinimulan yung buoin.
Humanga naman sila dahil sa pag buo ni Daniel ng baril na hindi na kailangang ikasa.
Lumapit sya sa targets at pinutok yun at sapul.
"Astig" utas ni Jason.
Kinalas ulit yun ni Daniel at kumuha ng panibagong bala bago ipatong yun sa harap ko.
"I assume you know how to use guns?" Napangisi naman ako.
Besides of racing--gunshooting is also one of the categories Acosta's known for.
Madalang rin noon na manika ang kalaro ko nung bata ako, kundi baril at balanat iba iba pang bagay na hindi naman pambata.
Sinimulan kong laruin ang pagbuo ng baril sa harap nila at dinig ko pa ang pag hanga nila sa paraan ng pag hawak ko ng spare parts at ng pag ikot ng baril sa kamay ko ng hindi nahuhulog ang mga kinakabit ko bago itaas ang baril at iputok yun.
"Guns are really for Acostas!" Manghang sabi ni Daniel at ngumiti lang ako.
May ilan namang lumapit na crew para turuan ang mga kasamahan namin at maya maya lang ay bumabaril na sila.
Lumapit ako sa lalaki na Gun Keeper at tinignan ang mga baril dun ng hindi tinitignan ang nag babantay.
"I saw you earlier--you're very great, Ghaile" napatigil ako sa pag titingin ng sambitin nya ang pangalan ko.
Hinarap ko ito at mas lalo akong nagulat ng makita kung sino ito.
"Thanor?" Gulat kong tanong at napangiti naman sya.
"Long time no see Blue-haired-RingQueen!" Bati nya at nag lahad ng kamay na tinanggap ko naman.
"You work here?" Takang tanong ko at umiling naman sya.
"Pinsan ko si Jason." Sabi nya at nginuso si Jason na busy sa pag aaral ng baril.
"What a small world" di maka paniwalang sabi ko at humagikgik naman sya.
Inilahad nya ang mga baril sa istante na para bang pinapapili ako.
Namili naman ako at sa huli ay pinahiran nya sakin ang napili ko---pump action shot gun.
Sinamahan nya akong lumapit sa mga kaklase ko na agad naman akong nilingon ng makitang mas malaking baril ang hawak ko.
"Oh? Astrid? Kilala mo na pala si Thanor, pinsan ko" sabi ni Jason at tinuro pa si Thanor at tumango naman ako.
"Nako Thanor pre, ingat ingat, may hawak na baril ang may ari" asar ni Dremion na tila close na kay Thanor.
Humagikgik naman si Thanor at inakbayan pa ako.
"Matagal na kami mag kakilala ni Ghaile. Simula nung nag underground fights sya sa London" napapikit naman ako ng mariin sa pag banggit nya tungkol doon.
Wala akong planong ipaalam sakanila ang mga bagay na tungkol dun!.
"Nag underground fights ka?" Gulat na tanong ni Vince sakin at napipilitan nalang akong tumango kasabay ng pag putok ng baril.
"Ayan na yung may ari" asar parin ni Kiel na tinutukoy si Cazdrin na ayang nag paputok.
"Hands off" matalim na sabi ni Cazdrin kaya tinaas pa ni Thanor ang kamay na para bang sumusuko at tumawa.
"Easy bro. Wala na akong gusto kay Ghaile. Baka ang iba meron pa" makahulugang sabi nya at sinulyapan pa ako.
Hindi ko nalang sila pinansin at lumapit sa targets at ginamit ang shotgun para bumaril.
"Astig talaga" hangang sabi ni Jayvee.
Sumunod naman ay pumunta kami sa parang arcade para mag pahinga ng saglit. Sumama rin samin si Thanor para naman daw makapag kwentuhan kami.
Nag lalaro sila kaya naiwan kami ni Thanor sa sofa.
"I assume na hindi parin tumitigil si Zinade" sabi ni Thanor at bumuntong hininga naman ako.
"He didn't" sagot ko at napabuntong hininga rin sya.
"Nung umalis ka sa London halos nabaliw sya kakahanap sayo. Well--kami rin naman nila Casper. Pero hindi tulad nya. Madalas ka parin namin napag uusapan--and i can say that he's obsessed. Hindi ka nya titigilan Ghaile" tunog ang pag aalala sa boses nya kaya medyo natakot rin ako dahil alam ko kung hanggang saan ang kaya nyang gawin.
"Sila Casper?" Tanong ko at nag kibit balikat naman sya.
"Pursigido sila masyado para sayo. Para silang nagayuma. Eh ako, gusto lang naman kita bilang kaibigan at katropa. Pero sila? Iba" parang dinmakapaniwalang sabi ni Thanor.
"Sana wag na muna sila sumabay"