chapter 18

2148 Words
"Hey." Napa bangon ako dahil sa boses na narinig. Agad kong pinunasan ang luha dahil gusto kong maaninag ang taong nasa harap ko. Totoo ba to ang nakikita ko? O nananaginip lang ako. Ang lalaking nakaupo sa harap ko ngayun ay naka ngiti at malungkut ang matang tinitignan ako. Para bang nahihirapan siya dahil sa pag iyak ko. Hindi ako nag dalawang isip at sinampal ko ang taong nasa harap. "Ouch! Kimmy. Bakit ka ba nanampal. Ganyan ka ba talaga mag welcome ng mga tao sa buhay mo?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin at naiiyak dahil masakit ang kamay ko. Hindi ako nananaginip! Nakakaramdam ako ng sakit! Totoo siya! Bumalik siya! "Gago* ka!" Mahinang sambit ko at alam kong rinig niya yun. Umaagos ang luha kong tinignan siya muli. "Gago* ka! Bakit kapa bumalik!? Halimaw ka! Wala kang puso!" Hinampas ko siya ng hinampas hindi ako nakuntinto at nag hanap ako ng pamalo ng nakita ko ang di kalayuan na kahoy ay dinampot ko iyon at nilapitan siya. Hinampas hampas ko siya pero mas na inis lang ako dahil tinawanan niya ako ng malakas. "Gago* ka! Gago* ka!" Hinampas ko siya ng hinampas hanggang sa hinuli niya ang kamay ko at niyakap ako nabitawan ko ang kahoy kaya hinampas ko siya sa dibdib gamit ang kamay ko. "Gago* ka! Bakit ka nangiiwan! Huh! Hindi kaba marunong magpaaalam? Ang bobo mo! Akala mo ba na miss kita ng umalis ka? Mas lalong sumaya ang buhay ko dahil nawala ka! Hindi na ako nabwe-bwesit. Naging mas masaya ako at never kitang na miss bobo ka!" Mahina siyang tumawa at hinigpitan ang yakap sakin. "I miss you Kimmy." Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik. Subrang na miss ko siya. Subrang na miss. "Gago* ka! hindi kita na miss." Sagot ko at hinigpitan ang yakap ko. Yung yakap na baka pag hindi ko gagawin yun ay mawawala nanaman siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Matagal na halik sa ulo ko ang ginawa niya. "Bobo ka." Sabi ko at pinunasan ang luha sa maputi niyang damit. "Sabi ni Aphrodite hindi ka daw kumakain tuwing umaga." Natigilan ako sa pagiyak dahil sa sinabi niya. Tiningala ko siya at nagtinginan kami. "Bobo kayung dalawa." Sabi ko at muling yumakap sa kaniya. Mahina siyang tumawa narinig ko ang vibration mula sa kaniyang dibdib dahil sa pagtawa niya "Lets eat. I'm hungry." "Pagkatapos mong umalis babalik ka dito ng gutom? San mo nilalagay yang utak mo Zaire?" Tanong ko at kumalas sa kaniyang yakap. "My treat." Ngumiti siya. "Dapat lang." Inis kong sabi at hinawakan ang kamay niya. Baka kasi bigla nanaman siyang mawala. Natawa siya sa ginawa ko kaya inirapan ko siya. Pumunta kami sa canteen at pumili ako ng napakaraming pagkain. "Kamusta ang debut mo?" Tanong ni Zaire. "Gusto ko lang magpasalamat sayo kasi dahil sayo wala akong last dance." Ngumiso ako at nagsimula ng kumain. "Bakit?" Tanong niya. "Ewan ko sayo!" Inis ko at kumain na hindi siya pinapansin pero nakahawak parin ako sa isang kamay niya kaya kaliwang kamay ang gamit niya habang kumakain. Pag katapos naming kumain ay lumabas kami ng canteen pero naka hawak kamay parin. Natatakot ako na umalis nanaman siya ng hindi nagpapaalam. "Kimmy. Pinapawisan na ang kamay ko." Riklamo niya binitawan ko ang kamay niya ay ipinalit ko ang pwesto namin. At hinawak ko ulit ang isa niyang kamay. Tinawanan nanaman niya ako kaya hinampas at inirapan ko siya. "Gago* ka kasi kaya dapat lang kitang hawakan." Pagkasabi ko non ay pinisil niya ang kamay ko at nginitian ako kaya napa irap ulit ako dahil sa ngiti niya. "Beshie." Sigaw ni Aphrodite. "Oh, swan." Sagot ko ng nakakalapit na siya samin "Anong swan?" Kunot noong tanong niya. "Swan kasi Aphrodite ka." Sagot ko. "Ano?" Nagtataka niyang tanong. "Basta, nakakita ko sa internet. Si Zaire pala." Tinuro ko si Zaire at nabigla ako ng wala siyang paking tinignan ang katabi ko. "Alam ko." Sagot niya. Galit din ba siya? Kaya hindi niya pinansin si Zaire? Malamang umalis kaya siya ng walang paalam. Pinanliitan ko siya ng mata. "Alam ko, dahil ako ang nag hatid sa kaniya doon sa cr ng girls. Natakot pa siya sayo dahil umiyak ka tapos tumawa tapos iiyak ulit. Tinanong niya ako kong anong nangyari sayo. Kaya tinanong ko nalang siya kong hindi pa ba siya nasanay sayo." Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? na baliw ako?" Tanong ko. "Hindi ba?" Si Zaire. Masama ko siyang tinignan. "Tumahimik ka diyan! Kakarating mo lang. Marami ka pang kasalanan." Tinuro ko siya ng isa kong kamay at pinanlakihan ng mata. Hinuli niya iyong hintuturo ko at, "Oo na nga. sorry na." Sagot niya. Humanap kami ng pweding maupoan at ng makakita at nakaupo na kami ay agad siyang tinanong ni Aphrodite. "Saan ka pala pumunta Zaire? Isang taon ka naming hindi nakita. Nag alala sayo sila mommy." Si Aphrodite at sila ni mommy ang tinutukoy niya. "Pinuntahan ko si mama. Nakaroon kasi siya ng sakit kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo." "Sakit? Kamusta na siya?" Tanong ko nag alala ako dahil yun pala ang dahilan kong bakit siya nawala. "Okay nasiya. Nasa bahay siya ngayun at nagpapahinga." "Eh yung pag aaral mo?" Tanong ko "Nagaaral naman ako sa Europe at ng natapos ko ang grade 11 ay huminto ako sa pagaaral dahil gusto ko dito ako magtatapos." Sagot niya at tinignan ako. "Sa Europe ka galing. Maraming magaganda don hindi ba?" Tanong ko. "Oo. Sa subrang dami nga hindi kona mabilang. Tapos pagkabalik ko dito sa pilipinas may nakita agad akong pangit umiiyak pa. Nang nilapitan ko narinig ko pa ang pangalan ko. At umiiyak na sinabing namimiss daw ako tapos may papikit pikit pang nalalaman." Nanlalaki ang matang tinignan ko siya kinuha ko ang kamay ko at tinulak siya. Namula ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako nahihiya dahil sa narinig ni Aphrodite dahil sanay na yun na parati kong sinasabi sa kaniya na namimiss ko si Zaire. Pero ang katutuhanan na si Zaire mismo ang nakarinig sakin ay subrang nakakahiya. "Umalis ka! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!" Pagtataboy ko sa kaniya at pilit siyang tinulak. Tinawanan nila ako ni Aphrodite at kinuha niya ang kamay ko at siya nanaman ang humawak sakin. Tatanggalin ko sana kaso ay hinigpitan niya ang hawak kaya hinayaan ko na lang. Tinignan ko si Zaire may klasi kasi kami sa last period na pang agahan. Kinakabahan ako na baka mawala nanaman siya bigla kaya ito hinihintay ko siyang mai bigay niya sakin ang wallet at yung sapatos niya. "Kimmy naman pati ba talaga yung sapatos ko? pangako hindi talaga ako aalis." Tinaasan ko siya ng kilay dahil nagrereklamo siya na magmumukha daw siyang ewan kong wala siyang suot na sapatos. "Ibibigay mo sakin yan? O pati yang cellphone ay kukunin ko din?" Tanong ko na ikinailing niya wala siynang nagawa kaya hinubad niya ang sapatos at ibinigay sakin kasama ang pitaka niya. "Wag kang aalis diyan." Pinanlakihan ko siya ng mata at pumasok nang kwarto. Nasa tapat lang siya ng kwarto namin nakaupo ng walang sapatos. Nakapasok na ako at sa bintana ako umupo para mabantayan ko siya at hindi makaalis nilagay ko ang sapatos niya sa ilalim ng upuan ko at maya maya at tingin ko sa labas kong saan siya nakaupo. Nagbibigay si ma'am sa mga may kulang na activities. Hindi naman ako pabaya pagdating sa mga activities dahil doon ko binabawi ang grades ko. Kaya complete ang activities at performance ko. Tinignan ko si zaire sa labas at nakita ko siyang naka sandal sa pader pati yung ulo niya ay nakasandal din at inaantok niya akong tinitignan. Ngumiti siya at nag wave ng kamay pero inaantok parin ang mata. Natawa ako sa ginawa niya. Pero aaminin kong attractive siyang tignan sa ganyang position. Narinig ko pa ang bulongan ng kaklasi ko sa harap ng tignan ko silang dalawa ay nasa labas sina nakatingin kong nasaan si Zaire. Uminit ang ulo ko sa nakita. Masama kong tinignan si Zaire mula ulo hanggang paa at at tinignan ko ulit siya sa mata ay hindi na inaantok ang mukha niya para siyang nahimasmasan sa titig ko. Nagtataka niya akong tinignan. Pero inirapan ko nalang siya. Bakit ba kasi naka white round neck t-shirt siya. Tapos pikit pa sa katawan yan tuloy humurma ang katawan niya tapos may pa sandal sandal pang nalalaman. Noon hindi naman ako nagagalit pag may ibang babae ang umaaligid sa kaniya. Panatag ako na hindi niya ito papansinin. Mataas ang standard ni Zaire pagdating sa babae. Sabi niya noon. Mataas, mabuti, maganda, matalino, at maipagmamalaki niya sa buong angkan niya. Kaya alam kong hindi niya magugustohan ang mga taong dito lang nag aaral sa campus namin. Dahil wala namana akong nakitang babae na magka level sa standard ni Zaire, si Aphrodite palang siguro pero kasi imposible namang mangyari yun. Wala nga akong nakita kahit isang paghuhumaling lang ni Zaire kay Aphrodite. Noon okay lang sakin na may ganitong babae ang lumalapit kay Zaire ngayon ayoko na. Ayokong isipin na may ibang babaeng kasama si Zaire. Minsan kasi talagang nag seselos ang mag best friends na magkaiba ang gender. Normal lang naman yon diba? Basta mamaya isang ngiti lang talaga ni Zaire sa mga babaeng ito masasapak ko talaga ang pagmumukha niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero gusto ko sakin lang si Zaire. Matagal kaming hindi nag kita at kung sino man ang aagaw sa kaniya sasabunutan ko talaga. Tinignan ko siya ulit maypagtatanong sa mata niyang pinagmamasdan ako. Nagku- cross na ang kamay niya sa dibdib at hindi na nakasandal ang ulo niya sa pader ngunit nakasandal parin ang katawan. Nag halukipkip siya habang tinitignan ako. Tumaas ang dalawang kilay niya at may pagtatanong sa mukha kong anong nangyari sakin. Nabila siguro dahil sa inasal ko. Inirapan ko siya ulit at ng ibalik ko agad ang tingin sa kaniya ay tinawanan niya lang ako. Yung tawang mahina pero kahit hindi ko narinig ay parang ang ganda ng tawang iyon. Dahil siguro sa mukha niya at kung paano niya e-express ang pagtawa. Mas lalong kinilig ang dalawang babaeng nasa harap ko. Kaunting pagtitimpi nalang talaga ang meron ako. Umiwas ako ng tingin sa dalawang babae sa harap ko nakinig ako sa guro kahit walang kwenta naman ang pinagsasabi niya. Para na akong isang uud at gustong umalis sa inuupoan ko gusto kong puntahan si Zaire at itago sa loob ng bag ko. Masiyadong expose kasi ang katawan niya dahil sa t-shirt naiinis tuloy akong titigan siya. Nakakairita siya! Natapos ang klasi at naunang lumabas sila Kat-kat at Baldes. Sila yong babaeng nag bubulongan kanina sa harap ko at parang naiihi kung titigan si Zaire. Transferee sila kaya hindi nila alam na best friend ko ang tinititigan nila. Halos lahat ng ka batch ko nong grade 10 ay kilala kami ni Zaire dahil CAT officer ako at maraming nag huhumaling kay Zaire kaya kilala kami sa campus. Yung mga transferee lang yung hindi nakakakilala kay Zaire. Nilapitan nila si Zaire. Uminit na naman ang ulo ko. Nagmamadali akong lumabas at pinuntahan si Zaire habang naka busangot. "Kuya ako pala-" Binigay ko sa kaniya ang sapatos at natigil ang dalawa sa pagsasalita. "Kim kilala mo siya?" Tanong ni Kat -kat. Peke akong ngumiti at tumango. Ngumiti ang dalawa at sininyasan ako ni Kat-kat na ipakilala ko sila kay Zaire. "Sorry may girl friend na siya." Sabi ko. " Ano!? Kunin mo na to bago ko itapon tong sapatos mo!" Tinignan ko siya ng masama nanggaling Europe lang maruno na agad lumandi. ka lalaking tao lumalandi ng kung sino sino. "Okay fine!" Pasigaw niyang sagot. kaya pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya ininda iyon kinuha niya ang sapatos at sinuot sa harap ko. "Swan." Tawag ko kay Aphrodite. Hindi maganda ang mood ko dahil sa dalawang babaeng nasa harap namin ni Zaire . Wala akong problema sa kanilang dalawa pero ngayun meron na kumukulo ang dugo ko sa kanila. "Hindi ako hayop beshie." "Ayaw mo non? Ang cute kaya ng swan." Inirapan ako ni Aphrodite at tinignana ang dalawa naming kaklasi? "Ahh, kuya aalis na kami Kim, Aphrodite mauna na kami bye." Pamamaalam nila hindi ko sila pinansin at naginhawaan dahil sa pagalis nila. Umirap ako sa hangin at tinignan si Zaire na inaayos ang sapatos niya. Tumingala siya at ng nakitang naka busangot ako ay Kinunutan niya ako ng noo. "Anong nangyari sayo?" Tanong niya ng nakatayo na siya. Hinawakan ko ang kamay niya at ang braso ni Aphrodite. Naglakad ako ng kasama silang dalawa. "Hoy anong nagyari sayo? Bakit naka busangot ka?" Tanong niya habang maliit na humahakbang. Huminto at pinakawalan ko ang paghawak kay Aphrodite at hinarap ni Zaire "Nagugutom ako." Nagugutom naman talaga kasi ako. Ginulo niya ang buhok ko. At saka nakangiting tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD