chapter 21

2204 Words
Ito ang araw na hinihintay ng lahat yung final exam. Pagkatapos nito ay wala ng klasi bakasyonan na! At ang balak ng pamilya namin ay magbakasyon sa bukid doon sa pamilya nila mama at papa kong saan sila unang nag kita at kung saan nabuo si ate Shasha. She's not here, pero may Skype naman at pwedi namin siyang tawagan pag namimiss namin ang kakulitan niya. Nakaupo kami lahat at nag che- check ang guro sa harap ng mga test paper. Hinihintay namin ang bell saka kami tatayo at maghihiyawan sa labas dahil tapos na ang klase ng taon. I'm not just the one who waiting actually lahat ng tao sa school. Even those teacher is waiting for the bell. Pero ako lang ata ang may bulati sa pwet na parang gusto ko ng tumayo at mag tatalon sa saya. Isang taon nalang ay matatapos ko na ang high school, tapos ay mag ka-college. Pagka tapos kong mag aral ay bu-buo agad ako ng pamilya. Hindi ako sigurado na si Paul iyon pero gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap kong maging akin siya. I secretly imagine that I'm making love with Paul. I giggled and try to stop my brain. And the bell rang. Kasabay ng pag labasan ng mga tao sa kwarto katulad namin. Maraming tao ang nag si takbuhan nag tatalon sa saya. Especially yung mga junior high school. Parang mga hayop ang tao dito sa loob ng school, na kakalabas palang sa kani kanilang selda. Hinanap ng mata ko si Paul habang masaya akong nagsisitawanan sa iba kong mga kaklasi. And there, I find him smiling and staring at me. Iniwan ko ang mga kaklasi kong may kinikwento at pinuntahan si Paul. Nabigla siya sa paglapit ko at bago pa ako makalapit ng tuluyan ay tumalikod na siya. Maingay parin ang mga istudyante at may nakikita pa akong nag tutuksuhan, mayroon naghahabolan, Nagkukwentohan, nag uusap at may roon nagtatawanan. "I love you!" Sigaw ko kasabay ng mga ingay sa loob ng paaralan. Alam kong narinig iyon ni Paul dahil tumigil siya sa pag lalakad palayo. "Paul, I love you!" I totally confess my feelings for him, in front of many people. Lumunok ako biglang tumahimik ang lahat ng taong nasa paligid napa tingin ako sa kanila at nakitang sa akin halos nakatingin yung mga tao. Kinagat ko ang ibabang labi at lumunok ulit. May nakita akong nag bulongan, may nag che- cheer sakin, yung iba ay nanunuod lang. Tinignan ko ang likod ni Paul. Nilingon niya ako at wala akong nakitang kahit ano sa mata niya galit, mangha, irita, walang ganon sa mukha niya tinignan niya lang ako na walang emotion at tumalikod ulit at nag patuloy sa pag hakbang palayo. Napangiti ako. That's my Paul. Everytime I confessed, he just turned around and leave me behind, like nothings happen. Pagkauwi ay kumain kaming lahat sa labas na magkapamilya. Isinama namin si Aphrodite pero si Zaire at tita Scarlett ay hindi sumama. Magpapahinga daw kasi si tita Scarlett. We eat, we talk, we laugh, nag picture din kami se-nend ko iyon kay Zaire saka nagpatuloy sa pagkain. "Congrats sa inyong dalawa. Subrang proud kami ng Mommy niyo." Nagtinginan kami ni Aphrodite at napangiti ng sabay dahil sa sinabi ni Daddy. " Thank you po Dad. Mas magiging proud po kayo sakin, dahil malapit ko ng maabot ang pangarap ko." Si Aphrodite ay tumawa ng malakas habang si Daddy at Mommy ay umiling nalang ng tuluyan. Alam kasi nila kung ano ang pangarap ko. "Okay, lets finish this up." Sinunud namin si Daddy. Eat all you can, ang pinuntahan naming restaurant kaya medyo busog ako. Tapos naming kumain ay nagpasiyal kami sa rides. Maraming rides ang sinakyan namin ni Aphrodite. Mabuti nalang at wala dito si Zaire walang makakapag pigil sakin sa mga gusto kong subukan sakyan. My Daddy don't mind as long as safe yung mga equipments ng rides. Mas malala pang mag higpit si Zaire kaysa kay Daddy. Kaya naman malaking tiwala ang binigay ni daddy kay Zaire pag dating sakin e. Kasama namin si Danna at nakikisabay sa lahat ng rides ng gusto ko. Dahil magkapatid kami at magkatulad kaming mahilig sa mga ganitong bagay Masayang natapos ang araw at umuwi kami na halos pagod ang lahat. Sa bahay na din natulog si Aphrodite. May binili akong anklet sa peryahan kanina dalawa iyon at balak kong ibigay yung isa kay Zaire dahil hindi siya sumama kaya binilhan ko nalang siya ng pasalubong. Tinignan ko yung anklet hindi couple iyon pero mag kasing katulad lang yung dalawa yung ibibigay ko sa kaniya ay kulay pink. Napa hagikhik ako at ini-emahi nanaman ang reaksyon ng mukha ni Zaire pag makita niya kong anong kulay itong ibibigay ko sa kaniya. Yung sakin ay pula. Wala siyang desinyo at para lang siyang tali na ilalagay sa paa. Pagod ako ngunit nagawa ko pa ring lumabas ng bahay at pumunta sa bahay nila Zaire hindi ako kumatok at patuloy na pumasok sa loob naabotan kong nasa sala si Zaire at naka harap sa laptop. Dinahan dahan ko ang pag lakad at balak siyang gulatin ngunit napa talon ako sa gulat ng bigla nalang siyang lumingon. Tinawanan niya ako kaya bumusangot ang mukha kong nilapitan siya. "Where's tita Scarlett?" Tanong ko habang papalapit at umupo sa tabi niya. "Nasa taas. Tulog na." Tinignan niya ako saglit at muling hinarap ang laptop. Pinanood ko siya at nag halukipkip sa upoan. Sumandal ako sa braso niya at tinignan ang ginagawa niya sa laptop. "What's that?" May hinahanap siya sa website kumonot ang noo ko ng hindi ko maintindihan ang ginagawa niya. "Wala chismosa ka." Pinisil niya ang ilong ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Ngumoso ako at tuluyan ng nahiga sa balikat niya. "I have something for you." Kinuha ko sa bulsa ang anklet at nilapit sa mukha niya. Habang ako ay komportableng nakahiga parin sa balikat niya. "Ano to bakit ganito ang kulay nito!?" Inis niyang tanong naramdaman ko pa ang vibration ng katawan niya dahil sa pag salita. "Anklet tapos kulay pink. Bakit ayaw mo?" Tanong ko at umayos ng upo para makita ng maayos ang reaction niyang naka ngiwi. "Bakit pink?" "E , sa pink ang gusto ko! Bakit ba?" "Ayoko niyan!" Pagmamaktol niya at hindi ako pinansin. "Kukunin mo to o sasapakin ko yang mukha mo?" Seryoso kong tanong at tinignan siya na naiirita. "Ayoko nga niyan! Kulay pink yan oh! Ano ako bakla?" Pagririklamo niya natawa ako dahil sa reaction ng itchura niya. "Manly kaya tignan ang mga lalaking naka suot ng pink." Sabi ko at inagaw sa kaniya ang laptop mag ririklamo pa sana siya kaso tinaasnaan ko siya ng kilay kaya sa huli ay ako parin ang nasunod. Nilagay ko ang laptop sa lamesa at ang sunod kong kinuha ay yung paa niya itinaas ko ito at inilagay sa kandungan ko. "Kimmy! Gustong gusto mo talagang pag tripan ako. Ano?" Imirap ako. Ako na ang nag suot sa kaniya non at ngumisi dahil sa nakitang bagay sa kaniya ang anklet na binili ko. Hindi gaano kapuli ang balat niya ngunit ang cool niyang tignan sa pink na anklet. Lalaking lalaki ang katawan tapos may anklet na pink. I giggled. "Supper." Hinawakan ko ang anklet na nasa paa niya at inangat ang tingin sa mukha niyang seryosong naka tingin sakin. "Look." Sabi ko at inangat ang sariling paa para maipakita sa kaniya ang sariling anklet. "Ang pangit talaga ng taste mo Kimmy." Reklamo niya dahil pangit daw ang anklet kaya binatukan ko siya sa ulo. "Kahit anong mangyari wag mong iwawala yan. Kung pwedi na wag mo nalang kunin sa katawan mo, gawin mo! Maliwanag?!" Seryoso kong tanong. "Yes ma'am." He boredly answered and we both smile. Umiwas lang ako ng tingin dahil bumibilis nanaman ang t***k ng puso ko. I find him somehow looked so attractive. Binaba ko ang paa at malakas na hinawi yung paa niyang nasa kandungan ko kaya nabangga sa lamisa at napa aray siya sa lakas ng pag bangga. "Sorry, sorry." Ako at ulit na hinawakan ang paa niya. "I'm fine. Sanay na ako sa mapanakit mong ugali." Sinamaan ko siya ng tingin at umayos ng upo. Mahabang katahimikan pa ang nangyari bago ako ng disisyon na umuwi hinatid niya ako hanggan sa tapat ng bahay. Pumasok ako sa kwarto at nakita kong mahimbing na natutulog na si Aphrodite sa kama ko. Pumasok ako sa banyo at naglinis ng katawan bago tumabi sa kaibigan kong mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko siya. Maliit ang matangos niyang ilong maganda ang labi niya makinis ang mukha at parang ang amo niyang tignan. Ngumiwi ang mukha ko ng maalala kong paano siya magalit. I tsked and turn to the other side. All people have the own bad sides. At yun ang bad side kay Aphrodite na hindi niya mapigilan ang sarili pag galit na siya. Pagod ako pero hindi rin naman makatulog. Naisip ko kasi kong bakit may mga taong nabubuhay sa mundo. Bakit kaya nandito ako? Anong purpose ko sa mundo? Saan ba talaga galing ang mga tao? Bigla akong hindi makahinga dahil sa biglaang pananakip ng puso ko. Pano kong lahat ng nakikita ko guni guni lang? Paano kong wala talaga akong kasama at ako lang mag isa sa mundo? Paano kaya pag namatay ako. Tapos inilibing nila ako. Tapos nabuhay ulit. Tapos nasa loob na ako ng kabaong ano ang gagawin ko? Takot pa naman ako sa dilim tapos sa nasikip na lugar. Hindi ko ata kakayahin na ganon. Tumulo ang luha sa mata ko ng di ko inaasahan. Nasasaktan ako at natatakot. Kaya kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Zaire. Apat na ring bago niya nasagot. "Tulog kana?" Tanong ko pilit na hindi pinahalata na umiiyak ako. "Hmm." Ungol sa kabilang linya. "Hindi ako makatulog." "Bakit?" Paos na boses ni Zaire at alam kong subrang inaantok na siya. "Hindi ko alam." Sagot ko at bumusangot. "Kimmy pagod kana. Magpahinga ka. Bukas na tayo mag usap." Paos parin ang boses niya halata na pinipilit lang na mag salita. "Pero hindi ako makatulog." Natahimik sa kabilang linya kaya alam kong nakatulog na siya. "Grabe ka!" Pagsabi ko non ay suminghot ako at pinatay ang tawag. Naiyak ako dahil sa mga naiisip hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi maisip yung mga bagay bagay. Normal na tao lang din ako at may pag iisip. Hindi ko pa nailalagay ang cellphone sa lamesa ay umilaw na ito nakita kong tumatawag si Zaire. "Hey, what wrong?" Paos parin ang bose niya pag sagot ko ng tawag. Umupo ako ng maayos at pinakinggan ang paghinga niya sa kabilang linya. "Say something. Gutom ka ba? Gusto mong kumain muna? Bibilhan kita." Pinakiramdaman ko ang sarili at natanto na gutom nga talaga ako. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Hmm. Gabi na. Saan kapa bibili?" Tanong ko napatingin ako sa orasan at mag aalauna na ng madaling araw. "Sa convenience store. Bibilhan kita ngayun. Are you crying?" Tumango ulit ako kahit wala siya sa tabi ko. "Sasama ako sayo." Naiiyak ang bose ko. Narinig ko siyang nag buntong hininga. "No, stay there. Mabilis lang ako." Tumango ulit ako Umalis siya at sinabi ko na wag patayin ang tawag. Nakita ko siya sa bintana nong lumabas ang kotse niya at umalis. Narinig ko pa ang paguusap nila ng lalaki na nag babantay siguro sa convenience store. "May gusto ka bang kainin?" Tanong niya at tuluyan ng nawala ang inaantok niyang boses. Ice cream, chocolate, chips at yugart ang binili niya. nag isip ako ng masarap na kainin kaso wala naman akong maisip. "Okay na yan." Pabilis siyang naka balik. At kinakausap ako habang nag mamaneho siya. Tinawanan pa ako dahil ang iyakin ko daw. "Feeling good?" Tanong niya matapos na inabot sakin ang plastic. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Thank you." Tinignan ko ang plastic at mas lalong ngumiti ng dalawang cornetto ice cream ang binili niya. "Sige na umakyat kana. Pagkatapos mong kumain matulog ka. Naintindihan mo?" Panigurado niya. Tumango ulit ako na naka ngiti saka nagpaalam sa kaniya. Tinawanan niya lang ako ginulo ang buhok ko at saka pinauna na akong pumasok sa bahay. Pagbalik ko sa kwarto ay hindi ko na binuhay yung ilaw at tanging lamp shade lang sa lamesa ko ang ginawang pang-ilaw para makakain. Nasa kalagitnaan ng pagkain ng umilaw ang cellphone ko. Nag text si Zaire. Zaire: Are you done eating? Me: Nope, bakit gising kapa? Akala ko inaantok ka Zaire: Pagkatapos mo akong gulohin akala mo ba talaga na makakatulog ako kaagad? Mahina akong natawa pagkatapos na mabasa yung text. Mag rereply na sana ako ng tumawag siya. Umirap ako habang nakangiti. "Hala! Hindi nakuntinto sa text, tumawag kapa talaga?" Natatawa kong tanong. "Grabe ka pagkatapos kitang bilhan gaganyanin mo ko? Ni hindi ka man lang nag text. Binigyan lang kita ng pagkain nalimutan mo na agad ako." Reklamo niya na tinawanan ko. "Okay, okay, fine. I'm sorry. And thank you. Love mo talaga ako no? I love you too." Natatawa kong hirit at napa kurap ng hindi siya sumagot. "Zaire?" Tanong ko at sinubo yung ice cream. "Sige na matulog kana good night Kimmy." Pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD