"Pardon, Madame?" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya, umaasa ako na mali lamang ang rinig ko sa binitawan niyang mga salita. "Cheap, you and your mom are nothing but a relationship wrecker!" Maanghang na ulit niya, dinidiin ang bawat salita na nagpapantig sa tenga ko. "Mawalang galang na po, you don't know my mother and you know nothing about her." Nararamdaman ko na ang sarili kong sasabog, of all the people na pwede niyang bastusin ay ang nanay ko pa? I love my nanay so much, I am the witness on how she sacrifice herself for me and my kuya kaya hindi ko hahayaang may bumastos sa kanya, not in front of me! Ngumisi siya at ibinaba ang hawak na kopita sa maliit na lamesa malapit sa kinatatayuan namin, itinagilid niya ang ulo at pinagmasdan ako ng ilang sandali pa bago tumawa ng ma

