chapter 15

2136 Words
"Paul. Teka lang nasasaktan ako." Pilit kong kinuha ang kamay niya pero subrang higpit ng pagkakahawak niya sakin. Hanggang sa nakarating kami sa labas ng gym at dinala niya ako sa garden na malapit sa gym. "Ganyan ka ba talaga Kim!" Sigaw niya sakin ng huminto kami malapit sa fish pond. "Gu-gusto kolang maisayaw ka." Nauutal kong maliwanag. "Pagkatapos mong humalik sa iba gusto mong sumayaw sakin?!" Galit siya at parang gusto akong saktan. May sinipa siyang bato at malalim na nag buntong hininga. Natatakot ako sa kaniya kaya umatras ako at sa ikalawang atras ko ay mahigpit niya akong hinapit sa magkabilang braso. "Why did you do that!" Naiinis na siya at alam kong nag pipigil na manuntok. "Paul." Tawag ko ulit sa pangalan niya hindi na tama ito galit na galit siya at natatakot ako na baka saktan niya ako ng tuluyan. At bago ba ako maka alis ay marahas niya akong hinila at akmang hahalikan ngunit merong humila sakin mula sa likod at sinuntok siya sa mukha Nakita ko kong paano mas lalong nagalit si Paul hawak ang panga niya ay tinignan niya ng masama si Zaire. Binasa niya ang kaniyang labi at mahinang tumawa "Kim may relation ba kayung dalawa?" Tanong niya at tinignan ako. Gusto kong sumagot pero nanginginig ang kamay ko at hindi ko alam kong ano ang gagawin wala ako sa tamang pag iisip ng inawakan ako ni Zaire at itinago sa likod niya Nagmura ng malakas si Paul at galit na umalis. Nag aalala akong tinignan ni Zaire at bago pa siya mag salita ay umiyak na ako sa harap niya. "Bakit ganun siya Zaire? Hindi ko alam kong nag seselos siya sayo pero galit siya dahil... Dahil sa ginawa natin. Pinapakita niya na wala siyang pakialam sakin pagkatapos biglang magagalit. Binibigyan niya ako ng mix signal.." umiiyak ako habang nag susumbong kay Zaire. "Hindi ka niya gusto Kimmy. Pinaglaaruan niya lang ang damdamin mo. Tahan na." Tinignan ko ng mabuti si Zaire. At nagsisimula nanamang maiyak hanggang sa hindi ko na kinaya at lalong pinalakas ang pag iyak "I know. But I'm so into him Zaire." Bahagya na akong napa sigaw habang umiiyak pinunasan niya ang luha sa mata ko at nasasakyan ang matang tinitigan ako. Niyakap ko siya. Bigla ay gusto kong maramdaman na nandyan lang siya sa tabi ko "I... I... I love him." Nahihirapan kong sabi habang umiiyak at naka yakap kay Zaire "baka... Baka nag seselos siya Zaire. Hindi ko siya maintindihan." Nagtataka kong sumbong. Humigpit ang yakap ni Zaire sakin hanggang sa nakaramdan ako ng pamamasa sa balikat kong saan niya tinatago ang mukha. Is he crying? For what? "Zaire." Tumahan ako ng kaunti at tinawaga ng pangalan niya gumalaw din ako para makita siya pero mabilis niyang hinawakan ang ulo ko at ibinaun iyon sa palikat niya. Para siguro hindi ko makita ang mukha niya. Pero bakit siya umiiyak. Nawala sakin ang lahat ng nangyari at nasalo lahat ni Zaire ang atensyon ko nagtataka ako kong bakit siya umiiyak sa balikat ko pero pag tinatanong ko ay iling lang ang isasagot sakin. Ni hindi siya maiangat ang mukha para makita ko siya. Something of me saying that I need to go inside but whole of me saying to stay here. Hindi ko maintindihan ang sarili ko I love Paul. I love him very much to the point that I can tell that to the whole world. But here I am hugging Zaire and I can't let my self because I love it I like being in his arms. Pumikit ako at pinahinga ang ulo sa balikat ni Zaire. Iniisip ko ang mga nangyayari. Paano kong hindi dumating si Zaire. Hahalikan ba talaga ako ni Paul? Pero bakit niya gagawin yun? Diba galit siya? Diba ayaw niya akong maisayaw? Naghanap siya ng ka date nalaman ko rin na no'ng araw na hinahanap ko siya para yayain na maka date. Ay sadyang nagtatago siya sakin. Pero bakit gusto niya akong mahalikan? Natamaan ko ba ang ego ng p*********i niya? Dahil alam niya na siya ang gusto ko kaya panatag siya na sakaniya ko ibibigay ang lahat ng first ko? Ganon ba? Hindi niya matanggap na naunahan siya si Zaire? Dahil sa taas ng suot kong heels ay nangawit ang paa ko sa kakatayo habang yakap si Zaire. "Zaire, masakit ang paa ko." Sumbong ko. Pag nandiyan si Zaire ay panatag ako dahil alam ko na hindi niya gustong mahirapan o masaktan ako. Umangat ang ulo niya. Nagpunas siya ng mukha habang yakap parin ako. At ng kumawala siya sa yakap ay nakangiti niya akong sinalubong pero nandoon parin ang lungkut sa mukha niya. "Umiyak ka." Umiling siya. At nilagay niya ang labi sa tuktuk ng ulo ko. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko habang naaamoy ang panlalaking amoy ni Zaire. Tinapos niya ang halik sa akin ulo at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Can you stay with me this whole night Kimmy?" Tanong ni Zaire. Ayokong umiiyak si Zaire. Nasasaktan ako ngayun dahil parang ang bigat ng dinadala niya. Nararamdaman kong may problema siya dahil ngayun ko lang nakitang umiyak siya at sa balikat ko pa mismo. Hindi ko man nakita ang mukha niya habang umiiyak pero ayuko ng ganon. Kahit malaman ko lang na umiiyak siya parang ang sakit na para sakin. Hindi ko alam kong bakit. Gusto ko yung parating masaya lang kami yung parating nag aaway. Yung nagtatampuhan tapos mamaya mag kukulitan nanaman ayoko ng ganito. "Basta hindi kana iiyak. Hindi kita aawayin ngayung gabi promise." Mahina siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Tumango siya "Iyakin mo kasi eh. Yan tuloy, nahawa ako sayo." "Ako pa talaga ang may kasalanan?" Nainis ako ng kaunti sa sinabi niya. Bakit ako ang sinisisi niya dahil umiyak siya? "Sino pa ba ang sisisihin ko eh, ikaw lang parati ang kasama ko." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya marahas kong kinuha ang dalawang kamay na hawak niya pero mas nainis ako dahil sa malakas niyang pag tawa. "Joke lang ito naman. Akala ko ba hindi mo ako aawayin ngayung gabi." Nag halukipkip ako dahil sa sinabi niya. Naunahan kasi ako ng inis eh. Tinawanan niya naman ako kaya bumusangot ang mukha ko. "Lets go." Hinawakan niya ang isa kong kamay at magkasabay kaming pumasok sa loob ng gym. Pagpasok ko ay una kong nakita si Paul at nagkatinginan kami agad dahil nasa entrance ang tingin niya. At parang may inaabangan na pumasok. Bumaba ang mata niya sa kamay namin si Zaire at nakita ko ang bahagyang pagtaas ng isang kilay niya. "Hey are you okay?" Tanong ni Zaire na nagpaagaw ng atensyon ko. Tumingin ako sa kaniya at umiling. Hindi na ulit ako tumingin kay Paul dahil nahihiya ako sa nangyari sa labas. Hindi na ulit ako nag tangkang lumapit at yayain siyang sumayaw. Nasa table kami at anim ang nakaupo kasama ko sila ni Aphrodite Jeremy at Zaire. Pero hindi ko kilala ang dalawang nakaupo sa table namin. At nakakasiguro akong may relation ang dalawang ito. magbulongan kasi sila at mamaya ang tawa tapos nakita ko pang hinalikan ng lalaki ang kamay ng babae. Naingit ako at wala sa sariling tinignan si Zaire. "Why? Do you need something else?" Tanong niya umiling ako at napatingin sa kamay kong may sing sing sa hintuturo. "Nagugutom ako." Sabi ko kahit na kakatapos ko lang maupos ang nilagay niyang graham's sa plato ko. "Anong gusto mo kukuha kita." Napaangan ako ng tingin at nakita ko ang babae na tumitingin sakin. Tinignan ko si Zaire at ngumiti ng todo parang na fefeel ko kasi na may naiinggit. "I want ice cream." Pabebe kong sabi. Oo wala akong boyfriend pero may kaibigan naman akong subrang sweet. Kaya maingit ka! Dahil mas sweet si Zaire kaysa diyan sa pangit mong boyfriend. Hindi ako bitter. Pero kasi kanina pa sila nag bubulungan na parang mga bubuyog nakaka offend na pano kong kami ang pinaguuspan nila tapos nagtatawanan pa sila. Wala na sana akong pakialam do'n pero hindi maganda ang inaasal nila. Hindi tama na may ibang tao kang kaharap tapos mag bubulungan kayo tapos tatawa pa. What an attitude. Bumalik si Zaire na may dalawang cup na ice cream. Binigay niya sakin yung isa tapos ay kinain niya yung isa. Kumakain ako ng biglang pununasan ni Zaire ang labi ko gamit ang hinlalaki niya. Napatingin ako sa babaeng hindi namin kilala at nanlalaki ang matang umalis sa inuupoan niya sinundan naman siya ng kaniyang boyfriend. Napatawa ako ng mahina at kumunot ang noo ni Zaire. "You scary." Sabi niya at inilayo ang kamay na nasa mukha ko. "Beshie." Napalingon ako kay Aphrodite dahil sa pagtawag niya. "Nag speech kanina ang may ari ng school sayang at wala ka san kaba nanggaling? Alam mo bang kamuka ni Zaire ang may ari ng school?" "Talaga?" Sabagay sa mukha ni Zaire ay alam kong may ibang lahi siya hindi pure pilipino ang figure ng mukha eh. Nilingon ko si Zaire. "Zaire sabihin mo nga samin ang totoo. Nanong breed ka?" Tanong na hindi nasagot dahil hinampas ni Aphrodite ang kamay ko. "Hindi pa ako tapos." Sabi niya kaya nakinig nalang muna ako sa kaniya. "Ang sabi pa niya na next year ipapasa daw niya ang paaralan sa anak niya. Nandoon kanina ang anak niya sa ibabaw ng stage naka upo. Ang gwapo beshie. Parang badboy ang itchura tapos ang tangos ng ilong." Kwento niya hindi naman siya mukhang kinikilig. Nagkukwento lang talaga. Actually wala talaga akong pakialam sa kwento ni Aphrodite. Pero nakinig parin ako dahil baka magalit ang masapak niya ako sa mukha. "Hala talaga?" Tanong ko at umastang intresado sa sinasabi niya. Tumango tango naman siya at nagpatuloy sa pag kwento. Ito ang unang beses na may pinuri si Aphrodite na lalaki. Kaya gusto ko rin sana makita ang lalaking kinikwento niya pero ang sabi ay ng bumaba sa stage ang mag ama ay hindi na daw niya ito nakita ulit. Maya maya ay natahimik ang lahat may inannounce ang emcee at nagsimula nanaman ang mabining sayawan. Hinanap ng mata ko si Paul. Gusto ko talaga siyang isayaw. Bumulis ang t***k ng puso ko ng nakita ko siya naglalakad at palapit sa pwesto namin. Pero bago pa siya tuluyang makalabit ay may humawak na ng kamay ko. "Lets dance." Si Zaire habang nakangiti akong tinitignan. Lumunok ako at tumango. Ayokong mag assume na ako ang yayayain ni Paul na sumayaw dahil baka masaktan nanaman ako. Wag muna ngayung gabi. Kahit ngayun lang ayokong masaktan. Bago kami nagsimulang sumayaw ni Zaire ay nakita ko si Paul na hinawakan ang kamay ni Aphrodite. "Look at me Kimmy." Mababang boses ni Zaire. "Zaire, mahirap ba akong mahalin?" Tanong ko habang tinitignan siya sa mata. "No. You are so lovable Kimmy. At ang ganda mo ngayung gabi." Mahina akong natawa sa sinabi niya. Bago kasi yun sa pandinig ko. Never pa niya akong pinuri kaya gusto kong ulitin niya yun. "First time yun ah. Pakiulit nga." Sabi ko na natatawa. Pinisil niya ang tagiliran ko at nahawa sa mahina kong tawa. "Ayoko nga. Bobo kana bingi kapa. Tapos ang pangit mo pa." Nappangiwi ako sa sinabi niya. Kakasabi lang kaya niya na maganda ako. "Isinayaw mo ba ako dito para insultuhin?" Tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay. "Ang baho pa ng kili kili mo." Pagkasabi niya non ay binitawan ko siya at aalis nalang sana dahil medyo na offend ako don kahit hindi naman mabaho ang kili kili ko, pero mabilis niyang binawi ang kamay ko at inilagay sa balikat niya ulit. Pinatuloy niya ang pag sasayaw na natatawa dahil sa reaction ko. "Pero mas gusto ko na ganyan ka Kimmy. Gusto kong makita ng lahat ng lalaki ang imperfections mo. Ayokong nagugustohan ka nila." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit?" "Dapat ako lang. Ako lang dapat ang makakakita ng magagandang side mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Para niya akong inihili sa pamamaraan ng pag tingin niya sakin gamit ang mapupungay niyang mga mata. "Selfish mo." Sabi ko at umiwas ng tingin. "Look at me Kimmy." Hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinapatingin sa kaniya habang sumasayaw kami ng mabini. "I'm saying this because I want you to know that. You are very special to me." Tumigill ako sa pagsasayaw at pinagmamasdan siya dahil sa sinabi niya. "And I want someday. You will feel that I'm worth it for your love." He looked at me like I'm the only treasure in this planet that I'm very expressive and very fragile. He looked at me like I'm a star who everybody wants. He looked at me like I am the goddess of all. "I want your love Kimmy. I want you." Tumigil ang pag t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Zaire wants me? He likes me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD