"Para kang sira-ulo. Halika na nga dito." Tinapik ko ang malaking pwesto sa gilid ng kama sa tabi ko pero ang mokong ay inirapan lang ako, hindi niya ako pinapansin dahil hindi ko daw siya sinagot sa tanong niya kanina. "I can't hear anything. Bingi na yata ako." Para siyang batang nagpaparinig, pinalo pa niya ng konti ang tenga niya. Imbis na mainis ay natawa na lang ako. Kulang kulang yata ang boyfriend ko. "Baby. Halika na dito, wag ka ng magtampo." Nagtakip siya ng unan sa mukha at ibinagsak ang sarili sa sofa at hindi ako pinansin, Napailing ako at pinagmasdan na lang siya. Bigla bigla kasing magtatanong ng 'will you marry me' sa gitna ng pagtatalik, malamang na hindi ko siya masasagot ng maayos. May topak talaga. "Tsk! Naiinis talaga ako. Kung hindi ko lang mahal yung girlfriend k

