Chapter Twenty Seven THIS is embarassing. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang nangyari. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung paano bumigay ‘yong kama ng gano’n-gano’n lang. The quality of this bed must have been so poor! “Kailangan na nating bumili ng bagong kama, baby.” Napapikit ako habang hinihigpitan ang panali ng robang suot ko. Parang ibinabalita lang ni Keith ang lagay ng panahon kung sabihin niya iyon. He wasn’t even bothered by the bed collapsing. “Told you to slow down. I’ve been feeling the rack these days.” “Seriously? Wala akong nararamdaman.” Pagkuwan ay huminto siya mula sa pagbibihis at binalingan ang nasirang kama. “Well, the bed is old, A. We can’t blame it for giving up on us.” True. Nailing na lamang ako at sininop ang nagka

