01
His POV
"Mamimiss ko talaga kayo."
Malalim akong bumuntong hininga nang marinig iyon mula sa katabi kong babae rito sa upuan. Sandali kong sinilip ang batang babae sa children's playground na masayang nakikipaghabulan sa kaedad niya. A small smile appeared on my lips when I watched my daughter have fun playing. Ngunit nakaramdam ako ng lungkot sa balitang ang nag-iisa niyang Tita ay hindi niya na makikita.
Kinabukasan ang alis ni Madi, my younger sister, papuntang Paris kaya napagpasyahan niya na ilabas ang pamangkin niya na si Winter, my eight years old daughter. Ito ang huling pagkakataon na makakasama niya ang anak ko. Hindi iyon alam ni Winter. Hindi niya alam na ito na ang huli niyang pagkakataon na makakabonding ang tita niya.
Paniguradong malulungkot si Winter kapag nalaman niya na iiwan na siya ng Tita niya para magtrabaho sa ibang bansa. Ayaw man ni Madi pero wala siyang magagawa dahil doon siya inassign sa trabaho niya. And I think it's for her own good na rin since matagal niyang pangarap na makapunta at manirahan sa Paris.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng anak ko kapag binalita na sa kaniya ang magiging sitwasyon niya pagkatapos ng araw na ito. Ako at si Madi lang ang mayroon siya. And she's too young for this. For sure mahirap sa kaniya intindihin ang pag-alis ng Tita niya.
Simula kasi nang mawala ang asawa ko mula sa panganganak ay si Madi ang naging katuwang ko sa pagpapalaki kay Winter. I was so devastated when I lost Autumn, my wife. Hindi ko alam kung paano bubuhayin mag-isa ang anak ko. Tila ba nawalan ako ng paa sa mga panahon na iyon. I never thought of spending my life alone, neither with a child. Buong buhay ko, simula nang makilala ko si Autumn ay sa kaniya na tumakbo ang oras ko. Lahat ng pangarap ko ay kasama siya. Lahat ng binuo kong plano ay kasama siya. But now that she's gone, lahat iyon ay nawalan na ng saysay. All she left me was Winter.
Hindi ko alam kung paano magsisimula. But Madi offered her hand to help me take care of my daughter. Hindi ko alam kung dahil ba sa awa, but I really do appreciate her sympathy. Sa mga oras na tinutulungan ko ang sarili ko na bumangon muli, siya ang nag-alaga sa anak ko, sa pamangkin niya. Sobrang laki ng naitulong niya kahit hanggang sa paglaki ni Winter. Everytime na kailangan kong pumasok sa trabaho ay si Madi ang nagiging takbuhan ko para magbantay sa anak ko. Iiwan ko lamang siya sa office ni Madi. Ganoon ang naging set up namin. At ngayon na aalis na siya, hindi ko na alam kung paano ang magiging susunod kong hakbang.
"Kung 'wag ka na lang kaya umalis." Sambit ko sa kaniya. I made it sound like I wasn't serious pero sa totoo lang, I'm just restraining myself from bending down on my knees and beg to her.
But I don't want to be a selfish brother. All I want was her happiness. And being a hindrance to her happiness was the last thing I would do to her.
"Don't tell me natatakot ka kasi ikaw na lang ang maiiwan kasama ng anak mo?" May sumilay na ngisi sa labi niya. Napaiwas ako ng tingin kasi nabasa niya mismo kung ano ang kinakatakot ko.
She knew.
Of course, she knew! She's my sister after all. Sa tagal naming magkasama simula pa sa sinapupunan ng aming ina ay kilalang kilala niya na ako. Lahat ng kilos ko ay alam niya ang ibig sabihin at kahit bawat ekspresyon ko ay alam niya ang pinagkaiba.
Hindi agad ako nakasagot. I'm guilty. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Kaya nga sabi ko sa'yo dati pa, you should start finding a perfect wife."
"There will never be a perfect wife other than Autumn," madiin kong sagot. Walang makakahigit sa asawa ko.
Ito siguro 'yung dahilan kung bakit wala akong babaeng pinagkakainteresan sa buhay ko kahit na walong taon na ang lumipas. Because I know to myself na hinding hindi na ako makakahanap pa tulad ng asawa ko. She's the epitome of perfection to me. Sa kaniya ko lang naramdaman ang magmahal ng ganito. And that's the main reason why it's hard for me to move on. It's been eight years and I'm still stuck from the days I was still with my wife.
Hanggang ngayon ay presko pa rin ang sugat na iniwan niya sa akin. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang puso ko. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harapan ng kapatid ko. A simple tear would make a man looks weak. I don't want to look weak. I want to be strong, for my daughter... and for myself.
But then at night, kung saan walang nakakakita at madilim ang paligid, kung saan walang nakakarinig at walang makakapansin. Dito sa kwarto kung saan ko palaging katabi si Autumn, nakaupo ako sa gilid ng kama habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko at nakapatong ang siko ko hita ko. Ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay kumawala na lamang sa aking mga mata. I am weak. Sinambunutan ko ang buhok ko para patahanin ang sarili. Ang sikip ng dibdib ko.
Mula sa ilaw ng buwan na sumisilip sa bintana ko, malinaw sa mga mata ko ang litrato ni Autumn na nasa ibabaw ng bedroom drawer ko. Kinuha ko iyon at maiging pinagmasdan.
If only you were here, I wouldn't be crying right now.
Hinayaan kong bumagsak ang likod ko sa malambot na kama. Mahigpit kong ikinulong sa bisig ko ang picture frame saka pumikit. I recalled all the memories I've shared with Autumn. Inaalala ko lahat ng emosyon na naramdaman ko kasama siya. Mga panahon na pagmamahal namin ang tanging nangingibabaw sa isa't isa. Then another tear fell. This night, I cried myself to sleep... again.
***
"Ito na lang ba lahat ng bagahe mo?" Tanong ko kay Madi nang mailagay ko na sa compartment ng kotse ko ang bagahe niya. Ako kasi ang maghahatid sa kaniya sa Airport. Kasama ko rin ang anak ko sa paghatid.
Yesterday, we carefully explained to Winter that Madi had to leave the country, which means she will no longer see her and spend time with her. Kinabahan ako sa magiging reaction ni Winter. I was expecting that day that she will cry herself out at magwawala sa pag-alis ng tita niya, but she did the opposite of what I thought she would do. She ran towards her aunt then hugged her neck tightly when Madi bent down to match my daughter's level. Winter never showed any single tear when she said, "I will miss you. Make sure you message us if you're coming back, okay? I don't like surprises."
Tumingala agad ako at tumingin sa kalangitan para pigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Mas emosyonal pa ako kaysa sa sarili kong anak. I watched Winter as she removed her scarf worn around her neck then brought it to her aunt then gently wrapped it around Madi's neck.
"Use this when you get cold. My scarf is the warmest scarf you'd ever have." She sweetly added.
Sa mga oras na iyon ay si Autumn agad ang pumasok sa isip ko. Winter got her personality from her mother. Both of them have pure hearts. If only Autumn witnessed that, I'm sure she would be very proud of her own daughter.
"'Wag mong kalimutan na padalhan 'tong pamangkin mo." Paalala ko habang minamaneho ang sasakyan papuntang Airport. Madi was sitting at the shotgun while Winter was on the backseat.
Lumingon agad si Madi sa pwesto ni Winter. "Anong gusto mong regalo, Winter? Chocolates? Dress? Name it and I will bring it all to you."
I glanced at the rear-view mirror to see Winter from the back. She looked back at Madi and a sweet smile spread across her lips when she replied, "A picture of you in the Eiffel tower will do."
Napansin ko pang natulala si Madi, halatang hindi inasahan ang sagot ng pamangkin niya. Bumalik siya sa upuan niya at tumuwid ng upo. "Hindi maipagkakaila na anak nga siya ni Autumn." Tumingin siya sa akin na namimilog ang mga mata. Mahina lamang akong tumawa. See? Even my sister agreed about it.
Mabigat ang bawat lakad ko habang dala dala ko ang maleta papasok sa airport. It was so hard to say goodbye to Madi. Ito ang unang beses na magkakalayo kaming magkapatid. Tipong ilang bansa pa ang tatawarin ko mula sa kaniya. Kinakabahan ako para sa kaniya... para sa aming dalawa. I clenched my jaw and immediately erased those thoughts away. Ano ba dapat kong ipag-alala? Si Madi ang pinag-uusapan dito. She was one of the bravest and independent people I know. Alam kong kaya niya. At alam kong kakayanin ko nang wala ang presensya niya.
I hugged Madi tightly for one last time. "Mag-iingat ka, okay? And make sure to call Winter whenever you're free. She'll be enthusiastic to hear your story."
"I know. And make sure to send pictures of her in every events of her life. Tita niya pa rin ako baka makalimutan mo." Paalala niya pa na may kasamang pagbabanta. Natawa lamang ako saka bumitaw sa pagyakap. Sinubukan kong alisin ang pag-aalala ko ngunit mukhang nakapinta na sa mukha ko iyon na siyang ikinairap niya. "I'll be fine there, Kuya. Don't worry." She reassured me.
Tumango-tango ako at payak lamang ngumiti. "I know."
Bumaba sa lebel ni Winter si Madi saka ginulo nito ang tuktok ng buhok ni Winter. "Aalis na si Tita ha. Makinig ka palagi kay Daddy mo. And please, 'wag mo ihiwalay 'yung gulay sa ulam. Can you promise me that?" Madi shower her pinkie up for a pinky promise. They both locked their pinkies to each other.
"I will. Ingat po kayo." Sunod na ginawa ni Winter ay yakapin si Madi nang mahigpit. Madi almost melt from her niece's warm embrace. Kita ko ang pagpigil niya sa sarili na umiyak.
Madi kissed the side of her head before she released her and then she stood up, looking at me with a sad smile on her face. "I have to go." Paalam niya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ko kung saan hawak na ngayon ni Winter. We both watched Madi as she turned around and walked away from us. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. For the second time, mayroon na namang umalis sa buhay namin ni Winter. But only this time, it was just temporary.
***
Marahas kong kinuha ang extra na unan sa kama ko saka itinakip ito sa mukha ko para magtago sa sinag ng araw na sumisilip sa loob ng bintana ng kwarto ko. Ayoko pang bumangon but I have responsibilities. Kahit na papikit-pikit ang mata ay pinilit kong bumangon. Wala sa huwisyong binuksan ko ang cabinet ko para dumampot ng damit saka isinuot.
Nang silipin ko ang kwarto ni Winter ay mahimbing pa rin siyang natutulog. Dumiretso ako sa kusina para gumawa ng breakfast. She loves bacon and fried egg kaya naman iyon ang niluto ko. Isasama ko siya ngayon sa Clinic since wala namang maiiwan dito para bantayan siya.
Simula nang umalis si Madi ay ganito ang naging set up namin. Kapag wala namang ginagawa masyado sa clinic ay ang assistant ko ang nakikipaglaro kay Winter. Hindi naman ganoon kahirap lalo na't hindi naman makulit ang anak ko. Sa bahay lang siya hyper lalo na kapag kasama niya si Madi. Nalungkot agad ako sa mga salitang iyon. Ako ang ama niya pero kay Madi lang siya hyper.
Dati, kapag nag-istay in si Madi sa bahay, kapag uuwi ako ay naabutan ko silang nagrorole play. Aaminin ko, nagseselos ako. Never akong niyaya ni Winter na makipaglaro sa kaniya. Siguro ang bonding lang namin ay ang turuan ko siya sa pagsusulat at pagbabasa. Nothing more. Iniisip ko tuloy kung anong pumipigil kay Winter para ayain ako.
Naging mabuti naman ang unang linggo namin nang wala ang kapatid ko. Wala naman akong naging problema. Not until Saturday happened.
Hindi ko siya pwedeng dalhin sa clinic because she was sick. Mainit-init ang katawan niya. I wanted to bring her to the nearest hospital para makasiguro ako na hindi malala ang lagnat niya pero ang anak ko na mismo ang nagsabi na ayos lang siya. I was so worried that I decided to stay in the house and take care of her. But my duty as a Veterinarian never let me do it. Inatasan ko na ang assistant ko muna ang bahala sa clinic but unfortunately, an emergency happened. They badly need me there because it's a matter of life and death.
I don't want to leave my daughter in this cold, empty house. But she had overheard our phone conversation. Yakap yakap niya ang kaniyang favorite brown teddy bear habang nakatingin siya akin dito sa may sala.
"I'm fine, Dad." Saad niya. "You should save them. Sinat lang naman po ito."
Lumapit ako sa kaniya saka lumuhod. "Are you sure?" Nilapat ko ang likod ng palad ko sa kaniyang noo para pakiramdaman ang init niya.
Tumango siya. "I'll just call you if ever sumama ulit pakiramdam mo."
Nakatitig ako sa mga mata niya. It made me question myself if I'm really talking to an eight-year-old kid. She's so mature at a very young age. Mapait akong ngumiti saka mahigpit siyang niyakap. "I'll be back once I'm done there. I promise." I stood up and told my assistant that I'll be there in a minute. Ayoko man siyang iwan pero kailangan.
I promised to her that I'll be back as soon as possible but the operation took so long. Hindi agad ako nakabalik. Ang daming inasikaso sa clinic lalo na't hindi lamang isang pasyente ang dumating.
Nang magkaroon ng ilang minutong break ay tinawagan ko ang telepono sa bahay. It took Winter two minutes to answer the call.
"How are you?" Bungad na tanong ko agad.
"I'm fine, Dad. How's the patient? Did they survive?" Her voice sounded scuff.
"Yes, sweetie. He survived. The operation went well. Are you sure you're fine? Nacheck mo ba ulit temperature mo?" Pag-aalala kong tanong. May kakaiba kasi akong nararamdaman.
"Dad, I swear I'm f—" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang maubo ito. Hindi agad iyon tumigil na siyang mas nagpakaba sa akin. She cleared her throat after that cough. "'Wag po kayo mag-alala. I checked my temperature kanina, ganun pa rin naman po."
Bumuntong hininga ako. "I left a medicine on the table. Make sure you eat first after you take that. Ubusin mo 'yang pagkain sa mesa, okay."
"Yes, I will."
"I'll be there in an hour or two, maybe. Take care of yourself."
"Yes, po."
Binaba ko na ang tawag. Sinubukan kong tapusin ang lahat ng gawain para makauwi na ako. Hindi ako mapakali lalo na't nang marinig ko 'yung pag-ubo niya kanina. After all the works, nagpaalam na ako at umuwi na ng bahay. I tried calling Winter again but she's not answering. Inulit ko ang tawag pero wala pa rin. After the fourth attempt, sinagot niya na rin.
"What took you so long? Ano? Kumusta pakiramdam mo?"
Sobrang tahimik sa kabilang linya nang hindi agad siya sumagot. Doon kumalabog nang malakas ang puso ko lalo na nang marinig ko ang mahina niyang boses. "Dad..." She said, almost out of breath. After that, I heard a loud noise as if something fell... or someone.
"Winter? Winter? Anak?" Binalot ng takot ang puso ko nang wala ng sumagot sa kabilang linya. That was the time I stepped hardly on the gas pedal to speed up my car. Halos paliparin ko na ang kotse para lamang makarating sa bahay.
F#ck. F#ck. F#ck.
Halos masira ang pinto nang marahas ko itong buksan. Nang makarating sa sala ay tila ba nawala lahat ng dugo ko sa katawan nang makita kong walang malay na nakahiga sa sahig ang anak ko. Nanghihina ang tuhod na lumuhod ako sa kaniya.
"Winter? Anak gising." Sinubukan ko siyang gisingin ngunit halos mapaso ako nang dumampi ang kamay ko sa katawan niya. Dinampi ko ang kamay ko sa kaniyang leeg at sa noo.T#ngina ang init niya. I panicked. Ito na ang pinakamalalang nangyari magmula nang iwan kami ni Madi. The last time she had this, Madi was here. Siya ang umasikaso kay Winter at nagdala sa hospital habang ako ay walang nagawa at wala sa sarili na nakatulala lamang. At ngayon na ako lamang ang mag-isa rito sa bahay, hindi ako makapag-isip ng tama. Naluha ako. What should I do? Gusto kong tawagan si Madi para humingi ng tulong but that idea was stupid. My daughter needed immediate care.
I couldn't think straight. Ni hindi ko nga napansin na may nagdodoorbell pala. Kahit na nanginginig ang kamay ay mabilis kong binuhat si Winter sa mga bisig ko. Mabilis ko siyang itinakbo palabas ng bahay. Bumungad pa sa akin ang babae na may bitbit na box.
"Ah sir, are you Mr. William Hanz Serrano? May delivery po kas—" Natigilan siya nang makita na bitbit ko ang anak ko. When she looked up at me, napansin niya ang luha sa mga mata ko. Pabalik balik ang tingin niya sa amin ng anak ko.
"Iwan mo na lang dyan." Mabilis kong sagot nang hindi siya tinitignan saka lumapit sa kotse ko. Dahil buhat buhat ko si Winter ay hindi ko mabuksan ang pinto sa backseat. Doon ko nilingon 'yung babae. "Excuse me, but can you open the door?" Nagpapanic kong utos.
Mukhang may ideya siya na emergency iyon dahil madali siyang lumapit para buksan ang pinto. Maingat kong inilapag si Winter sa upuan bago ko isara pinto. Paikot na sana ako sa driver seat nang may pumasok sa isip ko. I need someone who can help me watch my daughter as I drove her to the hospital. At ang babae na ito ang natatanging makakagawa noon. Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa.
"Help me. Get in the car, please? I badly need your assistant right now." My voice cracked when I begged her.