chapter 17

2216 Words
"There are steps in sampling and these are identify the #($;+"()#!#;$+#(!$!$$." Umikot ang paningin ko at inaantok na tumitingin sa gurong nagsaasalita sa harap "Miss, Melfier tayo." Nagulat ako sa sinabi ni ma'am. Nakikinig naman ako promise pero wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Nakayuko akong tumayo. Paniguradong sa labas nanaman ang bagsak ko nito. "Ano ang ibig sabihin ng questionnaire?!" May inis sa boses akong tinanong ni ma'am dahil sa naging galaw ko at alam na niyang hindi ko nanaman masasagot ang tanong ng reasearch teacher namin. " Sampling po ma'am?" Patanong kong sagot. Si Aphrodite ay napa yuko nalang at ang iba naming kaklasi ay ayun at tinatawanan nanaman ako. Gusto ko lang naman mag aral ng mabuti at makapasok sa university na gusto pasukan ni Paul. Pero bakit walang pimapasok sa utak ko. "What are you doing? Nakikita kong nakikinig ka naman sakin pero bakit hindi mo masagot ng tama ang tanong ko? You didn't really disappoint me for you being not attentive at class. Miss Melfier. Now come here. Kunin mo itong demerit paper. Meet me in the library after your formation." May kaunting inis na namumuo sa dibdib ko. Hindi lang naman kasi ako nakasagot sa tanong bakit may demerit akong nakuha? Yung iba nga hindi binibigyan tapos ako parang ang dali lang bigyan ng mga guro! Habang nag lalakad ako papuntang harap ay napapaisip nalang ako kong istudyante ba talaga ako sa paaralan na to o isang janitor. Kong hindi sa cr ng girls ang bagsak ko ay sa library at kong hindi sa library ay doon naman sa gym o di kaya ay sa computer lab. Pinaaral lang ata ako dito nila mommy para mag linis ng school e. Basa sa pawis. Pagod, amoy asim na ako dahil kanina pa ako pinapawisan. Maraming dumi ang damit palda kahit yung mga kamay at balat sa braso ko ay maraming dumi rin. Nandito ako sa stock room ng library at dito ako pinalinis ng librarian. Nakaupo ako sa sahig tinitignan ang hindi pa tapos na mga librong kalat at marurumi. Nasa malaking silid ako walang bintana pero malaki naman ang sliding door pero hindi gaano ka bukas. May maliwanag naman akong ilaw kaya hindi ako nahihirapan tignan ang mga madudumi at kailangan linisan kaso ay magdadalawang oras na akong nag lilinis pero parang walang pinagbago. Napaka dumi parin. Naiiyak na ako dahil talagang pagod na pagod na ako sa kaka linis. I was about to cry when my phone rang. Bumalik ang luha sa mata ko ng nakita kong sino ang tumawag pati nga yung pawis ko parang bumalik lahat sa katawan ko. Napatayo ako at ngagmamadaling sinagot nang tawag. "Where the hell are you!" Inilayo ko ang phone ng narinig ang sigaw sa kabilang linya. "Nandito ako sa library." Mahina kong sagot. "Don't lie to me Kim! Galing ako diyan at wala ka. Tumawag ako kay Aphrodite at ang sabi niya, pinauna mo siyang umuwi at hanggang ngayun wala kapa sa bahay niyo!" Napaisip ako sa sinabi niya "Are you worried?" Tanong ko kinabahan pa ako sa isasagot niya. "f**k*! Just tell me where are you!" Napangiti ako sabi ko na nga ba mahal din ako si Paul. Nag aalala siya sakin! "Nandito ako sa stock roon ng library." Sagot ko at bigla siyang nawala sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone and its lowbat. Nilagay ko ang phone sa bulsa at pinalpag ko ang dalawang kamay nagsimula ulit akong maglinis. Patapos na ako ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Sa balagay ko tatlong oras na ang nakalipas nung tinawagan ako ni Paul. Hingal siyang pumasok sa loob at pinaka titigan ako ng mabuti. Nahiya pa ako dahil para na akong iyang dugyit na bata dahil sa maraming dumi na ang damit at mga kamay ko magulo na rin ang buhok ko at puno ng pawis ang mukha at leeg. Mabaho na ako at naaamoy kona ang sarili. "Paul." Tawag ko. Malalim siyang huminga at nilapitan ako. "Gutom kaba? Gusto mong kumain mo na?" Tanong niya kumuha siya ng panyo at pinunasan siya ang mukha ko. Kinilig ako at ngumiti dahil sa ginawa niya. At dahil nasa harap ko siya kaya kinagat ko ang ibabang labi para mabigilan ang tumili. "Wait! Don't bit your lips." Sabi niya binitawan ko ang labi at saka niya pinunasan ang labi ko gamit ang hinlalaki niya. Natigilan ako sa ginawa niya at bumibilis ang t***k ng puso ko gusto kong tumalon dahil sa kilig. "Ahh.." gusto kong sabihin na hindi pa ako tapos mag linis kaso walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko kinikilig din siguro kaya nagsi tago nalang. Tinignan ko ang hindi ko pa tapos gawin at sinunud niya ng tingin ang ginawa ko. "Ako na ang tatapos nito magpahinga ka muna. Do you have a clothes to wear? Madumi na kasi yang damit mo." Umiling ako at tumango naman siya. Nilagay niya ang bag niya sa sahig at doon ako pinaupo. "Paul marumi naman ang palda ko kaya hindi na yan kailangan." Sabi ko pero tinaasan niya ako ng kilay kaya napayuko nalang ako sa harap niya. "Sit." Utos niya na para akong isang aso. Pero dahil marupok ay sinunud ko ang utos niya. Nangawit pa ako dahil hindi talaga ako tuluyan na naka upo ayokong upoan ang bag ng taong mahal ko tinukod ko ang dalawang kamay sa sahig para hindi ko tuloyan maupoan ang mga gamit ni Paul. "You feel better?" Tanong ni Paul pagkalabas ko ng banyo pinahiram niya sakin ang damit niyang pang P.E may tali naman ang shorts niya kaya kumasiya sakin yung damit niya ay malaki kaya para akong naging isang manang. Naligo ako sa cr at pinahiram niya ako ng body wash niya kaya feeling ko tuloy iisang katawan nalang ang meron kami dahil pariho kami ng amoy. Malaki ang ngiting tumango ako. Bitbit niya ang bag ko at suot naman niya yung sakaniya. Kung parati ganito ay gugustohin ko nalang na palaging sa library ang bagsak ng demerit ko. "Come here." Utos niya na siya rin mismo ang gumawa pinahawak niya sakin ang bag ko at hinawakan niya ang lalayan ng damit niya na suot ko. Tinali niya ito kaya mas naging kumportable ako. Kanina naisipan ko ding itali itong damit niya pero nahihiya kasi ako baka masira and tela. Pagkatapos niyang itali ay kinuha niya ang bag ko at walang sabing umalis. Sinundan ko siya at hindi na mawala sa mukha ko ang ngiti. Para bang binuhay lang talaga ako sa mundo para ngumiti. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang sinasabayan ang lakad niya. Nasa likod ko ang dalawang kamay at nakangiting tinitignan siya. "Kakain." Pasimpleng sagot niya tumango naman ako at sumunod lang sa gusto niyang puntahan. Kumakain kami ng biglang may tumawag sa kaniya. "Hello?" Sagot niya. "Opo tita, kasama ko po siya... Opo... ako po ang maghahatid sakaniya diyan wag napo kayung mag alala... Pasinsiya na po at nagalala po kayu... Nasa school po siya kanina... Yes po... Okay po." Napatingin ako sa kaniya ako lang naman kasi ang kasama niya. Gusto kong mgagtanong pero nahihiya ako kaya hinayaan ko nalang. "That was your mom." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Huh? Bakit siya tatawag sayo?" "Pinatayan mo ako kanina nong tinanong kita kong nasaan ka. Hindi mo ako sinagot, kaya tinawagan ko si Aphrodite pati yung mommy mo nakausap ko at nagalala sila dahil hindi karin nila ma contact." May inis sa boses niya habang nag sasalita. Kinuha ko yung cellphone sa plastic kong nasaan ang palda ko at nilagay sa ito sa lamesa. "Na lowbat kasi ako." Paliwanag ko tinignan ko siya at umiwas ulit ng tingin dahil napapaso ako sa nga titig niya. "I'm sorry. Let's eat. Hahatid kita pagkatapos." Tumango ako at pinatuloy ang pagkain. Habang kumakain napapatingin ako sa kaniya. Napansin ko kasi pag kaming dalawa lang at hindi na masyadong maraming tao ay lumalapit siya sakin pero pag maraming tao ay nilalayuan niya ako hindi pinapansin kaya na we-weirdohan ako. Kinakahiya ba niya ako? Hindi naman siya ganong tao. Kung kinakahiya niya ako hindi niya ako kakausapin. Pero bakit? Natapos ang pagakain namin at hinatig nga niya ako sa bahay. Naka ngiti akong sinalubong ni Danna. My family knows Paul. Si Paul lang ang walang alam na kilala siya ng pamilya ko. "Good evening po tito tito. I'm Paul. Sorry na late ko po siya naihatid. Kumain po kasi muna kami sa labas." Magalang na sabi niya sa magulang ko. Taas noo akong tumingin sa magulang ko. Pinagmamalaki na isang mabuting tao ang lalaking binigyan ko ng pagmamahal. "Okay lang hijo nagpapasalamat nga kami at may mabuting kaibigan iting anak ko." Napa ngiwi ako sa sinabi ni Mommy. Future husband ko kaya yan! "Sige po tita mauna na po ako." Pamamaalam ni Paul. Na alarma naman ako. Bakit uuwi na siya e kakadating lang namin. "Dito kana kumain." Biglaan kong sabi ng nakitang nakatayo na siya. Kaya sinundan ko sin siya ng tayo "Okay lang, kakain lang natin Kim kaya busog pa ako." "Juice? Kape? Nagaaral kaba tuwing gabi mas mabuti yun para hindi ka agad makatulog. Pagtitimpla kita." "Kim hindi ako nagkakapi pag gabi." "Gusto mong manood ng tv? Magluluto ako ng popcorn." "Wag na kim. Sige po tita, tito. " Pagpapaalam niya tinignan ako ni mommy talagang ayoko pa siyang umuwi. Ito kasi ang unang beses na pumunta siya dito sa bahay. "May cake sa ref hijo. Ipaghahanda muna kita bago ka umalis, saka papasalamat narin dahil hinatid mo dito ang anak ko." The best talaga si mommy. Kahit na wala akong sinasabi sa kaniya alam niya kong ano ang tumatakbo sa utak ko. "Sige po tita." Napangiti ako dahil sa pagpayag ni Paul. Umupo siya kaya umupo din ako kaagad. Tinignan ko si daddy at masama ang tingin niya sakin sinasabi ng mata niya na umayos ako kaya inayos ko ang pagkakaupo ko sa sofa. Nagusap si Paul at daddy. Nalaman ko na maraming sports din pala si daddy noon at mataas din pala ang grado niya. Hanggang sa napagusapan namin si mommy na ikina inis ko. Magkatulad daw kami ni mommy dahil bobo daw siya tapos makulit din parati siyang tinuturuan ni daddy pero hindi talaga niya ma intindihan kaya ang nangyayari ay parati siyang tinutulugan ni mommy. "Kimmy kaninong damit pala yang suot mo?" Si mommy. "Sa akin po tita pinahiram ko." Si Paul ang sumagot. "Bakit anong nangyari sa damit mo?" Si daddy "Eh kasi pinalinis ako sa library daddy. Sa totoo lang ayoko nang mag aral ginagawa lang naman ako nilang janitor doon daddy e." Paliwanag ko "E pano ba naman kasi hindi ka nakikinig." Sulpot ni Aphrodite na nasa pinto na pala. Makalipas ang maraming araw ay parati ko paring binibigyan si Paul ng cupcakes hanggang sa binibigyan ko na din siya ng sulat. Sa tuwing nakikita ko siyang kinakain ang dala kong cupcakes ay parang pwedi na akong kunin ni San Pedro kahit saakin pa ipaalag a ni San Pedro ang manok niya ay walang problema sakin basta ganito lang parati ang kapalaran ko. napatingin ako sa paligid ng school. Malapit na ang huling taon ko dito sa paaralan. Masaya ako dahil marami akong nakilalang mga kaibigan. Nakilala ko si Paul ang first love ko. Naalala ko si Zaire. Kong nandito kaya siya ano kaya ako ngayun? Subrang namimiss ko na talaga siya naapadaan ako sa upuan na malapit sa cr ng girls parati kaming nag tatambay diyan dati. Naalala ko ang ahas, yung tawanan namin, yung hampas ko sa kaniya, nong humingi siya ng tawad dahil pinakain niya ako ng garlic. Namimiss ko na ang Zaire ko. Namimiss ko na ang kaibigan ko. Habang nakatingin sa upuan ay hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Bigla akong natawa at pinunasan ang pisngi ko. Bakit ko iiyawan ang taong nang iwan sakin? Siya ang umalis tapos ako ang iiyak? Pinangako ko sa sarili na hindi na ako iiyak dahil sa kaniya. Pinangako ko yun kagabi. At tulad noon ay hindi ko parin nagawa. Ilang pangako naba ang sinabi ko sa sarili na hindi ako iiyak dahil kay Zaire? Ilang pangako na ang sinabi ko kay Aphrodite na hindi na ako magkukulong sa kwarto ni Zaire? Ilang pangako na ang nagawa ko pero hindi ko maiwasan na hindi masira ang pangakong iyon. Magkatulad lang kami ni Zaire. Hindi namin magawa ang mga pangako. Hindi namin tinutupad ang mga nabitawang salita. Wala sa sariling umupo ako sa dati kung inu-upuan dito sa junior high. Hindi ko rin kasi alam kong bakit ako nandito eh ang layo nito sa papasukan kong kwarto. Pero dahil walang klasi dahil malapit ng magbakasiyon kaya maraming oras akong pweding gumala gala sa loob ng paaralan. Humiga ako sa lamesang gawa sa bato. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko kinaya kaya umiyak ako ng mahina habang nakapikit. Inalala ko ang mga nakaraan yung mga panahon na mabuti pa ang lahat yung panahon na tunay pa akong masaya. Yung panahon na kaya ko pang tumawa ng malakas, yung panahong nandiyan pa ang best friend ko na sinasandalan kong meron akong mabigat na problema. "Zaire." Mahina kong banggit habang naka pikit at umiiyak. "Miss na miss na kita." Naging malakas ang agos ng luha ko dahil sa pananakip ng dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD