"Nexie bumababa kana riyan kanina kapa hinihintay ni Zeffy dito sa baba!" Sigaw ng mommy ni Nexie habang nagsusulat siya ng kanyang diary sa kwarto, medyo pugto ang kanyang mata dahil sa pag iyak dahil sa pangyayari school at tanging diary lang ang nakaka alam at dito niya binubuhos ang lahat ng sama ng loob na pinaparamdam sa kanya ni Zeffy.
Sinuklay niya ng bahagya ang kanyang buhok at nag face powder ng kaunti upang hindi mahalata and kanyang itsurang parang nagdadalamhati sa kalungkutan.
"Oh, Mr Montenegro, gabing gabi na andito kapa?" tanong ni Nexie habang pababa ng hagdan galing sa kanyang kwarto.
Ngunit si Zeffy ay walang ibang naging tugon kundi ang matamis na ngiti sa kanya na waring nanalo sa lotto.
Kaya naman bahagyang tumaas pa ang kilay ni Nexie ng pagkakataong iyon.
"Sayang saya mo ha? Bakit anong meron?"muling tanong ni Nexie ngunit hindi na naman ito sumagot bagkos niyakap lang siya ng mahigpit na mahigpit at dinala siya sa kanilang mini garden.
"Para ka talagang sira Zeffy bakit nga!anong meron?"
iritableng wika ni Nexie habang naka pamewang at nakataas pa ang kanyang kilay.
"Congrats me,dahil ako, at si Revia. Are in Relationships now!"
masiglang naging tugon ni Zeffy kay Nexie.
Hindi bingi at narinig ni Nexie ang tugon ni Zeffy sa kanyang mga katangunan kung bakit narito ang kanyang kaibigan at tila masayang masaya.
Pero sa pagkakataong iyon parang sasabog ang kanyang eardrum dahil sa kanyang narinig kasabay nito ang waring pagsabog ng kanyang puso sa sakit.
"Hoy!Nexie hindi kaba masaya sa akin at ganyan naging reaksyon mo?" tanong ni Zeffy at bahagya pang tinipik sa balikat ang kaibigan.
"No,! masaya ako Zeffy, masayang masaya ako para sa iyo, always! alam mo 'yan." At agad namang niyakap ni Nexie ang kaibigan.
"Eh, bakit parang hindi ka masaya?" muling tanong ni Zeffy at kumunot pa ang noo nito.
"Hmmp.. Nabigla lang ako Zeffy, dahil syempre parang nong isang araw lang natin nakilala si Revia tapos kayo na agad diba?" Ngumiti si Nexie sa binata.
Nangliit naman ang mata ni Zeffy at dahan dahan lumapit sa kanya at pinisil pisil ang kanyang pisngi, "Alam mo, ang cute cute mo talaga. Wala kabang tiwala sa best friend mo? Syempre, dahil gwapo at mabait ang best friend mo, hindi na niya ako pinahirapan pa diba?"
Si Nexie naman ay napangiti na lang ng bahagya sa kaibigan.
"Paano 'yan pag nalaman ni tito,anong gagawin mo?" Nang pagkakataong iyon tinaasan ng kilay ni Nexie si Zeffy.
"Ano ba ang Rules no.2 ng team Nexffy ha?" tanong ni Zeffy, at nagpataas baba pa ang kilay nito habang naka ngiti.
"Ang lihim ay mananatiling lihim at walang makaka alam kahit sino man, lalo na sa ikabubuti ng tunay na magkaibigan promise! peksman," sabay nilang saad at nag apir pa sila sa isa't isa.
"Hmmp... Kaya Nexie, sa ngayon ikaw, ako at tanging si Revia lang ang nakaka alam ng estado ng aming relasyon ok?" Bahagyang hinawakan ni Zeffy ang baba ni Nexie.
"So pumayag si Revia na magiging sekreto ang relasyon ninyong dalawa?" tanong ni Nexie.
"Yes," mabilis na tugon ni Zeffy.
At muli na naman siyang niyakap nito ng pahigpit na mahigpit at ramdam na ramdam ni Nexie ang kasiyahan ni Zeffy sa pagkakataong iyon, pero hindi niya pinaramdam kahit pa sobrang nasasaktan na siya sa nangyayari.
"Uy! Miss. Santos, kanina kopa hinihintay ang congrats mo sa akin he he." Pang aasar ni Zeffy.
"Asus,nagtampo kanaman agad Mr. Montenegro. Oh, congrats sa inyo at good luck he he ayan masaya kana." Pinisil pa ni Nexie ang ilong ng kaibigan.
Doon naman nagtawanan ang magkaibigan.
"Mukhang masaya 'yang pinag uusapan ninyo ha? anong meron?"
wika ng ama ni Nexie sa kanila.
"Ah,Tito Good evening po." Bati ni Zeffy.
Tanging tango tango naman naging tugon ng ama ni Nexie.
"Sir, Ma'am nexie,at Sir Zeffy, handa na po ang hapunan.
Pinapatawag na po kayo ni Madam,"
aniya ng kanilang katulong at sabay sabay silang pumunta sa hapag kainan para kumain.
"Nexie, Zeffy, kumusta ang college day? I hope na kumpadre and I walang magiging problema sa inyong dalawa?" seryusong tanong ng ama ni Nexie.
"It's ok,Tito. Ahmm..Yes, Tito wala pong magiging problema," naging tugon ni Zeffy. Bahagya pa itong tumingin kay Nexie.
"Dad naman! Syempre walang magiging problema kami paba,"
pagmamalaking saad naman ni Nexie.
"Kay Zeffy wala, sa iyo ewan ko lang," muling seryusong saad ng ama ni Nexie.
"Dad,! Grabi ha,ako talaga? Hmmp.. Good girl na kaya ako at nag aaral na ako ng mabuti." Napangiti naman si Nexie.
"Good," seryusong tugon ng ama ni Nexie habang si Zeffy ay pangiti-ngiti sa kanyang tabi kaya naman agad siniko ni Nexie.
Halos mag gagabi na ng maka uwi si Zeffy, dahil sa mahaba habang kwentuhan ng pamilya.
"Oh,paano Nexie uuwi na ako, don't forget our kasunduan?" Kumindat si Zeffy sa kaibigan.
Tanging tango tango naman ang naging tugon ni Nexie habang pasakay ng kanyang kotse si Zeffy.
Bago tuluyang umalis si Zeffy muli niyang binababa ang bintana ng kotse at bahagyang nilabas ang kamay at itinaas ang isang daliri ang hingliliit at bumulong ng promise.
Ganun rin ang ginawa ni Nexie bahagya niyang tinaas ang kanyang hingliliit at bumulong din ng promise.
Ito kasi ang kanilang promise sign at dapat kaylangang tuparin at kung hindi, magkakaroon ng consequences ang bawat lalabag.
Isang malakas na bugtong hininga ang binitawan ni Nexie habang papasok siya ng kanyang kwarto, kasabay nito ang pag agos ng kanyang luha.
"Hindi ko alam kung anong merong pakiramdam ako ngayon, hindi ko alam ganito pala kasakit na malaman mo ang iyong lihim na minamahal ay may mahal ng iba. Ito na iyon,ito naba ang tinatawag nilang brokenhearted,"
wika ni Nexie habang kinakausap niya ang kanyang sarili.
************
"Good morning Nexie how are you?"
Bati ni Revia sa kanya, na sumalubong habang papasok siya sa campus.
"Hi,im fine," maikling tugon ni Nexie habang nakatitig siya sa kamay na magkahawak kamay na nasa kanyang harapan.
"Nex,gusto mo bang sumama mamaya sa lunch time?" tanong ni Zeffy.
"Ahm... Hindi na Zeff,ok lang, si Tasha ang makakasama ko mamaya sa lunch time may usapan kasi kami ei," tugon ni Nexie.
"Are you sure?" paninigurong tanong ni Zeffy habang nakakunot ang noo.
Tango tango na lang ang naging tugon ni Nexie.
"Ops.. Ayaw kong pumayag, gusto ko kasama ka namin mag lunch mamaya. At kung hindi mayayari ka sa akin." Tumalim ang tingin sa kanya ni Zeffy.
Sasagot pa sana si Nexie ngunit dumating na ang kanilang professor.
Tulad ng dati walang leason na natutunan si Nexie, dahil lumilipad ang kanyang isip habang nag kaklase sila. Hindi niya alam kung anong gagawin niya during lunch break.
"Manang, ano tara na?" Kung hindi pa siya tinapik ni Zeffy ay hindi pa siya mababalik sa ulirat.
"Ha? Saan tayo pupunta?"
tanong ni Nexie habang kumakamot sa kanyang ulo at bahagyang inaayos ang kanyang salamin.
Kumunot naman ang noo ni Zeffy na humarap sa kanya at bahagyang pinisil pisil ang mukha niya.
"Alam mo nakaka inis na rin pa minsan minsan ang pagiging wierdo mo? May problema ba tayo Nex,?" tanong nito.
"Wala, bakit naman tayo mag kakaproblema? Ikaw may problema ka ba?" ganting tanong ni Nexie, upang hindi siya mahalata.
Hindi naman tumugon si Zeffy bagkos umalis ito na walang imik habang naka kunot ang noo sa kanya.
"Hoy, sandali! Ito naman napaka matampuhin. Oo na, sasama na ako sa inyo. Hintayin mo ako," saad ni Nexie.
Kaya naman napalingon si Zeffy at ngumiti sa kanya. At hinintay na maka lapit halos magulo naman ang buhok niya dahil sa pag kaka akbay nito.
"Hi," bati ni Revia sa kanila habang hinihintay sila nito sa isang waiting shed ng campus.
Bumitaw naman si Zeffy sa pag kaka akbay kay Nexie at agad kinuha ang kamay ni Revia upang hawakan sa palad.
"Lets go," wika naman ni Revia habang naka ngiti sa kanya.
Pinipilit ni Nexie na maging pormal at walang kahit anong nararamdaman na galit at selos sa pagitan nilang tatlo dahil ayaw niyang makita at maramdaman ito ng dalawa. Kahit sa puso niya ay parang gusto niyang mag wala, humiyaw, manakit. Dahil sa kanyang nararamdaman na harap harapan siyang sinasaktan ng kanyang kaibigang matagal na niyang lihim na minamahal.
Nag mukhang thirdwhel si Nexie nag pagkakataong iyon, at nagmumukhang assistant ni Revia samantalang si Zeffy naman ay wala na ang dating attention na nasa kanya.
Halos hindi malunok ni Nexie ang pag kain niya. Pakiramdam kasi niya ay may naka bara sa kanyang lalamunan dahil sa kanyang nasasaksihan at nakikita.
"Nex, are you ok?" tanong ni Revia sa kanya, bahagya pa itong kumunot ang noo.
"Oo naman," tugon niya habang sumubo muli ng isang kutsarang pagkain habang ngumingiti.
"Para kasing hindi mo gusto ang pag kain dito sa restaurant ko, ang tahimik mo kasi. Anyway, kung ayaw mo ng pinahain ko? Magpapahanda ulit ako ng ibang menu sa personal chef ko,"
wika ni Revia habang naka taas ang kilay nito.
"No! Ano ka ba Revia, 'wag mo akong pansinin ganito lang talaga ako kumain tahimik diba Zeffy,? At ganito ako kumain kapag masarap ang pag kain halos hindi na maka imik sa sarap he he. Kaya enjoy lang kayo sa lunch date n'yo este lunch break natin."
Agad naman sumubo ng pagkain si Nexie ng sunod sunod upang hindi makaramdam si Revia at lalo na si Zeffy dahil kumunot na kilay nito na humarap sa kanya.
Naka hinga ng maluwag si Nexie ng maka rating na sila sa kanilang room sapagkat hindi na nila nakaka sama si Revia.
"Ikaw sinungaling ka talaga,"
bulong ni Zeffy sa kanya habang tumabi ito sa pag kaka upo.
"Anong pinag sasabi mo na sinungaling ako?" maang maangan niyang tanong.
"Anong sabi mong pag masarap ang pagka kain,at tahimik kang kumain? No way! Baliktad yata 'yong sagot mo kanina kay Revia ah," turan ni Zeffy habang naka titig sa kanyang mukha.
Bahagya naman umiwas siya dahil ito na naman ang lagi niyang iniiwasan ang tumititig sa kanya si Zeffy dahil pakiramdam niya ay hinihigop nito ang buo niyang pagka tao.
"Ano! Hindi ka makasagot diyan? Paano nga ba kumain si Nexie pag ok ang pagkain. Yes,ang sarap ng pagkain wow na wow, the best, babalik at babalik ako dito always. Yan.. Ganyan ang sinasabi mo tuwing gusto mo ang pagkain para kang hindi mapa kali kahit punong puno ng pag kain ang bibig mo ay walang preno kaka salita, pero kapag hindi mo naman gusto ang pagkain, ayon para ka naman binagsakan ng langit at lupa parang pasan ang daigdig." Siniko pa ni Zeffy si Nexie.
Napatawa naman si Nexie sa kwento ng kanyang kaibigan tunay nga na kilalang kilala na siya nito dahil alam na alam nito paano siya maka apreciate ng maliliit na bagay, at kung anong ginagawa niya base sa kanyang nararamdaman.
"Hay naku Zeffy! Bakit 'yang ganyan bagay tungkol sa akin alam mo pero hindi mo alam na sobra akong nasasaktan kanina kaya nawalan ako ng gana, hindi dahil hindi ko gusto ang pagkain kundi may kaagaw na ako sa attention mo," bulong ni Nexie kay Zeffy habang patuloy pa rin ito sa pag lalarawan sa kanya.