03

3483 Words
Her POV "Ayoko ng maulit pa 'to ha. Naku, Buena." Ramdam ko ang gigil sa tono ng boses ng boss namin nang makabalik ako sa opisina. Nakarating na kasi sa kaniya 'yung nangyari kanina sa mga parcel na hindi ko nagawang ideliver. Ipinaliwanag ko naman sa kaniya ang totoong nangyari pero dahil sa tindi ng kulo ng dugo niya ay tinadtaran niya ako ng sermon. "Pot#ngina talaga!" Singhal niya pa nang iwan niya ako rito sa office. Napasinghap pa ako nang pabagsak niyang isara ng pinto sa office niya. I pursed my lips then contemplated my actions. I should have informed Emman as soon as possible para sana may sumalo sa trabaho ko. Bumalik ako ng bahay ni Doc Serrano at nakitang nakaiwan pa roon ang motor ko. Mukhang wala namang gumalaw sa mga parcels. Thank goodness. Para namang may nanakaw din dito e halos lahat ng tao rito ay mayayaman. Sobra 'yung kaba ko nang pabalik ako sa opisina dahil alam kong sermon ang abot ko lalo na't strikto itong boss namin. Laking pasalamat ko nga na iyon lang ang inabot ko. Buti hindi niya naisipan na patalsikin ako. Okay na sa akin na suspended ng isang araw. Buti nga isang araw lang e. I mean, ngayon lang naman nangyari 'to. Ang ganda kaya ng record ko as their delivery driver. Para namang araw araw ako makakaencounter na lalaking nahimatayan ng anak. "Ayos ka lang?" Tanong ni Emman nang makalapit sa akin. Hinaplos niya pa ang likuran ko to comfort me. I sighed heavily. "Yeah. I mean, pasok dito labas dito." Pabiro kong sagot at inakto pa na lumabas lamang sa tenga ko ang lahat ng sinabi ng boss namin. Pero sa totoo lang, nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya sa akin na kesyo na pabaya raw ako. Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit niya. Wala naman akong karapatan na sagutin siya na hindi ko nga sinasadya ang nangyari. Wala namang magbabago kung ipaglalaban ko ang rason ko. Mali ko pa rin naman. "By the way, 'yung about pala sa utang, Emman." Tanong ko ngunit mas lalong nalungkot ang mukha niya sa pagpapaalala ko. Doon palang ay alam ko ng may maisasama pa pala ang natanggap kong sermon. "Sorry, Khai, pero kahit sila Ana walang pera e. Promise sinubukan ko talaga silang pilitin." Mapait akong ngumiti saka pabirong sinuntok siya sa kaniyang braso. "Ano ka ba? Ayos lang. Ito naman. Hindi mo naman responsibilidad na tulungan ako. Magsisimula na siguro ako mag-empake mamaya." I laughed dryly. "Khai." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Emman. "Joke lang. Hayaan mo na. May mahihiraman pa naman ako. Ano ka ba. Sige na. Uuwi na rin ako after nitong report." Iniwan ko na siya at nagpunta sa desk ko para magfile ng report about sa nangyari kanina. Habang nagsusulat ay hindi maalis sa isip ko 'yung naging usapan namin ng Landlord tungkol sa bahay ko kahapon. "Sinasabi ko sa'yo, kapag wala ka pang nabigay na bayad sa akin bukas, pwes 'wag ka ng magtaka kung makita mong nasa labas na ang gamit mo." Nakailang buntong hininga na ata ako kakaisip sa pambayad ko. Sa inis ko ay sinambunutan at ginulo ko ang buhok ko. Pisting buhay naman ito oo. Gusto ko sanang punitin itong report para ilabas ang inis ko kaso pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko ng umuwi para maipaliwanag ko sa Landlord na kailangan ko pa ng ilang araw bago ko siya mabayaran. Kaso hindi na ata siya nakapagtimpi nang saktong pagdating ko ng bahay ay may malakas na katok mula sa pinto. Sa katok pa lang, may ideya na ako kung sino ang nasa likod niyon. Matapos kong organisahin sa isip ko 'yung dahilan ko sa kaniya, huminga muna ako nang malalim bago buksan ang pinto. Para bang nakakita ako ng galit na dinosaur nang buksan ko ang pinto. Sa mga picture naman, cute naman 'yung mga dinosaur, kaso iba ata lahi nitong nasa harapan ko. Halos magbangga ang kilay ni Ate Sharon habang nakatayo sa harap ko. "O ano, may pambayad ka na ba?" Mataray niyang tanong habang nakapameywang pa. "Ate Sharon..." "'Wag mo kong maate-ate dyan. Pambayad mo!" Halos tumalsik sa mukha ko 'yung laway niya dahil sa tindi ng kaniyang pagsigaw. Napapikit ako roon. "Pwede po bang bigyan niyo pa ako ng isang araw pa? Just one day. Please? I promise, bukas makakabayad na ako." Pinagdikit ko pa ang palad ko para magmakaawa sa kaniya. Kahit ubod ng sama ng ugali nito at kahit na gusto ko na siyang patulan dahil sa katarayan niya ay pinigilan ko ang sarili ko, ang kailangan ko ngayon ay awa niya. At ang patulan siya ay hindi makakatulong sa akin ngayon. "Pang-ilang beses ko na 'yang narinig sayo, Khaila. Nakailang pangako ka na sa akin. Hindi ako tanga ha. Kung wala kang pambayad, pwes magsimula ka ng mag-empake at umalis ka na sa bahay na 'to ngayon na. Kapag ikaw nakita pa kita dito bukas, asahan mong pulis na ang dadampot sa'yo." Madiin niyang saad at dinuro pa ako sa mukha. "Ate Sharon," pagmamakaawa ko ngunit hindi niya na ako pinakinggan pa nang magmartsa siya paalis. Ngunit lumingon pa siya sa akin at dinagdagan pa ang kamalasan ko. "Ibabalik ko lang sa'yo ang motor mo kapag nabayaran mo na ang kulang mo sa'kin." What should I do? Agresibo kong hinilamos ang mukha ko gamit ang aking mga kamay bago ko isara ang pinto. Napasandal na lamang ako sa pinto saka nagpadulas pababa sa sahig. Ito na nga ang pinakamalas na araw sa akin. Una, nagkaroon ako ng hindi magandang record sa opisina, pangalawa, wala na akong matutuluyan, at panghuli, kinuha pa ang natitirang pagmamay-ari ko, ang motor ko. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Niyakap ko ang tuhod ko saka isinubsob ang mukha ko roon. Saan ako matutulog nito? *** Dala dala ang bag ko ay hinayaan ko na lamang ang paa ko na dalhin ako sa kung saan. Sa madilim na kalsada, sa malamig na gabi, hindi ako sigurado kung kakayanin kong matulog sa ganito. Hawak ko ang phone ko habang pinagmamasdan ang contact number ng ate ko na si Vien. Should I call her? I slightly bit my lip then decided to shove my phone back to the pocket of my jeans. Baka nakakalimutan mo ata Khai na siya ang dahilan kung bakit ka nagsusumikap? She's the very last person na sasabihan ko sa nangyayari sa akin. I don't want her to know my situation right now. Gusto kong isipin niya na maayos ang kalagayan ko. Dahil sa oras na malaman niya ang katotohanan, masisira nito ang plano ko. Nakatitig ako sa bahay sa harapan ko. I don't really want to disturb him but I have no choice. Kahit alam kong matapang ako, babae pa rin ako. Hindi ko gustong matulog sa kalsada. Baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Sa mga oras na ito, kapal ng mukha ang kailangan ko. That's why I'm in front of his house. "Tao po!" Tawag ko. Hindi ko masyadong nilakasan, sakto lang para marinig ng tao sa loob, dahil gabi na at nakakahiya sa kapitbahay nila rito. Nakita kong bumukas ang gate at niluwa nito ang lalaking aampon sa akin ngayong gabi. "Emman," maiyak-iyak kong tawag sa kaniya. Awtomatiko akong yumakap sa kaniyang leeg. "Thank you." "Tingin mo ba talaga matitiis kita? Sige na pumasok ka na." Inalis ko na ang pagkakayakap sa kaniya at kinuha niya ang bag mula sa akin. "Tamang tama, nagluto si misis ng sinigang na baboy. Sumabay ka na sa amin." Hindi talaga ako nagsisi na siya ang tinakbuhan ko at hiningian ko ng tulong. Kahit na madalas kaming nagbabangayan nito, I know that he cares for me. He treated me like his younger sister. Ang swerte ko rin dahil ang bait talaga ng asawa niya. Siya ang umasikaso sa akin nang magpalipas ako ng gabi. Ramdam ko 'yung malasakit nila sa akin habang nakikitira ako sa bahay nila. Kaso hirap na hirap akong makahanap ng matitirhan dahil kulang ang pera ko kaya naman halos dalawang araw na akong nakikitira sa kanila. Wala naman daw problema sa kanila dahil wala naman silang anak at masaya naman daw ang asawa ni Emman na naroon ako sa bahay nila, kaso ako ang nahihiya. Ayokong maging palamunin sa buhay nila. Sapat na ang isang gabi, at sobra sobra na kung magtatagal pa ako. "Nakabalik na kaya sila sa bahay nila?" Tanong ko sa sarili ko habang nagmamaneho ako sa address ni Doc Serrano gamit ang motor na pinahiram muna ni Emman. Hindi niya kasi nakuha 'yung parcel niya noong hinatid ko ito. Noong nakabalik ako sa trabaho ay ako ulit ang naghatid sa parcel niya kaso pagdating ko naman ay wala pa ring tao. Hindi ko lang sure ngayon. Kapag wala pa rin siya sa bahay nila ay dadaanan na lang ako ng Vet Clinic kung saan siya nagtatrabaho, baka sakaling naroon siya. Pinindot ko ang doorbell saka naghintay. Sinadya kong panghuli itong parcel niya since hindi naman ako sure kung marereceive niya ba ito. Ang tagal pa rin kaya sinubukan ko ulit magdoorbell. Ngunit para akong aso na tumaas ang tenga nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa bahay nila. "Sandali!" Maya maya ay bumukas ang gate ng kanilang bahay at natulala ako nang makita siya sa harapan ko. He's back. When he recognized me, his face lit up then he smiled. "Hey. Ikaw pala."  F#ck. His voice. It was so different from before. Kung dati, unang beses kong narinig ang boses niya ay puno ito ng kalungkutan. Even his aura changes. Today, it felt like I was staring at a different man. Si Doc ba 'to? "H-hi." Pota? Bakit may pag-utal, Khai? Bumaba ang tingin niya sa parcel na bitbit ko. "Oh wait, iyan ba 'yung parcel na hindi nadeliver sa akin?" "Hmm." Anong hmm? Kaloka, hindi ko na alam nangyayari sa akin. "I see." Inilahad niya ang kaniyang kamay para abutin ang hawak ko. Wala sa sariling inabot ko naman iyon sa kaniya. Pinagmasdan niya pa ang info na nakadikit sa parcel bago ulit siya tumingin sa akin. Titig na titig siya sa akin. Feeling ko tuloy may kung anong dumi sa mukha ko kung makatingin siya ng ganyan. O baka nagagandahan 'to sa akin? Tsk. I confidently flipped my hair in my thought. It's okay. Normal lang na magkacrush sa katulad ko. Tinaasan niya ako ng kilay, animo'y may hinihintay pa sa akin. It felt like he wasn't admiring my beauty in the first place. Tinaasan ko rin siya ng kilay, nagtatanong. "B-bakit?" He pursed his lips. "Saan ako pipirma?" Oh shoot! "Ah! Oo tama." I laughed dryly. "Pirma, tama." Siraulo ka talaga, Khai. Kung ano ano pumapasok sa isip mo. Magfocus sa trabaho, okay. Focus! Kung ayaw mong mawalan ng pagkakakitaan. Kinuha ko 'yung clipboard na may papel saka inabot sa kaniya. Nahuli ko pa ang pagngisi niya. Tinatawanan siguro ako nito sa isip niya. Loko 'to ah. Wala ata 'tong utang na loob kung ganoon nga iniisip niya. Habang pumipirma siya ay mabilis kong pinagmasdan ang suot niya. May niluluto siguro siya. Nakasuot kasi siya ng light brown na apron. Ang cute pa kasi dog 'yung design. May paw print ganun. Veterinarian talaga siya ano. "Here." Binalik niya na sa akin 'yung clipboard. Matamis niya akong nginitian. Binaba ko agad ang tingin ko nang magtama ang mga mata namin. Kainis, ang gwapo. Bakit ang gwapo? "You're Khai, right?" He remembered my name. Ang akala ko nakalimutan na niya. "Oo." Sagot ko saka kumuha ng lakas para ibalik ulit ang tingin sa kaniya. "Doc William?" Ngumiti siya bago tumango. "Yeah. But you can just call me Will. Let's just drop the formality." "Okay... Will." Close na ba kami nito? Nickname niya na ang tawag ko sa kaniya. "Thank you pala ulit. Hinding hindi ko malilimutan ang kabaitan mo." "Walang anuman. Kumusta na pala siya?" Daming time, Khai, ah. Buti na lang talaga last parcel ko na 'yung kaniya kaya pwede pa ako chumika. "Well, kakabalik lang namin kaninang umaga. She's doing fine now. Bawal lang siya mabinat." Sagot niya. "You wanna see her?" "Huh?" "I'm asking if you wanna see my daughter. Nakwento kasi kita sa kaniya. And she told me that if ever na magkita raw tayo, I have to let her know, para raw makapag-thank you siya." Bahagyang kumunot ang noo ko. Ang cute naman ng anak niya. Ang mature pakinggan na anak niya mismo ang nagsabi na ito mismo ang gustong magthank you sa akin ng harapan. Sigurado ba siya sa edad ng anak niya? Napansin niya ata ang reaksyon ko kasi mahina siyang tumawa. "Yes, she acts mature for her age. Madalas, katulad mo mismo ang nagiging reaksyon nila kapag nakakasama nila anak ko." Hindi ako nakasagot kaya ngumiti lang ako. Lumipat sandali ang tingin niya sa motor ko na nakaparada. He concluded something from that gaze when he looked back at me. "May trabaho ka pa pala. Next time na lang siguro." He sounded disappointed. Nabawasan ang liwanag sa mga mata niya na siyang nagpaguilty sa akin. "Ikaw lang last delivery ko." Ani ko. Sumilay ulit ang ngiti sa labi niya nang marinig ang sagot ko. "Come in. Tamang tama, may niluto ako. Do you eat pancake by any chance?" Iginaya niya ako papasok sa loob ng bahay niya. Napahanga agad ako pagkapasok sa kanila. Mayaman nga talaga siya. Ang gara sa loob e. His house looked elegant. The simplicity of it added so much impact to its attractiveness. It also felt comforting to be inside. Tila ba pinaparamdam nito na parte ako ng bahay. Dinala niya ako sa dining area kung saan natagpuan ko 'yung anak niya na nakaupo sa upuan habang tahimik na nakain sa mesa. She was watching something on her tablet na nakapatong sa stand holder. Napangiti ako sa loob ko. Ang cute niya sa pwesto niya kasi mataas 'yung upuan tapos maliit siya. Edi 'yung paa niya, nakalambitin lang sa ere. She was happily swaying her feet while she watch and eat at the same time. I'm glad that she's now okay. "Hey. Diba sabi ko sa'yo no phone muna." Lumapit si Doc Serrano—I mean Will, sa anak niya saka hinalikan ito sa tuktok ng ulo nito. "Pano ka tuluyang gagaling niyan?" The little girl pouted her lips as she looked up at her dad, her feet stopping moving. "But I'm just trying to catch up with the series. Please? One last episode." She requested. Nakatitig pa sandali si Will sa anak niya bago siya ngumiti saka ginulo ang buhok nito. "Fine. One last episode at itatabi mo na 'yan. Do you understand?" "Yey. Opo." Tuwang tuwa na sambit ng anak niya. Ang cute kainis. "But before that, may ipapakilala muna ako sa'yo." Anunsiyo nito sa anak niya. Bumalik ang atensyon ni Will sa akin. "Khai, this is my daughter, Winter. And Winter," ibinaba niya ang tingin sa kaniyang anak. "Siya 'yung tinutukoy ko sa'yo. The person who helped us. Remember?" Winter pala pangalan niya. Her name perfectly suits her complexion. Ngayon na hindi na siya maputla, masasabi ko talaga na maputi siyang bata. Her beauty stands out the most to me. Ang artistahin ng mukha. When our eyes met, a sweet smile spread across her lips. Inalalayan agad siya ni Will nang bigla itong bumaba sa upuan. I was so surprised when she ran towards me, and I froze when she wrapped her arms around my hips. "Thank you for helping me." I melt. I don't even know what made me melt. Sa yakap niya ba o sa pagpapasalamat niya. Maybe both. I smiled when I looked down at her. She was looking back up at me. I bent down to match her level. Inulit niya ang pagyakap sa akin, this time sa leeg naman. I hugged her back. F#ck. Pati puso ko ata ay matutunaw sa init ng yakap niya. This kid already got a place in my heart, I swear. "You're welcome." I answered in a soft voice. Nakakabigla ang ginawa niya. Hindi ko talaga inexpect. Ngayon lang ako nakaencounter ng sweet na bata. Even my niece wasn't even like this. Umangat ang tingin ko kay Will, na nakatayo lang habang inaadmire kaming dalawa, habang nakayakap pa rin sa akin ang anak niya. "Thank you." He mouthed to me. Nang bumitaw si Winter sa pagyakap ay matamis ko siyang nginitian. "Do you like pancakes? Can she eat with us, Dad?" Lingon na tanong ni Winter sa kaniyang ama. "Yes, sweetie. She's going to eat with us. Right, Khai?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Yeah." Sagot ko saka tumayo. Nabigla ulit ako nang hawakan ni Winter ang kamay ko para hilain ako palapit sa dining table. Inusog niya ang upuan paatras sa mesa para makaupo ako. Such a gentlewoman. It was just a quick snack with them. Ramdam ko 'yung pagkawelcome sa bahay nila sa kung paano nila ako asikasuhin, lalo na itong si Winter. Siya na mismo ang naglagay ng chocolate spread sa pancake ko. Ang daldal niya rin. Kinuwento niya sa akin 'yung pinapanood niya kanina. Nalaman ko pa na pinakapaborito niya iyong show. 'Yung show ng tatlong bears. Nagtitimpi lang ako pero kanina ko pa gusto iuwi itong batang 'to. Kaso naalala ko, wala pala akong bahay. Natawa na lang ako sa sarili ko. Mas inalala ko pa tuloy 'yung titirahan niya kaysa sa maling ideya na kidnapin siya. Even Will enjoyed watching us habang nakaupo siya sa tapat namin. Kanina pa nakapinta sa mukha niya 'yung ngiti sa labi niya. 'Wag ka naman ngumiti ng ganyan, Doc! Habang nakikipagchikahan ako sa anak niya ay palihim ko rin na pinagmamasdan si Will. Para siyang magnet na siyang humihila sa akin para mapunta ang atensyon ko sa kaniya. He really had a strong charisma. I wondered how old he is. Kung may anak siyang eight years old, siguro mga nasa 30 plus? I'm not sure. Kung magbabase ako sa anak niya, iisipin ko na nasa ganoon na nga ang edad niya, but his face looked younger. His facial features screamed masculinity which made him attractive. It was like he was intentionally molded to become the epitome of perfection. The Greek God of perfection. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang shirt sa ilalim ng kaniyang apron. It made me wonder what's hiding behind the fabric of his shirt. He looked like he was really taking care of his body since pansin iyon sa muscle niya. May abs kaya siya? Six packs? Eight? I shrugged in my thoughts. Wala namang kaso sa akin kung wala. Halos sampalin ko ang sarili ko sa isip ko. Why am I thinking about that? For pete's sake, Khai, nasa harapan mo siya o! Magbehave ka nga, malandi ka. Isinantabi ko na lamang ang pag-iisip ng kung ano-ano at nakinig na lamang sa anak niya. Halos isang oras lang ako sa kanila at sinabi kong kailangan ko ng umalis dahil magrereport pa ako sa office after ng delivery ko. Nagpaalam na ako kay Winter. She looked sad when I said goodbye to her. She's so cuddly. What the hell? "Thanks for spending time with her." Pahayag ni Will nang ihatid niya ako sa gate sa labas ng bahay niya. "Thanks din sa pancake." Sagot ko na ikinangiti niya. "Tingin ko hindi sapat 'yung pancake for the things you did. How about a dinner?" "Huh?" Wait what? Dinner? Kulang ata sa linis itong tenga ko. "Dinner. You. Me. And my daughter." He enunciated each word slowly. Natulala ako sa kaniya, trying to absorb all the words came from his mouth. This was the second time we met, and he's already asking me out to dinner? I mean, may reason naman. Maybe this was just his way of thanking me. Teka nga! Bakit ba umiinit itong pisngi ko? Walang meaning 'yung dinner na iyon. Pasasalamat lang. Kung ano ano na kasi pumapasok sa isip ko na hindi kaaya-aya. At saka kasama naman anak niya. Wala naman sigurong masama. I gulped. "Pag-iisipan ko." He smiled and he almost took my breath when he stepped forward towards me. May kung ano akong naramdaman sa puson ko nang wala siyang pasabi na lumuhod sa harap ko. He knelt down on his one knee. Bumaba ang tingin ko sa kaniya habang inaasikaso niya ang pagtali sa sintas ng sapatos ko na natanggal pala. Pinagpag niya pa ang dumi roon bago tumayo ulit. Nakalimutan ko na ata huminga nang tumitig ulit siya sa akin. "I'll wait for your response." He replied in his deep voice. He smiled sweetly... and sexually. I don't know. It just felt weird that everything he does seem s****l to me. Is that normal? "See you soon, I guess." I gulped again. Kung kanina sinabi ko ay may kung anong nangyayari sa puson ko, ngayon ay lumipat na sa ibaba ko. Exactly right between my legs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD