TULALANG nakaupo si Maria sa may sala habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya lang kasi matanggap ang nangyari kagabi. “Oh, bakit hindi ka makasagot?” nanlilisik ang mga matang tanong ni Jaime. Parang ibang tao ang kaharap niya. Never pa siyang sinaktan ng lalaki, ngayon pa lang ata. “Jaime, nasasaktan ako,” aniya dahil inalog-alog siya ng lalaki at kay higpit ng pagkahawak nito sa magkabilang balikat niya. “Talagang masasaktan ka sa akin kung hindi ka sasagot! Ano, nagdadalawang isip ka sumagot? Dahil ba hindi mo lang kliyente ang lalaking iyon kundi kabit mo din–” Malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ng lalaki dahilan para mabitiwan siya nito. “I-I’m sorry, nasasaktan mo na kasi ako at sobra-sobra na ang mga binibintang mo sa akin, ikaw nga wala akong narinig sa i

