Tapos na kaming magluto, halos isang oras din ang ginugol naming tatlo sa kusina, maaga pa naman, Ala sais pa lang ng hapon at masyadong maaga para sa dinner. Nasa likod kami ng masyon nila and the backyard was massive, may playground sa gilid at malaking swimming pool. Sa kabilang banda naman ay mayroong basketball court, mayroon ding billiard sa isang sulok. Naglalaro si Travis at ang kuya Trojan niya ng basketball habang kaming tatlo nila Yam at Ynna ay nakaupo sa bilog na lamesa at nag-uusap ng kung ano-ano. "Akala ko talaga nung una, ang suplada mo, ang b***h mo kasi tingnan pero ang bait mo pala! Masarap din ang luto mo." Ynna exclaimed na nagpatawa sa akin. She's only 18, matanda lang ako ng isang taon at freshman sa kursong katulad ng kay Travis, Civil Engineering. "You know, l

