bc

MY BEST FRIEND MY LOVE

book_age18+
10.1K
FOLLOW
56.4K
READ
love-triangle
friends to lovers
playboy
dare to love and hate
neighbor
twisted
lighthearted
campus
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Paano mo mapipigilan ang Namumuong damdadamin sa iyong itinuturing na matalik na kaibigan? Kung mula pa lang sa umpisa lahat ng katangian na pina pangarap mo na maging asawa ay makikita mo sa kanya? Ipaglalaban mo ba ang iyong nadarama? O mananatili ka lang best friend sa tabi n'ya? Dahil alam mong sa umpisa pa lang hindi na ikaw ang pangarap n'ya.

chap-preview
Free preview
First Day of School
"Mr. Zeffy Montenegro, ano ba? Mala-late na tayo sa ating first subject. Ang tagal tagal mo talaga kumilos anong oras na!" sigaw ni Nexie habang sakay ng kanyang kotse. "Sandali! ito na oh, excited ka? Don't worry may isang oras pa. Oa mo manang." Isang matalim na tingin ang ginawa ni Nexie sa kanyang kaibigan. "Manang na naman!? Pag naka long sleeves, skirts below the knee manang agad?" "Eh, mukha ka naman talaga manang look Nex, ha ha ha mukha kang professor sa suot mo. Tapos ang kapal kapal pa ng Lens ng eyeglasses mo, tapos 'yung buhok mo wow! pusod na pusod ha?" Muling pang aasar ni Zeffy sa kanya. “Alam mo first day of school bully mo na agad ako, bumababa ka na nga Lunes na Lunes nang bwi-bwisit ka." "Ops, sorry." Sabay taas ng kamay ni Zeffy. "Sorry na, best friend kong pikunin sige ka kapag pina baba mo ako sa kotse mo kawawa naman ako. Mag lalakad ako paano na ang kagwapuhan ko ma iinitan, pag papawisan. Tssk h'wag ganun, alam mo naman Monday is my lucky day because is my coding day." "Kaya dapat pag Monday maging mabait ka? Dahil kapag ako napikon sa'yo kawawa ka talaga! Hinding hindi na kita susunduin at ihahatid sa inyo." "Peace manang ha ha." At Pinisil pisil pa ni Zeffy ang kanyang mukha. Na siya namang kina pula nang mukha niya. Aso't Pusa man na maituturing pero nanatiling magkasama sa lahat nang oras ang dalawa partner in crime ika nga. Simula kasi pre-school hanggang ngayon college day ay magkaklase sila same courses din ang kanilang kinuha ang BSCE civil engineering dahil mula pagkabata parihas ito ang pangarap nila. Maging ang kani-kanilang magulang ay ito ang pangarap para sa kanila. Matalik na magkaibigan ang kanilang ama dahilan kung bakit mula pagkabata ay nasanay na silang magkasama hanggang ngayong kolehiyo na sila. “Nex, mabuti naman at pati schedule ng ating mga subject lahat iisa may dahilan ka para makasama ako. Syempre dito ka lang sa likod at tabi ng may kodigo ka lagi." "Wow! Oo na, oo na. Ikaw na ang matalino." "At?" nakataas pa ang kilay na sambit ni Zeffy. "Hays, at Gwapo," tugon ni Nexie bahagya pa siyang umirap sa binata. Tunay nga na hindi lang matalino kundi ay maituturing din na heartthrob, campus crush si Zeffy, bukod kasi sa kayumangging kulay nito ay matangkad at may magandang pangangatawan itong taglay, at mala anghel nitong mukha. Minsan na rin kasi itong inilaban ng Mr. Philippines at naiuwi niya ang corona na naging dahilan upang lalong naging mainit ang kanyang pangalan sa buong Pilipinas. "Oh, Mr. Gwapo, andito na tayo baka naman tigilan mo na 'yang kakatingin mo sa salamin panay ang pa gwapo mo riyan gwapo kana Mr. Montenegro." “No need to remind me my dear best friend, i know na gwapo talaga ako. Alam mo naman kailangan ko lang mag salamin para e-check ang kagwapuhan ng mukha ko. Alam mo na first day of school marami na naman mga chicks na mag papapicture sa akin. Kaya sinisiguro ko lang na dapat walang kapintasan ang mukha ng kanilang hinahangaan," tugon ni Zeffy na nagpapacute pa ito sa kanya habang bumaba ng kanyang kotse. Tanging iling iling at pangiti ngiti na lang ang naging reaksyon ni Nexie habang papalayo na ang kanyang kaibigan. Totoo naman kasi na maraming mga babaeng nagpapapicture sa kanya tuwing first day of school. Kaya itinuturing niyang lucky girl siya dahil hindi na niya kailangan magpa cute at mag pa picture para mapansin siya ng isang Zeffy Montenegro, dahil s'ya lang ang tanging babaeng best friend nito. Na minsan kinaiingitan ng karamihan dahil tanging siya lang ang madalas nakakasama nito. "Manang, dito kana maupo sa tabi ko alam ko naman na mas kailangan mo ako ngayon dahil mahina ka sa mga major subject natin." "Alam mo kanina kapa nang aasar ha? Bi-bingo ka na sa akin Mr. Montenegro, manang ka nang manang tatamaan ka na sa akin eh. At saka for your information Mr. Montenegro, sa Math at English lang ako mahina kaya h'wag mo akong yabangan!" wika ni Nexie sabay batok sa binata. Tulad nang Dati halos patayin na siya ng tingin ng mga babaeng tagahanga ng kanyang kaibigan dahil heto na naman magkasama at magkatabi sila sa upuan. Natapos ang kanilang unang araw ng klase madaming new cassmate, new friends, silang na kilala pero kahit ganun nanatili silang magkasama maghapon dahil iyon ang nakasanayan nila. "Nex, salamat sa paghatid ha? Oh, paano sa saturday ako naman babawi sa’yo dahil ikaw naman ang Coding. Hmmp. Asan na 'yong notebook mo sa Mathematics? Ako na sasagot dahil alam ko naman na hindi mo na na naman! ma sasagutan 'yon," wika ni Zeffy na may diin pa sa salitang 'na naman' at napatawa pa ito bago bumababa ng kanyang sasakyan. "Hmmp.. Napaka yabang mo talaga Mr. Montenegro, oh ayan na notebook ko. Huwag mo masyadong galingan ha? Baka mahalata ni prof. na magkatulad tayo ng sagot." Kumaway kaway pa muna si Zeffy bago pumasok sa kanilang tahanan. Isang malaking ngiti ang ginanti ni Nexie bago tuluyang umalis sa harapan nang bahay ng kaibigan. "Kumusta first day of school anak? Kamusta ang college day?" bungad na tanong sa kanya ng kanyang Mommy. "Happy Mommy ayon first day na first day may assignment agad kami sa mathematics." "Hmmp.. Alam ko naman na kayang kaya mo 'yan dahil kasama mo naman si Zeffy at alam kong tutulungan ka noon sa lahat ng bagay." "Yes Mom, at masaya ako dahil mayroon akong best friend na hindi lang super mabait matalino pa. Ahm, sige Mom, magpapalit muna ako ng aking damit." Pagpasok niya ng kanyang silid agad niyang binuksan ang kanyang private drawer at kinuha ang kanyang diary. Muli niyang isinulat ang nangyari sa kanyang maghapon kasama si Zeffy. Dito n'ya lang nasasabi ang mga detalye ng kanyang buhay sa maghapon. Ang mga pangyayaring siya lang ang nakakaalam, ang mga tagpong sinasarili lamang at ang tanging diary lamang niya ang nakakaalam. "Dear Diary. Masayang masaya ako ngayon first day of school magkasama agad kami ni Zeff, ito kasi ang pinaka masayang araw nang buhay ko. Ang Monday dahil coding 'yong kotse n'ya syempre dahil wala siyang ibang choice kundi magpa hatid at magpasundo sa akin. Minsan nga mas gugustuhin ko na lang araw araw Monday dahil magkasama kami buong araw. At tulad nang dati s'ya nagsasagot ng homework ko sa mathematics. Minsan sinasadya kong ayaw intindihin yung mga lessons namin para lagi niya akong natuturuan at sasagutan ang homework ko. Masayang masaya kasi ang puso ko tuwing magkakadikit ang aming balat hindi ko na matandaan kung saan nag umpisa basta ang pagkakaalam ko sa tuwing nariyan si Zeffy sa tabi ko masayang masaya ako. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang damdamin kong mahulog sa nag iisang best friend ko. Bukod kasi sa napakabait niya sa akin super hero ko pa siya. Tulad kanina ipinagtanggol niya ako sa mga nambubully sa akin na mga tagahanga niya. Sinadya ba naman akong tapunan ng juice sa damit ko, ayon nagalit si Zeffy sa kanila at pinagtanggol ako. Diba ang bait bait ni Zeffy, kaya hindi niya ako masisisi kung bakit lalong napapamahal ako sa kanya." Napatigil sa pagsusulat si Nexie nang may kumatok sa kanyang pintuan. tokk tokk tokk. Sunod sunod na katok sa pintuan ang kanyang narinig. "Nariyan na sandali lang." Mabilis na niligpit ni Nexie ang kanyang diary at tumakbong patungo sa kanyang pintuan. "Mommy, ikaw lang pala akala ko naman kung sino kung makakatok naman kayo Mom, wagas ei." "Kanina pa kasi ako katok ng katok hindi mo ako naririnig. Ano ba kasing ginagawa mo at hindi mo naririnig ang tawag ko?" "Ahh, Ano. Wala Mom, may ilang bagay lang akong niligpit, kaya hindi kita napansin," tugon ni Nexie sabay kamot ng kanyang ulo. "By the way Mom, bakit po pala? Anong kailangan n'yo?" "Luto na ang ating hapunan, pagkatapos mong mag ligpit diyan kung ano man 'yan sumunod kana sa baba dahil lalamig ang pagkain anak." "Opo, Mommy." Tahimik lang si Nexie habang kumakain at nakikinig sa usapan ng kanyang mommy at daddy tungkol sa kanilang negosyo ‘yung iba naiintindihan niya. Lalo na kung tungkol sa Montenegro steel builder's dahil ito ang negosyo ng pamilya ni Zeffy at ang tanging ang ama niya ang katuwang sa negosyong ito. Mas angat ang pamumuhay ng pamilya ni Zeffy sa kanila kaya ito rin ang dahilan upang naka angat angat sila sa buhay. Dahil sa laki ng tulong ng ama ni Zeffy sa ama niya. "Anak Pangarap namin ni kumpare, pagkatapos n'yong makapagtapos ni Zeffy kayo na ang magtutuloy ng pangarap namin. Kaya pagbutihin n'yo pag aaral nyo ha? At sana h'wag muna kayong makipag relasyon para makatutok kayo sa pag aaral n'yo." Baling sa kanya ng kanyang ama habang kumakain. Tanging tango tango naman ang naging tugon ni Nexie, pero sa isip niya hindi lang katuwang sa negosyo ang pangarap n'ya para kay Zeffy, kundi katuwang sa buhay. Ito ang pangarap niyang siya lang ang nakaka alam. Dahil alam niyang hindi mangyayari 'yon dahil malakas ang pakiramdam niyang hindi siya gusto ni Zeffy at tanging kapatid at best friend lang ang tingin nito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
111.0K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

My Last (Tagalog)

read
493.2K
bc

Unwanted

read
532.4K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook