Dumating kami sa bahay na kahit isang lengwahe ay hindi ko mabigkas. Tinulongan ko si tita na umakyat sa kwarto niya kahit na titig na titig siya sakin. Napapalunok nalang ako at umiiwas ng tingin. Si Zaire ay nasa baba at inayos ang mga gamit na galing sa hospital. Pinahiga ko siya sa kama at inayos ang kumot niya tinititigan niya parin ako at naiilnang na talaga ko sa paninitig niya. Para akong tubig na pilit niyang binabasa. Ang kulay berdi niyang mata ay sa akin nakatutuk. Nagagandahan at namamangha ako dito ngunit ngayun ay parang gusto kong tumakbo. "Hija gusto kita para sa anak ko. Pero hindi mo ba talaga gusto ang anak ko?" Tanong niya na nagpapigil sa ginagawa ko. Nakaabang sa isasagot ko kaya mas lalo akong kinabahan. Naririnig ko na din ang t***k ng sarili kong puso 'Hindi ko

