Her POV
"Bihis ka, aalis tayo."
Napasinghap pa ako sa biglang pagbulong sa akin ni Will sa tenga habang gamit ko ang vacuum dito sa sala. Nasa likuran ko pa siya at niyakap pa ako sa aking bewang. Yakap pa lang niya ay nanghihina na agad ang tuhod ko.
He buried his face on my neck. Malaya siyang nakakaganito palibhasa ang anak niya ay nasa taas at naliligo. Napahawak pa ako sa buhok niya nang dilaan niya ang sensitibong parte sa leeg ko. Hinawi niya pa ang buhok ko na siyang sagabal sa ginagawa niya.
"Saan tayo pupunta?" Mabuti nakakuha pa ako ng lakas para makapagsalita.
"Malalaman mo rin. Bihis ka na. Ako na dyan." Tinigil niya na ang pagpapak sa leeg ko saka inagaw ang hawak kong vacuum.
Nagtungo na lang ako sa kwarto ko para kumuha ng damit. Nakapajama lang kasi ako. Wala pa nga sana akong balak maligo kasi tinatamad pa ako dahil ang lamig ng tubig kaso mukhang may ibang plano itong si Will.
Nakalabas na rin naman si Winter sa banyo kaya ako na ang sumunod. Natawa pa ako kasi ang sigla sila nitong naglakad papunta sa kwarto niya. Hindi nga lakad ang ginawa niya e. Tumatalon talon siya.
Tama nga ang sinabi niya. She's the happiest girl in the world.
Nang makaligo at makapagbihis, naabutan ko sa baba si Will na palabas sa front door. Nakasunod si Winter sa kaniyang ama at nang mapansin ang pagbaba ko ng hagdan ay nilingon niya ako.
"Ate Khai, tara na po." Tawag sa akin ni Winter.
Lumapit pa ito saka kumapit sa kamay ko bago niya ako hilain palabas ng bahay. Kasalukuyang binubuksan ni Will ang malaking gate. Nauna ng pumasok si Winter sa loob ng kotse habang ako ay wala pa ring ideya kung saan kami pupunta.
Pinagbuksan ako ni Will ng pinto. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"I want you to meet someone." He simply replied with a smile.
Sumakay na ako sa may shotgun habang siya naman ay umikot na para makasakay sa driver seat. Pinaandar niya na ang kotse. Sa dinaraanan namin ay hindi ito masyadong pamilyar sa akin. Sinilip ko pa si Winter sa may rear-view mirror na abala sa pagtingin sa labas ng bintana habang hawak hawak nito ang flower bouquet na siyang binili namin kanina sa byahe. Nagsabi rin siya kung pwede ba raw kaming dumaan mamaya sa pet store para bilhan ng laruan 'yung tuta. Iniwan muna namin ito sa bahay dahil ang sabi ni Will ay bawal daw ang alagang hayop sa pupuntahan namin.
Habang nakamasid sa labas ng bintana, agad ko rin naintindihan kung saan kami patungo nang makita ko ang arko. We were in a memorial park. Nagkaroon na agad ako ng ideya sa kung ano ang ibig sabihin ni Will na gusto niyang makilala ko.
Bumaba na kami ng kotse. Si Will pa nga ang unang lumabas para pagbuksan kaming dalawa ni Winter ng pinto. Kumapit agad si Winter sa kamay ng papa niya bago niya inilahad ang kamay sa akin. I smiled when I held her hand. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa puntod ng taong gustong ipakilala sa akin ni Will.
Pagkarating namin ay may napansin akong naiwang bouquet sa lapida na iba sa dala ni Will. Bumaba pa si Will at sumunod naman si Winter sa kaniyang ama. Maingat na nilagay ni Winter ang bulaklak sa katabi pa nitong bulaklak. Tinitigan ko ang lapida na nasa harapan namin na siyang nilinis ng kamay ni Will nang may humarang na dahon dito.
━━━━━━━━━━━━━
In loving memory of our beloved
"Autumn"
Autumn Hazel M. Serrano
March 08, 19** ━ November 19, 20**
━━━━━━━━━━━━━
So here lies his wife, Autumn. Kahapon ang death anniversary ni Autumn na siyang kasabay naman sa kaarawan ni Winter. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na puntahan ito lalo na't busy kahapon. Sinamahan ko sina Will na manalangin bago sila bumalik sa pagkakatayo.
"Autumn, this is Khai." Pagpapakilala ni William sa akin sa asawa niya. Nilingon ako ni William saka payak na nginitian. "My girlfriend." Mahinang dugtong nito para hindi marinig ni Winter na abala sa pagtingin sa paligid.
Napangiti ako. Daig ko pang pinakilala sa magulang. Masaya ako na nagawa niya akong ipakilala sa yumao niyang asawa. Naalala ko tuloy ang kinuwento sa akin ni Winter kanina na tungkol sa palaging pag-iyak ni Will sa tuwing dumarating ang kaarawan niya. Sobrang sakit siguro para sa kaniya na dalawang importanteng araw ang sasalubong sa kaniya. Ang pagsilang ng anak niya at pagkawala ng kaniyang asawa.
Ngunit ngayong taon na ito, huminto na ang nakasanayan niya.
Naalala ko pa kasi dati noong nalasing siya. He cried his heart out and he even mentioned his wife. Sa paraan ng pag-iyak niya noong mga oras na iyon, ramdam ko 'yung sakit at pagkamiss niya sa kaniyang asawa. Ngayon, kung titignan ang mga mata niya, gaya ng sabi ni Winter, wala na itong tinatagong sakit at lungkot. It felt like he already freed himself from the pain of the past. Like he finally moved on.
Bumaba pa ang tingin ko sa kamay namin. Kinakalabit kasi ng daliri niya ang kamay ko. Parang gusto niyang hawakan ang kamay ko kaso pinipigilan niya ang sarili niya lalo na't narito ang anak niya.
Natawa lamang ako nang mahina. Hindi na rin naman kami nagtagal dahil nagsimula ng kumulimlim ang langit, hudyat na babagsak na ang ulan. Pinauna pa nga kami saglit ni Will sa kotse. Naintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari kaya nauna na kami ni Winter na bumalik sa kotse. I think he wanted privacy as he talked to his wife's gravestone.
***
His POV
Iniluhod ko ang isang tuhod ko sa lupa nang pagmasdan ko ang pangalan ni Autumn na nakaukit sa bato. Pinauna ko muna sila Khai sa kotse dahil gusto kong mapag-isa muna. I placed the tip of my fingers on the gravestone and traced the line of my wife's name.
"I'm sorry hindi kita napuntahan kahapon. Busy sa pag-asikaso sa anak natin e." Nanuot sa balat ko ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin. "She enjoyed her birthday. Nagustuhan din niya 'yung tuta."
Mapait akong ngumiti nang maalala ang naging usapan namin ng anak ko. "I just want to say sorry, Autumn. Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman ng anak natin. Kung ikaw siguro ang nasa sitwasyon ko, malalaman mo agad ang hinanakit ni Winter. I'm the father. I should have known." Bumuga ako ng malalim na buntong hininga. "But I'm glad we resolve it."
Lumipat ang atensyon ko sa isang bouquet na naabutan namin dito. Wala akong ideya kung kanino galing iyon. Dati naman ay wala akong naaabutan na bulaklak sa puntod ng asawa ko.
Binasa ko ang nanunuyo kong labi at payak na napangiti nang maalala ko na pinakilala ko na ng formal sa kaniya si Khai kanina. "About Khai, what do you think of her? Pasado ba sa'yo?"
Ilang kurap ng mata ko ay pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras. Tumahimik ang buong paligid. Naramdaman ko na lamang na may presensyang tumabi sa akin. Natulala muna ako sandali sa pangalan ni Autumn.
"I hope so. You know how hard it is to live day by day without you. Sobrang sakit. Ilang taon ko rin tiniis ang pangungulila ko sa'yo." Pagpapatuloy ko. "But it changed the moment she came into my life. Hindi ko namalayan na tinahi niya na ang sugat ko na siyang iniwan mo—"
Natulala ako sandali nang alalahanin ko ang kahapon. "Last night, I didn't cry. Sa unang pagkakataon, hindi ako umiyak sa kaarawan ng anak natin. Sa araw ng pagkawala mo." Madiin akong lumunok nang maramdaman ko ang pagbara sa lalamunan ko. "And it made me happy, you know why?"
"Because today, I can finally say without any doubt that I finally moved on from the pain. She fixed me, Autumn." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan na umiyak. "She healed me."
Tumulo na ang luha sa mga mata ko. I'm crying not because I'm still in pain. I'm crying because I'm happy that I'm no longer the old William who's still trapped in the past. I'm finally free.
She freed me, Autumn.
Nang ipikit ko ang mga mata ko ay naramdaman ko ang init na bumalot sa katawan ko. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang pamilyar na init na iyon. The last thing I heard was a familiar voice in my head.
"Thank you. Thank you for letting me go."
Bumuhos na nga ang luha sa mga mata ko lalo na nang unti-unting mawala ang init na kanina ay bumalot sa katawan ko na tila ba tinangay na ito ng malakas na hangin.
Mapait akong ngumiti. I traced her name again. "Goodbye, Autumn."
You will always have a place in my heart. You will always be my favorite season. Always.