Mas lalong tumagal ang halikan namin pero sa ganong position pa din. Palikot likot ang kamay niya sa tyan ko at parang nababaliw itong humaplos. This is so fun! So good! Ayoko ng itigil itong paghahalikan namin not until.
"OH... MY... GOD..." Pariho kaming natigil ni Zaire at nanglalaki ang matang tumingin sa isa't isa. Naitulak ko si Zaire dahil sa gulat.
"Ah." Hinawakan niya ang tyan sa nakita ko sa kaniyang itsura na nasaktan siya kaya agad ko din naman siyang hinawakan sa magkabilang balikat.
"Okay kalang?" Tanong ko at nalimutan na nasa skype na pala si ate Shasha. Ang laptop ni Zaire ay nakaharap kong saan yung pinto ng walk in closet niya kaya alam kong makikita ng kung sino man ang nasa loob ng screen ang mga mangyayari sa loob ng closet
"Yeah." Sabi niya at tinignan ako sa mata kaya natigilan ulit ako at kinabahan na naka tingin sa kaniya.
Did... Did I... Really kiss Zaire?
"Hey! Kim! What are you two doing!" Sigaw ng babaeng nasa loob ng laptop ni Zaire.
Gulat kong nilingon si ate Shasha sa screen. Bakit ko ba kasi nakalimutan na tumawag ako kay ate!
"No ate! I mean! Look!" Sabi ko sabay turo sa dugong nasa damit ni Zaire.
"What happen this time?" Tanong ni ate Shasha. Naka suot siya uniform na pang nurse at naka upo. Hindi siya gulat at parang relax lang na nakatingin samin ni Zaire.
"I don't know hindi parin sinasabi sakin ni Zaire." Sabi ko at tinignan ang lalaking kakaupo lang a sahig. Agad ko siyang nilapitan at tinignan ang sugat niya.
"Ate!" Sigaw ko.
"Kimmy gawin mo yung sinabi ko sayo dati." Sabi nito agad akong nag mamadaling kumoha ng mga pwedi kong gaming first aid sa kaniya kumuha ako ng maraming alcohol at pinang hugas ko ito sa aking kamay. I need my hands to be clean.
Kinuha ko nang puting kumot ni Zaire at pinunit punit ito. May mga dugo yung kumot na pinunit ko kaya mas lalo akong nanglagkit.
I hate this feeling.
"Kaya mong tumayo?" Tanong ko kay Zaire. Tumango siya pero inalalayan ko parin siya sa pag tayo. Hinarap ko si ate sa skype at nakita kong kaka ngiti siya sa amin ni Zaire. "Ate I'll be back."
"Kahit wag na you two can enjoy." Narinig ko pang tumawa si Zaire pero inis ko siyang nilingon.
"Ate!" Bulyaw ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng kwarto habang inalalayan kong maglakad si Zaire. Kailangan namin ng malinis na kwarto para malinisan ko ang sugat niya.
Lumipat kami sa guess room at doon ko siya pinaupo sa sofa kailangan niya munang mag bihis bago pumunta ng kama. Bumalik ako sa kwarto niya nag hanap ako ng pweding ipalit sa kaniya
"Tell me the truth Kimmy. Are you and Zaire are in relationships. Right?" Rinig kong tanong ni ate nasa Walk in closet ako at nasa skype si ate Shasha.
"No!" Tanggi ko dahil totoo naman.
"No?" Tanong niya ulit
Napa tingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagtataka sa mata niya pinatuloy ko ang paghahanap. Nakahanap ako ng short at pink na t-shirt na may imprint na malaking teddy bear sa harap.
"No? But I saw you two kissing." Natigilang ako sa paglalakad palapit kong saan ang laptop at cellphone ko.
"Ahh.." hindi ako makahanap ng tamang rason na sasabihin kay ate. Because that kiss is unreasonable. Hindi ko gunusto yun wala akong rason para halikan siya basta gumalaw lang ang katawan ko at parang wala ako sa sarili ng tumugon sa halik niya. And for evil sake that's my first kiss. Kaya kahit ngayun ay nararamdaman ko parin ang labi ni Zaire sa labi ko. Kinapa ko ang labi ko at nabigla ng biglang tumili si ate sa kabilang linya.
"Don't tell me!" Nanlalaki ang mata niyang tinuro ako. "Ahh! Kimmy I told you! I told you he likes you!" Pumalakpak pa si ate sa kabilang linya at ngumisi ng malaki. "Don't worry I won't tell dad." Napanatag ako sa sinabi niya pero hindi ko naman talaga pinuproblema si daddy.
Malinis na si Zaire naka higa na siya sa kama at natutulog si ate naman ay nasa skype parin. Kanina pag alis ko sa bahay ay tulog na sila daddy at mommy. Hindi ko rin alam kong alam ba nilang nandito ako sa bahay ni Zaire.
"How's my brother in law?" Tanong nito na tinaasan ko ng kilay.
"Ate! I told you he is not!" Ilang beses ko nang sinabi kay ate na wala kaming relation ni Zaire pero hindi siya naniwala kaya ito at pinapaliwanag ko nanaman ng paulit ulit na aksidente lang ang nangyari.
"Ate naman eh aksidente nga lang yun." Reklamo ko kaunting kaunti nalang talaga papatayan ko na si ate ng tawag. Ang sabi niya ay tapos na daw ang trabaho niya at pauwi na siya kanina ng tumawag ako.
"Grabing aksidente naman yun Kimmy. Parang kakainin na niya kanina ang mukha mo nakita ko pa kong paano niya hawakan ang tyan mo." Turo niya sa tyan ko na sa palagay ko ay kita sa screen niya. Naka upo ako sa sofa at nasa lamesa ang laptop.
"Ate sa palagay ko pagod lang yang kaya nag eemagine kana ng kung ano ano. Sige na bye! ingat ka diyan." Hindi kona hinintay ang sasabihin ni ate at pinatay na ang tawag.
Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko at nakitang alas tres na ng madaling araw. Tinignan ko si Zaire na mahimbing na natutulog sa kama. Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Kailangan ko ng umuwi. Tulog na siya at sa palagay ko ay okay na ang pakiramdam niya kaya umalis na ako at umuwi. Walang ingay akong pumasok sa bahay at nilock ang mga pinto at pumasok sa loob ng sariling kwarto.
Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata. Kailangan kong matulog dahil ilang oras nalang ang pwedi kong maitulog. Wala sa sariling napa hawak ako sa labi. Did i really gave up my first kiss? Kay Zaire pa talaga? Pero bakit parang wala akong pinagsisihan? Bakit parang mas gusto ko pang ulitin? Bakit ang bilis ng puso ko?
"f**k*" bulyaw ko at sinampal ang sarili. I need to sleep!
"Ate bumaba kaba kanina ng mga three am?" Tanong ni Danna. Nasahapag kaming lahat. Si Zaire at si Aphrodite ay kasama din. Nasa tapat ni mommy sa Danna, kaharap ko si Zaire na nasa tabi ni Danna at nasakabilang kilid ko naman naka upo si Aphrodite at Mommy, si Daddy ay nasa paghuli naka upo.
"Hindi bakit?" Inaantok kong sagot patuloy parin sa pagkain at iniisip kong paano ko makakaausap si Paul.
"I knew it! Mommy I told you. I saw a ghost!" Nanlalaki ang matang tinignan niya si mommy
"Danna enough that nonsense. And finish your meal." Bakit kaya ang sungit ni daddy pag nasa harap kami ng pagkain? Parang galit siya parati sa pagkain. Well hindi ko siya masisisi hindi masarap mag luto si Mommy kaya parating itlog, hotdog, hum etc. Yung mga kinakain namin. Pag si Daddy o di kaya ay si Aphrodite o si Zaire ang magluto ay doon lang kami makakakain ng masasarap na ulam.
Tumahimik kaming lahat. Wala ako sa sarili dahil inaantok ako. Napaisip ako kong bakit ako inaantok maaga naman akong natulog kagabe. Nasa ikalaliman ako ng pagiisip ng bumunggo ang paa ko sa harap alam kong paa yun ni Zaire kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko kong paano nanlalaki ang mata niya ng nagkatinginan kami. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. f**k* Hindi panaginip yun hindi ba? Totoo yun! Yumuko ako at inubos ang pagkaing. Ayokong magtagal sa hapag nato para na akong inaapoy dahil sa init. At hindi ko alam kong bakit.
"Kimmy." Boses ni Zaire yun.
"Huh?" Mabilis kong tanong at mabilis din akong napaangat ng ulo.
"Huh?" Pabalik niyang tanong.
"Huh?" Sagot ko. Mas lalong namula ang mukha at nakita kong namumula narin si Zaire. Feeling ko kailangan kong pumunta ng banyo dahil bigla akong naiihi.
Pagtayo ko ay siyang pagtayo rin ni Zaire at.
"Thank you for the food tita."
"Mag c-cr lang po ako." Sabay naming sabi at sabay kaming nagmamadaling umalis ni Zaire sa hapag
"Beshie, anong nagyari sa inyo ni Zaire?" Tanong nito nasa loob kami ng cr at nag lilinis ng kamay.
"Wala naman bakit?" Inosenteng tanong ko.
"Tanghali na hindi parin kayo nag sasagutan. Don't tell me nag away kayo ulit." Pang huhula ni Aphrodite.
"Hindi ganon yun." Sagot ko at nag punas ng kamay.
"Eh ano?"
"Bashie ano kasi... We... Zaire and I we..." Nakita ko sa mata ni Aphrodite na naghihintay sa sasabihin ko. "We kissed!" Pagkasabi ko non ay ang paglabas ni Hannah sa isang cubicle. Nabigla ako sa kaniya at alam kong narinig niya ang pinag usapan namin ni Aphrodite.
Natahimik ako at nanlalaki ang matang tinignan si Hannah na malanding lumabas ng cr.
"Ano!" Tanong ni Aphrodite ng lumabas na ng tuloyan si Hannah.
Naikwento ko ang lahat ng nangyari kay Aphrodite at nagalala siya kay Zaire. Napag usapan din namin ang plano kong sundan si Zaire agad naman siyang sumangayon.
"Guys focus!" Sigaw ng instructor nagtuturo samin nag sayaw. Si Zaire ang partner ko. Kapartner naman ni Aphrodite ang kaklasi naming si Jeremy at si Paul ay partner ang magandang dilag daw. Ang dilag na kasing kulay ang balat sa dilaw. Na bwe-bwesit ako sa tuwing nakikita ko silang sumasayaw. Nasa una sila katulad namin ni Zaire. limang paris ang nasa harapan na sumaasayaw kasama kami ni Aphrodite Paul at Zaire na nasa harap kaya kita ko kong paano lumandi ang babae kay Paul.
Nagsasayaw kami at hindi ko kayang tumingin kay Zaire nagtatayuan ang balahibo ko sa paghawak niya sa kamay at baywang ko kaya sa kanila Paul naka focus ang mata ko.
"Miss Malfier focus on your partner!" Sigaw ng instructor. Nakita kong tumingin si Paul sa direction ko kaya bago ko pa tinignan si Zaire ay nakita ko ang masamang tingin ni Paul samin.
Tumikhim ako at inayos ang pagsasayaw sa dibdib ako ni Zaire tumingin. At mas ginalingan ang pag sayaw. Natigil lang ng lumapit samin ang guro.
"You know what ang galing yung simayaw dito kayo sa harap." Sabi ng instructor. Napa mura ako sa isipan bakit ba kasi ginalingan ko.
"Ayan ang cute niyong tignan." Sabi pa ng instructor bagay daw kami ni Zaire dahil mataas si Zaire at maliit ako at pag sumasayaw kami ay ang cute naming tignan.
Kami ni Zaire ang nasapinaka una ang apat na pares naman ay nasa ikalawang row.
"Eyes on your partner miss Malfier!" Sigaw ng instructor. Lumunok ako at tumingin sa nakatingin nang si Zaire.
"Calm down." Mahina niyang bulong. Bumuha ako ng hangin sa ilong at mahinang natawa. Paano niya nasasabi to.
"I'm sorry about last night." Sabi nito habang sumaasayaw kami.
"Ano!" Nagalit ako first kiss ko ang kinuha niya tapos he'll feel sorry!
"I mean." Kinagat niya ang labi at tapos tinigtan ang labi ko.
"So you feel sorry?" Mataray kong tanong habang sumasayaw kami ng dahan dahan. Umikot ako ng dalawang beses at pagharap ko sakaniya ay mapupungay na ang mata niya.
"Yeah." Hindi ko alam kong nasasaktan ba ako dahil kinuha niya yung first kiss ko o dahil nag su-sorry siya sa nangyari. " I feel sorry dahil ginambala kita kagabi." Pagkasabi niya non ay ngumiti ako. Yun pala ang hinihingi niya ng tawad.
"Hey!" Sigaw ng instructor na nagpatigil samin ni Zaire. Napatingin ako sa paligid at lahat sila ay saamin naka tingin.
"Ang sabi ko tumingin lang kayo sa mata ng isa't isa. Wala akong sinabi na mag usap kayu at hindi tumigil sa pag sayaw." Galit na sabi ng instructor. Yumuko ako at tumango. Hindi ko alam kong ano ang ginawa ni Zaire
"Okay! Fifteen minutes break!" Sigaw ulit ng instructor at tumalikod. Nilapitan kami ni Aphrodite at Jeremy
"May something sa inyo no?" Tanong ni Jeremy
"Anong something? Something mo, mukha mo. Kong bigyan kaya kita ng demirit!" Pagbabanta ko mataas ang position ko sa CAT at isa sa mga hina handle ko ang squad nila ni Jeremy kaya pwedi kong gawin ang mga gusto kong gawin sa kaniya.
"Ito naman joke lang sir." Binigyan pa ako ng peace sign ni Jeremy at nagyaya na pumunta ng canteen.
"Here." Binigay sakin ni Zaire ang panyo niya para daw sa mga pawis ko kaya pinunasan ko muna ang mukha leeg pati yung kili kili ko na ikina ngiwi ng itsura ni Zaire.
"Kimmy!" Sigaw niya pero hindi naman ako pinigilan.
"Ano? Binigay mo sakin to tapos mag pupunas ako ng pawis magagalit ka!" Naglalakad kaming apat papuntang canteen at may mga iba kaming kasama na napapatingin lang sa sigawan namin si Zaire.
"Eh bakit pati yung kili kili mo?!"
"Eh sa basa ng pawis ang kili kili ko paki mo ba!"
"Unbelievable!" Pabalik niyang sigaw.
"Unbelievable." Inartihnan ko ang pagkakasabi non at nag punas ulin ng pawis ng wala ng pawig ay. "Zaire!" Tawag ko.
"Ano!" Sigaw nito pero natigilan din ng nakitang nakangiti akong lumalapit sa kaniya. At pinunasnan ang noo niyang may pawis.
"Ew! Disgusting!" Reklamo niya at saka ginawang shield si Aphrodite.
"Tumigil nga kayung dalawa!" Nagsisimula nanamang magalit si Aphrodite samin ni Zaire.