Prologue
Masama ang tingin ko sa dalawang taong magkayakap sa harapan ko. Mga letche.
If looks could kill ay malamang na kanina pa sila pinaglalamayan.
"Come on Candice! Kanina pa tayo hinihintay sa loob." Sigaw ko sa kanya. Hindi naman niya ako nilingon pero nakita ko ang paglapit niya kay Travis at hinalikan ito ng mabilis sa mga labi na lalong nagpainit ng ulo ko. b***h. Mang-aagaw.
"Tara na. Arsie." Hinawakan niya ang braso ko at nauna ng naglakad sa akin. Napairap na lang ako ng mata at nilingon si Travis.
Nakaharap pa din siya sa direksyon namin at nakasunod ang tingin kay Candice. Naiinis na tumalikod ako at nagmamadaling pumasok sa loob.
"What took you so long Arsie?" Salubong sa akin ni Rachelle na itinatali na ngayon ang ballet shoes niya. Imbis na sagutin ay nilagpasan ko lang siya. Nagtungo ako sa locker ko at padabog na kumuha ng damit.
Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako!
"Hey. Baka naman masira yan." Sita sa akin ni Candice ng ibinato ko ang sapatos sa bench. Walang kang pakialam! Umirap lang ako at nagsimula ng magbihis.
"Badmood ka na naman Artemis." Aniya at pabiro pang tumawa na lalong nagpakulo ng dugo ko. Do i look like in the mood to laugh with her? Snake!
May gana pa siyang pagtawanan ang pagka inis ko samantalang siya naman ang may kagagawan nito.
Inagaw niya si Travis sa akin at ngayon umaasta siya na akala mo ay tulad pa din kami ng dati.
We've been friends for almost five years tapos ay aahasin lang niya ang lalaking mahal na mahal ko.
She knows how much I love Travis simula pa lang, kunwari ay suportado niya ang pagkakagusto ko dito, may binabalak naman pala siyang agawin si Travis sa akin and good job friend! Sila na ngayon at harap harapan niya pa itong ilantad sa akin na para bang wala lang sa kanyang nasasaktan ako.
"Ladies! Let's start." Dinig kong sigaw ni Rachelle sa labas kaya naman minadali ko na ang pagtatali ng ballet shoes at kaagad lumabas.
Naabutan ko si Candice na mag-isang nageensayo sa isang pole sa gilid. What i like about her is her ambition. Mataas ang pangarap niya at masikap but still, she's a b***h.
Hindi niya kilala ang binubunggo niya, I am Artemis Siervannia at walang kahit sino ang pwedeng umagaw sa mga bagay na gusto ko and Travis is not an exception.
Dumiretso ako sa gilid ni Rachelle at sinimulang mag strech, I calmed myself para naman makapag focus ako sa ginagawa.
Next month na ang performance for World Ballerinas at pipili ng isang makakapag perform dito kasama ang ilang world class na ballerina.
It is a big opportunity for me, Matagal ko ng pangarap ito at alam kong dito ako sasaya pero mas masasaya kung mapapasaakin si Travis.
--
"Hey Arsie! Let's talk please." Huminto ako sa paglalakad ng higitin ni Candice ang braso ko. This b***h.
Nilingon ko siya at itinaas ang kilay. I looked at her intently, maamong maamo ang mukha niya na animo ay hindi gumagawa ng kahit na anong kasalanan.
"Look. I am sorry. Wala naman akong magagawa kung ako ang gusto ni Travis right?" Humalukip kip ako dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niya.
"Yun na nga. Wala kang magagawa kaya nilandi mo na din diba? You know how much I love him. Sana natuto ka man lang respetuhin ang nararamdaman ko." Litanya ko sa mataray na tono. Nakita ko ang pagpapaawa ng mukha niya, inismiran ko lang siya. Dyan ka magaling!
"Lalaki lang naman siya Arsie. Wag nating pag-awayan." Mababa ang tono niya at animo ay pinakatama ang sinasabi niya. Makapal talaga ang mukha niya.
"Lalaki lang? Wow. Ang lalaking sinasabi mo ay ang lalaking mahal na mahal ko since then! Alam mo yan at umakto ka ng kunwari ay suportado mo ako pero inahas mo pala!" Bulyaw ko sa kanya at muli siyang tinalikuran. b***h.
Dumiretso ako sa bar malapit lang sa studio kung saan ang ballet class ko. I spent my hours there. Wala akong kasama at mag-isang nagiinom doon.
May ilang mga lumalapit sa aking mga lalaki pero tinatarayan ko lang dahil wala naman akong pakialam sa kanila. Isang lalaki lang ang gusto ko at si Travis iyon.
Pangalawang bote na ng vodka ang naubos ko ng mapagpasyahan kong tumayo at umalis na. Ayaw kong maglasing lalo na at wala naman akong kasama. Magagalit din ang kuya kapag nalaman na pumunta akong bar.
Nagpunta muna ako ng banyo para maghilamos bago tuluyang lumabas. I look so wasted. Gusto ko lang kasing mawala ang stress ko dahil kay Candice at Travis.
Nang palabas na ako ay may natamaan ang mga mata ko. It was Candice, may nakaakbay sa kanyang lalaki at alam kong hindi si Travis iyon. Bulto pa lang ay ibang iba na.
Lumapit pa ako sa kinaroroonan nila ng bahagya para makita kung si Candice nga ba iyon, hindi kasi ito pumupunta sa ganitong lugar dahil mas uunahin nitong maghanap ng trabaho. Hindi naman kasi sila ganoong mayaman, wala siyang ama habang may sakit ang kanyang ina. May isa din itong mas nakababatang kapatid na pinag-aaral kaya imposible na siya iyon.
Hindi ko naman maaninag ng maayos dahil sa usok sa loob ng bar. Kilala ko ang bulto ni Candice pero hindi ko makumpirma na siya ito dahil sa suot, She never wear such slutty clothes pero ang suot ng babaeng ito ngayon ay litaw na ang kaluluwa.
Pinasingkit ko ang mga mata ng makitang naghalikan sila ng kasamang lalaki. I don't know what gotten on my mind at inilabas ko na lang ang phone at kinuhanan sila ng video.
Napasinghap pa ako ng napaharap sa gawi ko ang babae at malinaw na malinaw na si Candice iyon! How dare her.
Alam kong may tama na ako ng alak pero alam ko din na totoo ang nakikita ko. Parang hindi siya si Candice sa pananamit nito. Nag-init ang ulo ko ng maalala ko si Travis, gusto ko siyang sugurin at sabunutan sa nakikita ko ngayon. Malandi siya! Niloloko niya lang pala si Travis.
Pinigilan ko lamang ang sarili dahil ayaw kong malaman niya na alam ko ang kahayupan niya. Itinuloy ko lang ang pagkuha ng video hanggang sa nagmake out na sila ng lalaki sa harap mismo ng mga kasama nito.
If I want to have Travis, might as well na sirain ang relasyon nila. I smirked. If you're a b***h my friend, I am bitcher.
LEGENDARIE