chapter 14

2135 Words
"beshie ang ganda mo!" Sigaw ko ng nakita ang si Aphrodite na naka gray outfit labas ang hugis ng katawan niya spaghetti strap at gabi ang JS prom kaya may mga umiilaw sa damit ni Aphrodite pag natatamaan ng liwanag bagay sa kaniya ang pagkakatali ng buhok niya pati yung light make up ay bumagay sa maganda niyang mukha. "Ikaw din hindi kita nakilala." Sabi nito at nakatitig sa mukha ko. Pareho kaming tulala sa Isa't isa. Naka red down ako at labas ang cleavage labas din ang likod may taling naka ekis sa dalawa kong braso na kulay pula at naka tali iyon sa hintuturo kong kamay na mas lalong nag bigay ng ganda sa damit ko may slit hanggang tuhod ang damit ko high heels na six inches naka katulad kay bell na sa beauty and the beast ang buhok ko kahit na hindi naman mahaba ang buhok ko. Pero bagay sakin ang ganitong hair style. Light make up lang din ako ay silk ang damit na umiilaw din pag natatamaan ng ilaw. Red din ang high heels ko may kwentas akong regalo ni Zaire noong birthday ko. Heart ang hugis nito at may larawan sa loob picture namin ni Zaire ang nandoon. "Ang ganda natin!" Tatalon talos ako sa tuwa dahil sa ang ganda namin ni Aphrodite. Naka 4 inches siya na heels kaya parang feeling ko tumaas ako ng kaunti. "Beshie!" Tili naming dalawa at nabigla ng malakas na bumukas ang pinto. "Mga ate. Kanina pa nasa baba si Kuya Jeremy at Kuya Zaire!" Inis na sabi ni Danna dahil ika tatlong tawag na niya samin. Tumango kami at lumabas na ng kwarto nasa baba na nga sila naka upo sa sofa ay naka talikod samin si Zaire hindi katulad kay Jeremy na naka abang sa pag baba namin. Naka ngiti akong pumunta sa harap ni Zaire. Hindi siya gumalaw ng nakita ako. Kaya mas lalo akong ngumiti. Gusto kong ipakita sa kaniya na ang tinatawag niyang pangit ay gumanda ngayung gabi. Ang take note this is my night dahil kami ang nasa harap mamaya sa sayawan. "Ano? Oh di ba!? Sabi sayo maganda ako!" Panunukso ko sa naka Tungangang si Zaire sa harap ko. "Hoy!" Sigaw ko sa kaniya ng hindi siya kumukibo. "Kahit naka make up ka ang pangit mo parin." Sabi niya at tumayo na. "Tita, tito mauna na po kami." Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami ng pinto may sariling sasakyan na dala si Jeremy kaya magkaiba kaming sinakyan ni Aphrodite. "Zaire pangit ba talaga ako?" Nagtataka kong tanong kay Zaire at. tinignan ang mukha sa salamin ng cellphone. "Hmm." Sinabayan pa nito ng tango kaya mas lalo akong nainis. "Pangit daw pero hindi naman binibitawan ang kamay ko!" Sabi ko at hinala ang kamay pero hindi ko talaga makuha. "Stay still Kimmy mababangga tayo!" Parang galit pero hindi naman galit. "Mas mababangga tayo sa ginagawa mo! Bitaw!" Utos ko "Pagmabangga tayo, mabilis kitang ma pro-protectahan dahil hawak ko ang kamay mo. Idiot!" Sabi nito nasa kalsada parin ang tingin. "Tsk. Ako pa ang idiot. E ikaw nga itong bobo dahil hindi mo makita ang kagandahan ko!" Pabalik kong sigaw. Sa parking lot kami ng school dumitretso. Sa gym kasi gaganapin yung prom pag baba ko ay siyang pagbaba rin ni Aphrodite. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti. "This is so exciting!" Sabi ko kahit na hindi si Paul ang ka date ko okay lang dahil yayayain ko naman siyang sumayaw mamaya. Bago kami tuluyang makapasok ay may kumuha ng pangalan namin blue color ang sinulatan ng boys at pink naman yung sa girls. Nilagay iyon sa kahon. Para siguro sa Miss and Mister for the night. Pagpasok namin ni Aphrodite ay nakaagaw pansin agad ang mga magagandang kulay ng bulaklak at ang mga mapuputing lamesa at upoan nakikita ko rin ang stage na puno ng magagandang design. Maliwag ang loob ng gym at nasasabik ako dahil ngayun ko lang nakita na ganito kaganda ang loob ng gym dito sa paaralan. May mahinang tugtug at may pianong nasa kilid ng stage. tutugtug ako mamaya diyan. Maruno akong mag piano kaya nakiusap si sir Carlo yung principal ng junior high na tumugtug ako and I said yes of course. Naka upo na ako sa harap ng piano at nasa hindi kalayuan ay nandoon si Zaire naka bantay sakin. Pagkatapos kong tumugtug ay sasayaw agad kami kaya dapat hindi siya malayo sa kinaroroonan ko. Nag simula na akong tumugtog at tahimik ang lahat na nakikig na tinutugtug ko. This music is all about love, care and cherish. Love what's important to your life. Don't make anyone destroy that love. You have a freedom to choose, so care them. You have the obligation to care those people who loves you and care for you. You are the right person to loved and to be loved. If they are not the right person for you. Then try to be the right person for them. Don't be scared cause love is amazing for the people. And for our generation love is more important than anything. Even love is everywhere but you can't find a true love except for your family. Cherish your family and the person you want to be with, with all your life. They say that family is always there for you but the truth is not all the time. There is times that you need to do it by your self you need to be independent, because family is just an instrument that God gave us to us to grow and not to depend. May ngiti sa labi akong natapos mag patugtug. Napatingin ako kay Zaire at nakita ko siyang naka titig sakin. Malalaking hakbang na nilapitan ako. At bago pa ako nahawakan ni Zaire ay tumugtog na ang kantang sasayawin namin. Hinala ako ni Zaire sa harap at doon kami sumayaw. "Do you like it?" Tanong ko sa kaniya "Yeah, i like it." With his husky voice. Napangiti ako at tinignnan siya ng mabuti. Naka six inches ako kaya hanggang ilong na niya ang taas ko magkadikit ang mukha namin habang simasayaw Natapos ang sayaw namin at nag kanya kaniyang sayaw na ang mga ka partners. Magiiba sana ako ng ka sayaw at lumalapit ako kay Paul ng bigla bigla akong inilayo ni Zaire kong saan naroon si Paul mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at baywang. Galit ang mukha niyang sinasayaw ako. "Stay Kimmy. Please." Hindi ako maka makawala sa pamamaraan ng paghawak ni Zaire. Hinawakan niya ako na parang may kukuha sakin. Dinikit niya ang katawnan namin ay pinahinga ang ulo sa balikat ko. "I love your smell." Sabi niya. Patuloy parin kami sa pagsasayaw at humigpit ang yakap ng isang kamay ni Zaire sa baywang ko ang isang kamay niya ay hawak ang isang kamay ko sa ere. "You are so beautiful tonight Kimmy. And I hate Paul the way he looked at you." Mababa pero panlalaki niyang boses ang nag patayo ng mga balahibo ko. Hinanap ng mga mata ko si Paul at nakita kong nakatayo siya hindi na sumasayaw at nasa amin ang mata niya. Bakit ganon ang mata ni Paul bakit parang galit siya at nakatingin samin? "Zaire." Tawag ko "Hmm?" Ungol niya at siniksik ang mukha sa leeg ko. "Paano ko malalaman kong may gusto na ang lalaki sakin?" Tanong ko. umangat naman ang mukha niya at tinignan ako ng seryoso. "They looked at you like a treasure. Like you are the most expensive in this earth." He said that and looked at me like what he said. Mapupungay ang matang tinignan ko siya. Mabilis ang t***k ng puso ko gusto kong abutin ang labi niya pero may pumipigil sakin na wag kong gawin. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ay balikat niya para akong natutunaw dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin. "Naiinis ako sayu, dahil ngayun mo lang ako tinignan ng ganyan." Sabi niya sakin at nilapit ang mukha sa mukha ko kasabay ng paglabit ng labi namin ang pagpatay ng ilaw at yung malakas na tugtug ang pumalit sa romantic music. Nagulo ang mga taong nasa loob ng gym ang iba ay tumatalon talon at ang iba ay nababaliw na sumayaw kahit ang mga babaeng naka gown ay nakikisali sa sayaw habang lahat sila ay sumasayaw at dinadama ang gabing ito. Walang nakapansin na naghahalikan kami ni Zaire dahil maliit na ilaw lang ang umikot ikot sa loob ng gym. Kumapit ako sa leeg si Zaire dahil sa nagustohan ko ang halikan namin. Ang dalawang kamay niya ay pumulupot sa maliit kong baywang. Ako ang unang bumitaw sa halik dahil sa naubusan ako ng hangin. Dinikit ko ang noo namin pumukit ako at sinisisi ang sarili dahil gusto ko pa. Gusto ko pang halikan si Zaire! Gusto ko pa! My heart is pounding so fast. And my mind is telling me to kiss Zaire. But there's a little part of me that stopping me. "Please Kimmy ako nalang." Sabi ni Zaire malapit sa tenga ko. Hindi ko maintindihan kong ano ang ibig niyang sabihin. At bago pa ako makapagsalita at mag tanong ay may tumapik na sa balikat ko it's Aphrodite. Nakaupo na kami sa malaking round table. Nasa tabi ko si Zaire at pag may lalaking nagyayaya na masayaw ako ay hinahawakan niya ang kamay ko at siya mismo ang humihingi ng tawad sa mga lalaki at sasabihin na masakit ang paa ko kahit hindi naman talaga. Tumayo ako para mag cr ng sinamahan ako ng tayo si Zaire. "What?!" Galit ko. kanina pasiya buntot ng buntot sakin kahit yung pagkuha ko ng tubig ay sinasamahan pa ako. "Where are you going?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko. "Sa CR gusto mong sumama ?!" Naiirita kong tanong "Tara." Sagot niya at siya pa talaga ang naghila sakin papunta sa CR ng girls. Maraming buntong hininga ang ginawa ko dahil sa inis paano ko yayayain si Paul kung buntot ng buntot si Zaire sa likod ko! Nasa loob ako ng cr tapos na umihi at nag aayos nalang ng mukha nasa labas si Zaire at nag hihintay sakin. Napatingin ako sa pinto at nahihirapan na umiling. Umikot ng dalawang beses nang mata ko bago napagdisisyonan na lumabas. At ang nakangiting mukha ni Zaire ang sumalubong sakin. Isang beses pang umikot ang mata ko bago tuluyan na lumabas. Agad namang pumulupot ang isang kamay ni Zaire sa baywang ko at naglakad kami kung saan kami naka pwesto kanina. "Beshie nandito daw ang may ari ng paaralan." Kakaupo ko palang ay yun na agad ang salubung ni Aphrodite sakin. "Talaga? Ang rinig ko italiano daw ang may pagmamayari nito. Gusto ko siya makita!" May pagka excited ang boses ko at patingin tingin sa paligid at baka sakaling may makita akong Italiano. Pero sa halip na italiano ang makita ko ay nakita kong sumasayaw si Paul sa gitna kasayaw niya ang babaeng ka date niya. "Ts. Hindi naman maganda!" Sabi ko sa sarili na alam kong narinig ng dalawang katabi ko. Umikot ang mata ko at pinagmamasdan sila. Sa totoo lang naiinggit ako. Kung hindi lang talaga epal itong si Zaire baka nakasayaw ko na si Paul. Narinig ko na may tumawag kay Zaire kaya masaya akong naka tingin sa kaniya ng sinagot niya ang tawag at nawala siya sa tabi ko. Tinignan ko si Aphrodite masaya silang nag uusap ni Jeremy at may tinitignan sila sa cellphone na hawak ni Jeremy. Napatingin ako kay Paul na hanggang ngayun ay sumasayaw pa rin. Galit ang mukha niya habang sumasayaw at ng nagtagpo ang mata namin nong babaeng sinasayaw niya ay may naramdaman akong kaba hindi ko alam kong bakit. Maya maya at tumigil na sila sa pag sasayaw. Nilibot ko ang tingin at hindi ko nakita si Zaire. Pagkakataon ko na to! Na makasayaw si Paul. Kaya lumapit ako sa table nila. Ang babaeng kasama niya ang unang naka pansin sakin. Umigham ako. Hindi tumingin sakin si Paul at nanatiling nasa basong may wine ang mata niya. At parang may malalim na iniisip "Paul?" Tawag ko na nahihiya pa dahil baka ma reject nanaman ulit ako. Pero gusto ko talaga siyang makasayaw. "What?" Walang ganang sagot ni Paul paul. "Ahm." Mas lalo akong kinabahan ng tumingin si Paul sa mata ko kaya wala akong nasagot sa tanong niya. Nagtinginan kami at nakita ko ang galit sa kaniyang mata. Parati siyang galit pag ako ang nasa harap niya pero mas kinabahan ako ngayon. Napaatras ako ng tumayo siya. At magpapaalam nalang sana kung hindi lang niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng gym. Mataas ang high heels ko kaya para akong matutumba sa pag hila niya kong hindi lang ako sanay sa mga ganito ay baka kanina pa ako naka upo sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD