HINDI maiwasan ni Maria na maluha dahil parang wala talagang plano si Jaime na paninsinin siya. Hindi nito sinasagot ang text at tawag niya, umabot na nga siya sa may email nito sa pagpapaliwanang kung bakit hindi niya pwede iwanan ang kanyang trabaho pero wala pa din. “Alam mo, day, itinigil mo na iyan, ako ang nahihirapan sa iyo ‘e. Tanggapin mo na lang na mas mahalaga ang pride ng dyowabels mo kaysa sa iyo.” Napa-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng kanyang kaibigan na si Jecel. Pagkatapos niya makausap si Tom Genesis ay dumiretso siya sa kanilang boarding house. “Hindi ko lang talaga makatanggap na kaya niya itapon lahat dahil lang dito, hindi man lang ba niya ako pakikinggan?” umiiyak na aniya. Bumuntonghininga si Jecel. “Ganiyan talaga halos lahat ng lalaki, mas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


