chapter 16

2113 Words
"Dad, dalian niyo na po diyan ma le-late na po ako sa klase e! " Sigaw ko mula sa labas alam ko naman na maaabot ng boses ko si Daddy na nasa loob ng bahay. Ilang sandali pa ay parang naiihi na ako dahil sa tagal ni Daddy, ano ba naman to kong kailang tuka nila Paul ang pag bantay ng gate doon pa sasakit ang tyan ni Daddy. "Dad! Late na po ako oh!" Sigaw ko pa lalo. Sabi kasing aalis nalang ako pero ito at pinilit ako ni mommy na ipasabay kay Daddy. Maaga ang pasok ni Daddy sa maliit naming negosyo katulad ko maaga din akong umaalis ng bahay. Para saan pa? Edi para buo ang araw ko. Pag makita ko kasi si Paul sa umaga ay parang pwedi na agad gumabi at para makatulog na ako at bukas ng umaga ay makikita ko ulit siya. Oh diba! Ganon ko siya ka mahal! Simula nong araw na umalis si Zaire ay ito nalang ang nagpapasaya sakin. That stupid guy. Bahala siya sa buhay niya! "Ikaw na bata ka!" Nanlaki ang mata ko sa nakitang reaction ni Daddy kaninang kanina, galit akong nagbabantay dito sa labas para sa pag labas ni Daddy pero ngayun nag iisip ako na sana pala nauna nalang akong umalis. "Anong late na pinag sasabi mo diyan! 5:55 am palang Kimmy 7:30 ang klasi niyo. Ano bang pinanggagawa mo sa school niyo'ng bata ka at ganitong oras ay late kana!" Napa tingin ako sa langit. Oo nga medyo ma dilim pa nga. Pero kasi naman! Ganitong oras nandun na si Paul sa gate e. Kumain lang ako ng kaunting kanin at dinala ko nalang dito sa labas ang hotdog na kakaluto palang ni mommy. Alas singko ng umaga si mommy gumigising. Minsan pa nga ay sabay kaming gumigising at tinutulongan ko siya sa kusina. Kaunting ingay. Yung ang naitutulong ko sa kaniya. "Dad alam mo naman yung anak mo masipag mag aral." Sabi ko sabay bukas ng kotsi ni Daddy at para hindi na masayang ang lakas ng gwapo kong Daddy. Pagpasok ni Daddy agad ko itong sinira ang pinto at patakbong sumakay sa kabila. "Anong masipag? Kong hindi 80 ay 79 ang average mo." Pa bulong niyang sabi habang pinapaandar ang sasakyang. "Daddy naman nag aarala ako ng mabuti. For PUTURE." Sagot ko " Future yun beshie. F yun hindi P." Isang masamang tingin ang binigay ko sa kaibigan kong nakapikit sa likod. "Alam ko naman yun beshie." Natawa si Daddy at pinaalis na ang sasakyan. Yiee! Exciting! bernis ng umaga ganito parati ang set up ko. Tuka ni Paul sa gate pag ganitong umaga kaya dapat andon ako supportive girlfriend ako e, Nasabiyahe ay nakita ko si Xyril na natutulog na talaga sa likod nag dadaing pa. Natatawa ako sa itchura niya kaya agad kong kinuha ang cellphone para picturan itong maganda kong kaibigan kong natutulog. Sabi nga nila wag mong maliitin ang mga maliliit na bagay. Malay mo magagamit mo itong alas balang araw. "Kimmy! Umayos ka. Tignan mo yang kaibigan mo dinamay mo pa sa mga kaluhohan mo. 'Yan tuloy inaantok na pupunta ng paaralan niyo. " Bulyaw ni daddy pero hindi ko ito pinansin at patuloy na kinunan ng picture ang naka nganga kong kaibigan. Magpasalamat siya at mahal ko siya kaya kahit nahihirapan ay gagawin ko ang lahat para ma kunan lang siya ng magandang angulo. "Daddy. Alam naman po natin na mas mahal niyo itong si Aphrodite kay sa sakin. Kaya kong pwedi po wag niyo na pon ipa mukha. Masakit po kasi. " Nag inarti akong nasasaktan. Mga 10 minutes tinagal namin sa kalsada. Hay jusko! parang gusto ko nang mag teleport sa school dahil sa bagal nang pag paandar ni Daddy ng sasakyan. "Daddy thank you po! I love you!" Isang halik sa pisngi ang binigay ko sa Daddy at saka bumaba. Kinailangan ko pang pumunta sa likod para gisingin si Aphrodite. Inaantok siyang pagiling giling na sumabay sakin na nag lalakad patungo sa loob ng school. "Oh Kim, Aphrodite. Sabi ko na nga ba na kayo ang unang papasok diyan sa gate eh. Oh mga pare nasan na ang tig 50 pesos niyo. Bigay dali." Napa taas ang kilay kong tinignan si Jeremy. Pero agad din itong bumaba ng nakita ko si Paul na papunta sa kinaroroonan namin. "Hoy! kayo Jeremy pinag pupustahan niyo ba kami? Alam niyo bang illegal gambling yang ginagawa niyo ha!" Hala patay kulang pa naman ang tulog nitong si Aphrodite baka kami pa ata ang makulong nito. "Pwedi kayung makulong for 1 and haft year ng dahil diyan sa mga pinanggagawa niyo!" Napa takip ako ng bibig dahil sa mga pinagsasabi niya. Pano niya nalamam ang ganon? May balak ba itong mag abugado? Hindi ba ay pagmamadre ang gusto niya. Mahina akong tumawa habang tinitignan ang mga lalaking nasa harap namin. Si Paul naman at nasa likod na nila at may tinitignang papel parang wala lang ang girlfriend niya dito kong umasta ah! "Pasinsiya na kayu. Bagong gising kasi itong kaibigan ko tapos kulang pa ata sa tulog kaya nasa malatañang pa ang utak nito." Patatawa akong humingi ng tawag. Andiyan si Paul kaya kailangan kong maging angel para sa future! "Anong malatañang?" Tanong nang isa. "Kayu talaga mag aral nga kayu ng mabuti! Malatañang yung tirahan ng mga presidente. Yung puno ng batas. " natatawang hinampas ko pa sa balikat ang lalaking nag tanong. Ito naman hindi kasi pumapasok sa aralin panlupunan yan tuloy walang alam sa mga bagay bagay. Namula, tumahimik at napa titig ako ng husto kay Paul ng lumapit ito sakin. "Malacañang ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Paul kaya naka ngiti akong tumango. Wala na akong pake sa mga taong nasa paligid basta kaharap ko si Paul ngayun ay wala na akong pakealam sa mundo kahit na mawalan pa ako ng hininga basta tinitignan ako ng boyfriend ko sa mata ng ganito kalapit. Oh God my husband! "Aphrodite, hindi ba kayu na inform na may parade ngayon at sa gym kayu dapat pumunta. Maaga pa at pag pumunta kayo doon wala kayung makakasama at delikado ang gym pag ganitong oras maya maya ay ihahatid ko lang kayu doon." What a sweet voice running into my ears. Wait! What! Bakit si Aphrodite ang kinakausap nga at hindi ako! Huli ko na na malayan na nasa kay Aphrodite na pala ang tingin niya at ano to?! Naka ngiti siya habang nakikipagusap kay Aphrodite? Isn't fair? Pagkatapos niya akong iligtas noon. Never in my life ko na siya nakitang ngumiti ulit sa harap ko! At parati ko nalang siyang nakikita na nakangiti kay Aphrodite Masama kong tinignan si Aphrodite na seryosong naka tingin kay baby Paul ko at saka tumango. Naka ngiwi kong tinignan ang likod ni Paul ng tumalikod at umalis siya sa harap namin. Ng hindi ko na siya nasilayan doon ko lang nilingon ng masama ang kaibigan. "Ang unfair mo bakit sayo maayos siyang nakikipag usap! Tapos...! Tapos! Ngumiti pa! Huh! Saklap! Para mo na akong pinatay beshie! Magkaibigan ba talaga tayo?!" Sabi ko at nasaktan ako ng tinalikoran niya ako. "Talaga lang? Huh!... Hoy hintay!" Patakbo kong sinundan si Aphrodite at ng maabotan ay agad kong pinulupot ang kamay sa kaniyang siko. "Beshie, gutom ka ba? May dala akong hotdog dito." Paglalambing ko. Baka kasi gutom siya. Isa pa ayokong magalit itong heartless woman na to. At baka maging brainless animals nanaman. Pag galit kasi ay hindi napinipigilan ang bunganga at ang gustong sabihin nalang ang lumalabas "Wag mokong kausapin beshie. Inaantok ako gusto kong matulog kaya manahimik ka kung ayaw mong tupiin ko ng maliit yang baby Paul mo." Dinikit ko ng marahas ang dalawang bibig at takot na gumawa ng ingay. Dahan dahan akong sumunod sa likod niya at sa kilid malapit sa gate ay may sementong lamesa upoan na naka lagay para sa guard. Doon kami nag tungo at binigay ko sa kaniya ang bag ko para gawin niyang unan. Mas madami kasi akong bit bit na damit kaysa libro at notebook. Ang totoo kasi niyan pagkatapos ko nitong senior high at kahit na mag aral ako ng mabuti ay makalimotan ko rin naman yun at hindi ko madadala sa panghabang buhay kong activities. Ang maka pasa, maka graduate at makapagpakasal lang kay Paul ay sapat na sa tinatawag kong pangarap. Subra pa nga yun sa hinahangad ko sa buhay. Habang natutulog ang maganda kung kaibigan na nagising ng maaga para samahan ako ay ini-imagine ko naman ang kagwapohan ni Paul na nag bibigay ng instructions sa applicant. Sa pagkakaalam ko lahat ng nasaharap niya ay grade 9 at mga baguhan palang sa C.A.T 'Classroom Assessment Techniques' "HUMANDA!" Kahit ako ay nabigla sa sigaw niya ngunit ang puso ko ay parang nagwawala dahil sa mala commander voice niya. "So soft." Mahina kong sabi habang nakangiti "Gaga kailan pa naging soft ang mga boses nang nag fo-form?" Maliit na irap ang ginawa ko kay Aphrodite at pinagpatuloy ang pag tingin at pag huhumaling sa mahal ko "HUMANAY HUH!" Nagsitayuan ng tuwid mga batang nasaharap niya naka tinding paluwag siya kaya ang cool niyang tignan para siyang baby hottie commander na sa akin babagsak. "HARAP SA KANAN... RAP!" Agad na sinunud ng mga bata ang sinabi niya parang gusto ko na tuloy magkaanak sa kaniya ang sarap sigurong pagmasdan pag pinapagalitan niya ang anak namin. "MAGSINSING...! PAGITAN, HUMANAY... HUH!" Mahuhulog na ang laway ko ng may biglang kamay na sinira ang bibig ko. "Beshie ang laway mo." Natatawa niyang sabi napa labi naman ako ay umiling. And I also tsked her. Bigla ko nalang naalala si Zaire. Pagkatapos ng sayawan namin nong prom hindi ko na siya masiyadong nakakasama hindi ko narin siya katabi sa klasi dahil sa malayo siya umuupo namimiss ko na siya hindi niya ako pinapansin kaya gabi gabi ako umiiyak sa kwarto hindi na rin siya kumakain sa bahay hindi na niya ako pinapansin! Hindi ko alam kong bakit baka Galit siya? Pero bakit? Natapos ang grade 10 at ng graduation ay doon ko siya nakausap pero hindi na katulad ng dati bigla siyang nagbago. Baka siguro nairita siya sakin? Nainis? Hindi ko alam maraming gumugulo sa isipan ko pero kahit ganon ay nagawa kong ngumiti ng graduation day nagpa picture kaming tatalo ni Aphrodite may picture din na kaming dalawa lang ang mag kasama. Meron din yung kasama sila Aphrodite, Zaire at ang pamilya ko. Masaya ang araw ko non dahil kahit papano ay lumapit siya sakin. Kinausap niya ako kahit hindi katutad ng dati. Ng gabi ay nag celebrate kami sa bahay wala si Zaire kaya nag disisyon akong pumunta ng bahay niya nasa akin parin ang susi ng bahay niya pero pag dating ko doon at wala siya hinintay ko siya sa loob ng bahay niya hanggang sa nakatulog ako sa sofa niya at pag gising ko ay wala akong Zaire na nakita sa bahay niya. Nagpasukan at grade 11 na kami nag taka ako dahil hanggang pasukan ay hindi siya bumalik. Hindi ko din nakita si violet wala na akong communication sa magkapatid namimiss ko na sila pariho at ngayun magtatapos na kami sa grade 11 naiinis ako dahil mag iisang taon ko nang hindi nakita si Zaire. Hindi naging maganda ang buhay ko. Parati akong nakangiti at masigla pero tuwing gabi naiiyak nalang ako bigla tapos maiisip ko si Zaire. Parati ko din tinitignan ang bahay niya nililinisan namin ni Aphrodite ang bahay niya tuwing sabado tapos ay magkukulong ako sa kwarto niya na parang ako yung iniwan ng matagal ko ng asawa. Napatingin ako kay Paul. Na nag bibigay ng mga utos sa applicants mamaya sa parade. Naisip ko na hindi lahat ng tao tumatagal sa tabi mo katulad ni Zaire. Na hindi nagpakita pagkatapos sabihin na gusto niya ako. Pagkatapos niyang kunin ang first and second kiss ko. Nagulo ang isip ko ng mga panahon iyon nasasabik akong hawakan ni Zaire at naiinis ako pag may nakatingin sa kaniya na ibang babae pero alam ko sa puso ko na mahal ko si Paul. Nag taka ako kong ano ang tunay kong nararamdaman. No'ng umalis si Zaire subrang nasaktan ako mapahanggang ngayun ay namimiss ko parin siya pero sa tuwing nakikita ko si Paul ay may kaunting tuwa sa puso ko pero hindi parin ako masaya. May kulang parin at kay Paul ko hinahanap ang lahat ng kulang sakin. Napangiti ako dahil kahit malungkut ako, at makikita ko si Paul ay kahit papano nababawasan ang sakit ng puso ko. At na laman ko na kaibigan lang talaga ang turing ko kay Zaire si Paul ang tunay kong mahal! Si Paul at wala nang iba!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD