"Hey, why are you crying?" Nag-aalala akong pumunta sa direksyon ni Riley, nakaupo siya sa isang bench malapit sa soccer field at mag-isang humahagulhol. Naalarma ako at agad na umupo sa tabi niya at inalo siya. Niyakap niya ako kaagad at sa akin ibinuhos ang iyak niya. Naaawa ko lang siyang pinagmasdan habang hinahagod ang likod niya. I have no idea kung bakit siya umiiyak, basta dinadamayan ko lang siya because she is my friend at sa halos isang buwan naming magkasama ay naging mabuti siyang kaibigan, silang dalawa ni Andrei ang itinuring kong kaibigan na totoo. It hurts seeing my friend crying, ako pa naman ang klase ng tao na pianpahalagahan lahat ng malapit sa akin kaya nakakalungkot na makita siyang umiiyak ng ganito. "Arsie." She's crying hard. "Arsie, hindi ko alam ang gagawin k

