Her POV
Kung nakakamatay lang siguro ang titig ko ay kanina pa siguro nakahandusay itong katabi ko. I was squinting my eyes as I stared at him. Sige lang, 'wag mo ko pansinin. Ang akala mo ba titigil ako at mapapagod kakatitig sa'yo? Pwes kahit hanggang sa pag-uwi mo sa bahay niyo, susundan at susundan pa rin kita. Kahit sa pagtulog mo, nasa tabi mo lang ako at nakatitig sa'yo. Sige lang. Ako pa hinamon nito.
Napasinghap ako nang bigla niyang ibagsak ang hawak niyang ballpen sa desk saka marahas na lumingon sa akin. Umayos ako ng upo at nagkunwaring may inaabala kahit kanina ay halos ipako ko na siya sa titig ko.
Dinig ko pa ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo. Wala akong pera na maipapautang." Iritableng sagot ni Emman sa kanina ko pang hinihingian ng pabor.
Umirap ako saka inikot ang inuupuan kong swivel chair paharap sa kaniya. "Babayaran ko naman e. Kilala mo naman ako. Nagbabayad naman ako diba? Ang ganda kaya ng record ko sa'yo. Ngayon mo pa ba ako tatanggihan?" Pagkumbinsi ko.
Kailangan ko talaga ng pera. At itong si Emman lang ang siyang matatakbuhan ko lalo na kapag kinakapos ako. Pero mukhang wrong timing din dahil kahit kanina ko pa siya kinukulit ay hindi talaga niya ako pinapahiram ng pera.
"Bakit ba nangungutang ka?"
"Kinukulit na ako ng Landlord ko. Kung hindi ako magbabayad agad baka sa kalsada na ako pulutin nito." Sagot ko. Totoo naman. Kahapon ay binulabog ako ng Landlord dahil late na raw ako at kailangan niya na raw ng bayad ko. Kung mayroon lang sana akong pera edi sana hindi ako nagmamakaawa rito sa lalaking 'to na mangutang.
"Kakasweldo lang natin diba? Asan na pera mo?" Pagtatakang tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin. "E ikaw asan na sweldo mo? Pautang lang e." Balik ko rin sa kaniya.
Mas tumalim ang tingin niya sa akin. "Alam mong pamilyado ako, Khai. Malamang napunta na sa gastusin sa bahay lahat ng sweldo ko. E ikaw? Asan na sweldo mo? San ba kasi napupunta pera mo at ang bilis mo maubusan?"
Malalim akong bumuntong hininga saka inirapan siya. "You know what, kalimutan mo na lang sinabi ko." My face softened then draw an imaginary circle on the desk. "Magsisimula na lang siguro akong mag-empake mamaya." Huminga ulit ako nang malalim, sinadya ko talaga na malakas para marinig niya bago ako tumayo at tumalikod kay Emman.
I intentionally moved slowly. Ayoko namang magpaka sadgirl but if that was the only way para mapapayag ko siya, pwes gagawin ko. Kung hindi ako kikilos sa araw na 'to, magkakatotoo talaga na baka sa kalsada ako matulog simula ngayong gabi.
"O siya siya siya. Hindi kita mapapautang pero kakausapin ko sila Ana. Sasabihan kita kapag napapayag ko sila."
I smirked. Sabi na e, alam kong hindi niya matitiis itong pagpapaawa na side ko. Sa loob ko ay halos magdiwang ako at sumayaw nang magtagumpay ako ngunit hindi ko iyon pinahalata nang harapin ko siya. Payak akong ngumiti para ipaalam sa kaniya na naappreciate ko ang effort niya.
I walked towards him then held his hand in both mine. Then I appreciatively looked straight into his eyes. "Thank you. You're such a good friend, Emman."
Sandali pa siyang natulala sa akin. He looked like he was about to fall for my cuteness but he did the opposite. Gamit ang isang kamay ay malakas niya akong pinitik sa noo na siyang nagpabitaw sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin habang himas ko ang noo ko na nilamog niya.
"Kadiri ka. 'Wag mo nga akong titigan ng ganon. At saka diba sabi ko 'wag mo kong maenglish english dyan, baka ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo." Pagbabanta niya pero alam ko naman na walang katotohanan iyon.
Maliban siguro sa una. He meant it. Hindi sa nandidiri siya sa akin. But he just hate when someone was being affectionate with him. He's too in love with his wife. Hindi rin kami talo ano. At saka wala naman akong balak na agawin siya sa asawa niya. Duh. Baka pwede pa asawa niya agawin ko sa kaniya. Char! Baka bugbugin ako nito. Ganda kasi ng asawa nito kainis. Kahit may edad na ay presko pa rin. Hindi ko nga lang alam nangyari dito kay Emman. Siguro kung makikita natin silang magkasama, mas aakalain pa ng iba na mag-ama sila. Mukha kasing napabayaan 'tong mokong na 'to.
Pabiro ko siyang inirapan. "Pagbalik ko, Emman, ha." Paalala ko sa kaniya bago ako umalis sa counter.
Magdedeliver na ulit ako. I was currently working in STJ Xpress, an express delivery company. Matagal tagal na rin akong nagtatrabaho rito. Kung tutuusin nga ay ako lang ang nag-iisang delivery woman dito. Thanks to Emman. Tinulungan niya kasi akong makahanap ng trabaho. Ang sabi ko dati ay temporary lang akong papasok dito habang nag-iipon ako pangpatayo sa pangarap kong bakeshop pero sa kamalas-malasan, ang pangarap ko na malapit ko ng maabot ay naglaho na lamang.
I was scammed. Sa dinami-rami ng pwede nilang lokohin, ako pa talaga ang natyambahan nila. Ako na ata ang pinakamalas na tao noong mga panahon na 'yun. I need that money, but unfortunately, I was the chosen one. T#ngina inis na inis din ako sa sarili ko noon. Sobrang tanga ko para magtiwala sa mga networking networking na iyan. Sa sobrang desperado ko na makaipon ng malaking pera para makuha ko agad ang gusto ko, iba naman ang binigay sa akin. Isang malaking kamalasan.
Walang natira sa akin. Grabe 'yung hirap ko para lang makabangon muli. Lahat ng sermon narinig ko na lalo na sa ate ko.
Grumaduate ako na may degree sa college pero napakatanga ko naman sa buhay. How ironic isn't it? Mabuti na lang talaga kahit papaano ay may mga mabuting tao pa rin na tumulong sa akin tulad ni Emman. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa mga scammer na iyon. Linggo linggo kasi ay dumadaan ako sa police station para makibalita kaso wala pa rin silang lead. Hindi ko alam kung makupad lang ba sila kumilos o sadyang mailap lang talaga 'yung mga manloloko na iyon.
Inalis ko na lamang ang negativity sa isip ko. Nagfocus na lamang ako sa pagdadrive ng motorcycle ko. Kahit papaano ay nakatulong din na nag-invest ako sa motorsiklo dahil nagagamit ko sa trabaho.
Sunod sunod ko ng pinadala itong mga parcel sa kaniya kaniyang receiver. Init na init pa ako dahil sobrang grabe 'yung tirik ng araw kanina. Marami rami pa itong package kaya inabot ako ng hapon. Inip kong hinipan ang ilang hibla ng buhok ko na humarang sa mata ko.
Sunod kong pinasok ang subdivision ng mga may kaya sa buhay. Ang gaganda ng bahay e. Halatang mapepera 'yung mga tao kasi lahat ng bahay hindi kahoy 'yung bakod. Puro mga pader. Di tulad sa tinitirhan ko dati na naglipana 'yung mga memabakod lang.
Maingat kong buhat buhat ang box nang bumaba ako ng motor. Chineck ko pa kung tama ba itong binabaan ko.
William Hanz Serrano
Napasingkit ako nang mabasa ang pangalan nito sa package. Then I laughed quietly. Bakit ganoon? Normal ba na mag-imagine ng kung ano dahil sa pangalan? Based on this name kasi, I imagined him as a drop dead gorgeous guy. Tipong makalaglag panga 'yung alindog. Makalaglag panty ganun. Ano ba 'yan?! T#ngina kasi ang gwapo ng pangalan! Kainis. Tama na nga. Baka madisappoint lang ako kung mag-eexpect ako ng ganito.
Mas masakit umasa.
I cleared my throat then I fixed my posture before I hit the doorbell on the gate. "Delivery po para kay Mr..." Sinilip ko 'yung details sa box. "Serrano."
Nakatitig lamang ako sa may itaas ng bahay nito kung saan tanaw ko ang bintana. Ilang minuto ay wala pa ring lumalabas ng bahay. Sinilip ko sandali 'yung kotse na nakaparada sa tapat. Mukhang sa kanila naman itong sasakyan. Bakit walang sumasagot? Inulit ko ang pagdoor bell. This time, niratratan ko ng apat na beses para mapansin ako ng may-ari ng bahay.
Napasinghap ako nang halos lumipad 'yung gate nang bumukas ito. Niluwa nito ang matipunong lalaki.
"Ah sir, are you Mr. William Hanz Serrano? May delivery po kasi—" Natigilan ako nang dumako sa paningin ko ang batang babae na buhat buhat niya. Nanlaki ang mata ko nang mapansin na walang malay 'yung bata. Pagtingin ko sa lalaki, may namumuong luha sa mga mata niya. It was the saddest eyes I've ever seen.
Mukhang nagpapanic 'yung lalaki dahil wala sa sariling sinabihan niya lang ako na iwan na lamang 'yung package sa labas ng bahay niya. Kaso bawal iyon base sa protocol namin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang panoorin ko siyang nagmamadali na lumapit sa kotse. Dahil buhat buhat niya 'yung bata, hindi niya mabuksan ang pinto kaya inutusan niya ako na buksan iyon.
Hindi naman ako tanga para hindi magets na emergency ito kaya madali kong ibinaba 'yung box na hawak ko saka pinagbuksan sila ng pinto. Inilapag niya ang bata sa backseat. Ang akala ko aalis na sila ngunit hindi ko inasahan na hihinto siya sa harapan ko at gagawin ang hindi ko inaasahan.
Ang plano ko lang naman ay magdeliver ng mga parcel pero hindi ko inexpect na umupo rito sa backseat habang chinecheck ang kalagayan nung bata habang 'yung lalaki ay halos paliparin na ang kotse. Humihinga pa naman 'yung bata pero sobrang init ng katawan nito. Mainit na malamig basta ganoon. Bakit ba ako napasok sa sitwasyon na ito? Hindi ko naman sila kilala pero ramdam na ramdam ko ang kaba sa puso ko. Hindi naman ako masamang tao. Kahit papaano ay may malasakit pa rin ako sa iba. At ang makasaksi ng isang tao na mawalan ng mahal sa buhay ang hindi ko gugustuhin na mangyari sa akin.
I couldn't stop fidgeting my legs as I sat quietly on the plastic bench here in the hospital. Ang bigat ng dibdib ko habang pinapanood 'yung mga tao na daanan ang pwesto ko. Gusto ko na sanang umalis pero hindi naman ako mapakali. Gusto kong malaman ang kalagayan ng bata.
Napag-alaman ko kanina na anak pala ng lalaki 'yung bata noong pinakinggan ko ang usapan nila nung doctor. May trangkaso pala raw 'yung bata tapos hinimatay kasi hindi nakayanan 'yung init sa katawan. Iyon lang ang narinig ko bago ako maiwan dito. Wala naman sigurong masamang nangyari sa bata ano? Bumuga ako ng hangin saka bahagyang kinagat ang labi.
Awtomatiko akong napatayo nang makitang lumabas ng kwarto 'yung lalaki. Bakas ang lungkot sa mga mata niya ngunit hindi na ito kasing lala kanina. Tila ba kahit papaano ay nabunutan siya ng tinik. I can assume na maayos ang kalagayan ng bata. Napansin niya ako kaya matamlay siyang ngumiti para iacknowledge ang presensya ko.
"Upo ka lang." Utos niya kaya naman dahan dahan akong bumalik sa pag-upo. Maingat niyang isinara ang kwarto bago tumabi sa kinauupuan ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko narinig ang malalim niyang boses. "Thank you nga pala sa pagsama. Gusto ko rin magsorry kasi naabala pa kita."
"Wala 'yon. Kumusta na pala 'yung... anak mo?" Maingat kong tanong.
Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. "Sa ngayon, ayos naman salamat sa Diyos. But she has to stay here for i don't know days para maobserve 'yung kalagayan niya." He looked relieved, so am I.
"Buti naman." Feeling ko naririnig ko na 'yung mga kuliglig sa sobrang tahimik dahil hindi na siya nagsalita pa. As if naman ay iba pa siyang sasabihin sa sinagot ko. Tatayo na sana ako para magpaalam ng umalis nang magsalita na siya.
"Alam kong hindi tayo magkakilala, at sobrang laki ng pasasalamat ko sa'yo for helping us on our way here. Pero gusto ko ng kapalan ang mukha ko. Can you stay with my daughter for a while? Kailangan kong umuwi ng bahay para kumuha ng ilang gamit 'cause I'll be staying in here with her. Mas mapapanatag ako kung may nagbabantay sa kaniya." Nakikiusap din ang mga mata niya. Napalunok ako. Hindi agad ako nakasagot.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para mag-isip ng kung ano pero nakakapanghina ng tuhod ang titig niya.
Mapait siyang ngumiti nang mapansin na wala akong response sa kaniya. "I'm sorry. I think I'm asking too much. Kalimutan mo na 'yun. Thank you pala ulit."
I averted my gaze and cleared my throat. Para namang kaya kong tanggihan ang pabor niya. Ganito siguro ang nararamdaman ng mga kakilala ko kapag nagpapaawa ako. Pero wala akong karapatan na ikumpara 'yung ginagawa ko sa lalaking 'to. This guy was so genuine when he asked that kumpara sa akin na umaacting lang. Iniisip ko kung wala ba siyang ibang pamilya o kakilala na pwede niyang hingan ng pabor na tulad nito at ako pa ang naisipan niyang pwedeng tumulong sa kaniya.
"Mabilis ka lang ba?" Tanong ko.
Kita ko ang pagkislap ng mata niya nang marealize na pumapayag ako sa pabor niya. Mabilis siyang tumango. "Yeah. I'll be back right away after ko kumuha ng gamit."
"Okay." Sagot ko.
Nakahinga siya nang maluwag sa pagpayag ko. Tumayo siya saka may kinuha sa bulsa ng pants niya. Ginaya ko ang ginawa niya at tumayo rin. Ang hawak na phone ay inabot niya sa akin. "Mind if I get your number? You can contact me if ever something happen while you're with my daughter."
Bumagsak ang tingin ko sa phone na hawak niya bago ko ito kunin. I saved my contact number on his phone then brought it back to him. Sandali pa siyang may kinalikot sa phone niya. Lumipat ang atensyon ko sa ingay mula sa bulsa ng jeans ko. My phone was ringing. Pagkuha ko ay unknown number ang tumatawag.
"It's me." Pinakita niya ang screen ng kaniyang phone. "Save that."
"Hmm." Sinave ko nga ang number niya. Nastuck ako sa name. Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. "A-ano po ulit pangalan niyo?" May kutob naman ako na siya si William base sa package pero gusto ko lang makasiguro. Mamaya kasi magtaka rin siya kung bakit hindi ko tinanong ang pangalan niya. Malay mo nakalimutan niya na nagdedeliver ako ng parcel.
"William Serrano. Ikaw?"
"Khai Buena. As in K-H-A-I. Khai." Inspell ko pa para hindi wrong spelling. Iyon kasi ang laging nangyayari.
Ayoko namang gamitin ang second name ko dahil hindi ko gustong marinig iyon. It's not that I hate my second name which was Rachel, but it's just doesn't fit with my physical appearance and personality. Pag Rachel kasi, parang mahinhin ganun. I'm the total opposite of it. I'm more of a careless person. Nagiging mahinhin lang naman ako depende sa sitwasyon. At applicable iyon sa kinalalagyan ko ngayon. With this guy in front of me, I don't want to look someone na hindi niya kayang pagkatiwalaan. Based on the situation we are dealing right now, ako lang ang pwede niyang malapitan. Hindi ko pwedeng sirain ang tiwala niya.
"I see. I'll call you kapag pabalik na ko. Promise mabilis lang 'to. Thank you ulit."
Hinayaan ko na siyang umalis habang ako ay nakaupo sa bakanteng upuan, sa tabi ng higaan ng anak niya rito sa kwarto. Pinagmasdan ko 'yung bata. Nakalimutan ko pala itanong kay William kung anong pangalan ng anak niya.
Ay wow, maka-William. Ang feeling close ko naman. Sir Serrano na lang.
Ang putla ng bibig ng anak niya. Sobrang lungkot ng puso ko nang makita ang nakalagay na swero sa kamay niya. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Sir Serrano ay baka katabi ako nitong anak ko, nakahimlay, dahil nahimatay na rin ako. This was one of the reasons why I'm still single despite my age. Nasa edad na ako na pwede na mag-asawa. Pero ayoko ng responsibilidad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
Nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya saka marahan na hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang rito. Despite her condition, I could still see how pretty she is. Halata na maputi siya kahit na maputla ang katawan niya ngayon. Medyo nakikita ko ang hawig niya sa kaniyang ama. I wondered how old she is. Maybe six? Seven?
Kaysa naman na titigan ko siya habang naghihintay ay binuksan ko na lamang ang phone ko para magscroll sa social media at magpalipas ng oras habang hindi pa dumarating si Sir Serrano. Then half an hour, bumalik na din siya dala ang duffel bag. Nakapagbihis na rin siya ng damit pambahay. Kanina kasi ay nakadress shirt siya na white.
"Here." Inabot niya sa akin ang dala niyang paperbag mula sa isang sikat na fast food. "Take this. Baka nagugutom ka na."
Nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kaniya at sa pagkain. Ngayon tuloy na pinaalala niya na baka gutom na ako, nagkatotoo tuloy. Naramdaman ko ang pagrereklamo ng tyan ko. Dahil makapal din naman ang mukha ko ay kinuha ko na 'yung offer niya.
"Salamat." Mahinhin kong sagot nang makatayo ako. Pinanood ko siyang ilagay ang gamit niya sa bakanteng sofa. "Ahmm may kailangan ka pa ba?"
Ayoko namang maging rude lalo na't binilhan niya pa ako ng food kaso tinadtad na ako ni Emman at hinahanap na ako sa office. Bakit daw hindi pa dumarating 'yung ibang parcel sa customers? Sorry na, Emman, ha! Ikaw kaya maipit sa ganitong sitwasyon. Saka ko na lang ipapaliwanag sa kaniya pagbalik ko sa office.
"Oh, w-wala na. By the way..." Humakbang siya palapit sa akin. "Thank you so much. Hindi ko alam kung gaano ako kathankful na narito ka. Ahmm wait." Kinuha niya ang kaniyang wallet at may nilabas siyang business card. "Here. If you have time, visit my clinic. If ever you need anything or kung may problema kung saan pwede ako makatulong. I'll help you."
Kinuha ko ang business card niya saka sinuri ito.
━━━━━━━━━━━━━━
Autumn&Hanz Pet Care
Veterinary Clinic
Dr. William Hanz J. Serrano
(02) 83** ****
+6392*****
www.autumnhanzpetcare.com
━━━━━━━━━━━━━━
Tingin ko ay nadaanan ko na ang Vet Clinic na 'to, hindi ko lang matandaan. Veterinarian pala siya. So dapat pala Doc ang itawag ko sa kaniya, hindi lang Sir.
"Thanks," sambit ko bago isuksok sa bulsa ko 'yung card. "Kung wala ka ng kailangan, magpapaalam na sana ko."
"Y-yeah. Salamat ulit."
"Salamat ulit dito... Doc." Tukoy ko sa pagkain. "At saka," lumunok muna ako bago ituloy ang sasabihin. "Sana gumaling na anak mo. I'll pray for her fast recovery." Payak lamang akong ngumiti pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad at lagpasan siya.
Bago pa ako makalabas ng pinto ay narinig ko pa ang huling pasasalamat niya. Para bang may kung anong nag-udyok sa akin para lumingon ulit sa direksyon niya nang buksan ko ang pinto. He flashed a weak smile on his face, at sapat na iyon para hugutan ako ng hininga.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naisandal ko agad ang likuran ko sa nakasarang pinto saka napapikit nang madiin. Napakapa ako sa dibdib ko. What the hell? Itong puso ko kung makakabog. Excuse me self? Hindi ito ang tamang oras para kumerengkeng ka dyan. Tumigil ka.