Bahagyang sinulyapan ni Nexie si Zeffy sa pagkaka upo nito. At nababanaag sa mukha nito ang galit at pagka inis, kahit nakatungo pa ito. Kitang kita ni Nexie ang pamumula ng tenga nito. Sinadya iyong gawin ni Nexie upang lalong asarin at galitin si Zeffy. Natapos muli ang maghapon ng kanilang pag tatraho na walang pag uusap at na nangyayari sa pagitan nilang dalawa. *Weekend* Nagkaroon ng jamming ang kanilang pamilya tulad ng dating kinagawian nila. Ito ang unang pagsama muli niya matapos ang ilang taon. Ngayon hindi lang siya ang nakasama bagkos si Luke rin ay naroroon. "Iho, mabuti naman at naririto ka kasama namin. Gusto ka rin namin makilala ng mabuti, sympre parang isang tunay na anak na ang tingin ko diyan kay Nexie. Alam mo na kung sakali man na ikaw ang makakatuluyan ng ana

