Nakarating kami sa parang lumang mansyon may dalawang matandang naka abang sa labas ng bahay. Mapuputi na ang mga buhok nila yung lalaki ay naka wheel chair habang ang babae naman ay nasa likod ng lalaki. Napatingin ako sa ganda ng bahay. Gawa ito sa matitibay na kahoy at ang ganda ganda tignan kumikinang ang kahoy na kong akala mo ay kakagawa lamang ang bahay nato ngunit makikita parin sa itchura ang pagkaluma. May tatlong palabag. Nakita ko sa ikalawa at ikatatlong palapag ay may mga teresa yun siguro ang may mga kwarto. Sa gitna ng bahay ay may malaking glass wall at kita ang malaking chandelier na pinaiikutan ng hagdan. Bumaba ako ng nakitang bumaba si Mommy at pinuntahan yung dalawang matanda. Pinakilala ni mommy sila ni tita Scarlett, Zaire at Aphrodite. Ang sabi ni Mommy ay lolo'

