Her POV
"Thank you pala kanina."
Naglalakad ako kasabay si William papunta sa kotse niyang nakaparada sa station. Bakas pa rin ang pag-aalala niya nang iwan na namin si Jackson. Mabuti na lang talaga ay dumating siya kung hindi baka magdinner akong kasama sila na may pasa sa mukha ko. O baka nga hindi na ako pumayag. Para naman kasing gugustuhin kong harapin sila na mukha akong ube. Ayoko rin silang ipahiya sa ibang tao. Mamaya isipin ng mga nakakakita na siya mismo ang umapi sa akin. Ni hindi nga namin masyado kilala ang isa't isa. Bakit naman ako sasaktan nito?
"Are you sure you're not hurt?"
"Yeah. Sakto pagdating mo. You saved my face for getting bruises." I joked ngunit hindi siya natawa. "Narinig mo ba pinag-usapan namin kanina?" Sana hindi.
He shook his head kaya nakahinga ako nang maluwag. "Nope." Huminga lamang siya nang malalim nang hawakan niya ang handle sa pinto ng kotse bago siya seryosong tumingin sa akin.
"If he bothers you again, don't hesitate to call me."
I saw from his eyes that he was dead serious. Bahagyang kumunot ang noo ko sa suggestion niya. Why? Just because he told Jackson that we have a thing? That I'm his girlfriend? I laughed dryly in my thought. Girlfriend daw. Kung tutuusin effective naman ang sinabi niyang iyon. Feeling ko hindi na ko guguluhin nitong si Jackson. Sana lang. Convincing naman ang pagkakasabi nito ni William.
Girlfriend. Tsk. I didn't know that this word I used to hate would save my life.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman naman. Buhay pa pala ang mga maginoo sa mundo. Akala ko extinct na sila e. Umupo na ako sa shotgun at sinilip ko ang backseat kung saan naroon si Winter, abala sa pinapanood niyang cartoons. Kumunot ang noo ko at sandaling sinilip ang pinanggalingan namin ni Will kanina. Kinabahan naman ako. Buti hindi tanaw dito 'yung eksena kanina. Mukhang busy din naman siya kakapanood kaya hindi niya siguro nakita. Buti naman.
Umangat ang tingin sa akin ni Winter. Isang matamis na ngiti agad ang sumilay sa labi niya. Ang cute niya talaga kainis.
"Hello, Ate Khai." Bati nito.
"Hello." Ganting bati ko. Nanood na ulit siya, hindi niya talaga mabitawan.
"Gusto mo pa bang magdinner? Or 'wag na? Baka kasi wala ka na sa mood." Pahayag ni Will nang makaupo na siya sa driver's seat.
"Ayos lang. Saan ba tayo kakain?"
Hindi ko na pwedeng ipagpaliban itong dinner. Baka kung ano pa ang mapanaginipan ko kung makikita ko pa siya. Kasi sa oras na makapagdinner na kami, it only means na tapos na ang connection naming dalawa. Ibig sabihin wala na kaming dahilan para magkita pa. This will be our closure.
Ay wow shut#ngina, Khaila. Kung makaclosure naman ako kala mo naman may namamagitan sa amin. He's just an acquaintance. I badly need to cut the ties between us dahil ayoko ng bangungutin pa.
Dinala kami ni William sa isang restaurant na tingin ko ay ngayon ko lang nakita. Nang makita ko 'yung banner na nakasabit sa labas ng resto ay nagets ko na kung bakit di pamilyar. Grand opening pala nila ngayon.
Pagbaba ko ay sumunod din si William at umikot sa may backseat. Siya na mismo ang nagbukas sa pinto para makababa si Winter. Inalalayan niya pa ito. Ang cute nilang mag-ama tignan. Mapapansin talaga na maalaga si Will sa anak niya sa kung paano niya ito tratuhin. Lalo na ngayon, nahanap na kami ng pwesto at nasa harapan ko sila, palihim na pinapanood habang nakaharang sa mukha ko 'yung menu. Magkasalo silang mag-ama na namimili ng oorderin sa menu. Si Winter ay may ituturo tapos itatanong sa papa niya kung masarap ba iyon. Tatango naman itong si Will. Close talaga sila ano.
"May napili ka na ba?" Nagising ako sa katotohanan nang biglang magtanong si Will sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko at bahagyang binaba ang menu na hawak para makita siya nang ayos.
"Huh? Ahh, di ko kasi alam kung ano pwede. Kung ano na lang siguro sa inyo." Pag-amin ko.
Malay ko ba sa mga pagkain sa menu nitong resto. Halatang mamahalin kasi parang kailangan ko pa ng accent kung babanggit ko 'yung name ng food. Sinigang na baboy lang naman alam ko mga ganun. Pasensya na, lumaki akong karinderya e. Hindi naman kasi ako napunta sa ganito. At saka hindi ko rin afford. Lahat ng pera ko ay napunta sa pag-aaral ko noong student days ko kaya wala akong budget para gumastos ng mamahalin na pagkain. Karinderya ni Aleng Pusing, sapat na. Mura pa.
"I see." Tinawag niya ang waiter kaya lumapit naman ito. Namangha pa ako habang pinapanood si Will na walang kahirap-hirap na banggitin 'yung order namin.
Ang attractive pakinggan ng accent niya. Makalaglag pant—panga! Panga! Makalaglag panga. Hindi panty. P#nyeta.
Jusko, Khai. Ito na nga sinasabi ko. Kaya dapat talaga lumayo-layo na ako rito. Nagiging malaswa ang utak ko dahil sa kaniya.
Muntikan pa akong maglaway kay William—este sa inorder niyang pagkain dahil sobrang elegant ng plating nito. Nang subukan kong tikman ay halos lumutang ako sa kinauupuan ko sa sobrang sarap. Napapikit pa ako at dinama sa loob ng bibig ko 'yung lasa ng pagkain habang nginunguya ito. May narinig akong mahinang pagtawa kaya napamulat ako at sinilip si Will na nakangiti habang tinutulungan si Winter na hiwain 'yung karne. Siya ba 'yung tumawa? Ano naman tinatawanan nito?
"Masarap ba?" Tanong niya nang tumingin siya sa akin.
Nilunok ko ang pagkain. "Yeah, masarap."
He smiled. 'Wag kang ngumiti parang awa mo na! Baka isang linggo kitang mapanaginipan dyan.
"Good to know. My friend invited me to visit the grand opening of his resto. He's the chef in here." Paliwanag niya.
"Aah." Kaibigan niya pala may-ari nito. Ang expensive siguro ng tropa nito ano. Kasi siya Veterinarian, tapos 'yung kaibigan niya may-ari ng resto tapos chef pa. Yayamanin e.
Wala namang nangyaring kwentuhan sa amin dahil busy si Will sa pag-asikaso sa anak niya. Nakakatuwa na makitang maalaga siya sa anak niya. He treated her like a princess. Hindi sila nakakasawang panoorin. Pinigilan ko pa ang ngiti ko nang makitang kumuha si Will ng tissue para ipunas nang marahan sa bibig ni Winter para matanggal 'yung kumalat na sauce. Punasan mo nga rin ako!
Malala ka na talaga, Khaila!
Pinauna na muna kami ni Will sa kotse niya kasi pinatawag pa siya ng kaibigan niya na Chef. Habang naghihintay ay nilingon ko si Winter na nanonood na naman.
"Nabusog ka?" Tanong ko sa kaniya.
She looked at me then smiled with a nod. "Opo. Ikaw?"
"Hmm. Ang dami ko ngang nakain e. Magkakabilbil na ata ako nito." Hinimas ko pa ang tyan ko na ikinatawa niya. "Tingin mo sexy ako?"
Sabi nga nila, children are more honest than adults. And I need validation about sa katawan ko. Nag-eexercise naman kasi ako pero nitong mga nakaraang araw na hindi na since wala nga akong maayos na tirahan.
Hindi nagdalawang isip si Winter sa sagot niya nang tumango siya. "Yes, you are."
I blushed. Grabe naman 'tong bata na 'to. Hindi naman ako sexy e. Char! I need that. Feeling ko tumaas ang level of confidence ko.
"Cute mo," komento ko na siyang ikinangiti niya.
Bumalik na si Will sa kotse kaya umayos na ako ng upo. Balak niya akong ihatid sa bahay ko, I mean sa bahay ni Emman, since madilim na rin.
"Alis na tayo," pahayag niya saka pinaandar ang kotse. Sinabi ko naman sa kaniya ang address kaya ang GPS ang ginawa niyang guide para makarating kami.
It was just a silent drive. Ayoko rin naman dumaldal. Unang una, baka isipin niya iniistorbo ko ang pagdadrive niya. Malay ko ba kung mas gusto niyang magmaneho nang tahimik. Pangalawa, we're not that close para magchikahan kami. Like anong itatanong ko sa kaniya? Ano, mag-get to know each other kami? E ayoko na ngang mapalapit sa kaniya dahil kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. Tapos na ang pasasalamat niya kaya wala na kong balak pang kilalanin siya.
Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay bigla akong nakarinig ng tugtog. Pagsilip ko ay binuksan niya pala 'yung radio. Sakto pa na ang pinapatugtog doon ay paborito kong kanta. Hindi ko nga namalayan na sinasabayan ko pala 'yung kanta kung hindi pa siya nagtanong.
"You know how to sing?"
I glanced at him. Diretso ang tingin niya sa daan pero sumilip lang siya ulit para ipaalam na ako ang tinatanong niya. Malamang, Khai. Ako lang naman ang sakay sa kotse na ito. Tulog naman ang anak niya sa likod.
"Hindi naman. Madalas wala sa tono. But I know how to dance. Mala adonis ganun." Para pa akong timang na inakto pa 'yung pagsayaw na malaAdonis. Natawa lang siya sa akin. Nagbehave na ulit ako dahil sa hiya. "Thanks pala sa dinner. Nabusog ako roon. Kahit papaano nakatikim ako ng mamahalin na pagkain."
"You're welcome. I'm glad to hear that."
Nang tignan ko ulit siya, may naalala akong dapat na itanong sa kaniya. "Hindi ba magagalit asawa mo kapag nalaman niya na may hinatid kang babae? Sinama mo pa sa dinner."
Iniisip ko tuloy kung nasaan ang asawa niya at hinayaan lamang siya na ayain ako sa dinner. Okay ba siya sa ganoon? Bakit hindi siya sumama? I mean, wala namang malisya ang dinner. Ako lang talaga itong kung ano ano ang iniisip. Isa pa, napansin ko rin na wala ang asawa niya noong unang pagkikita namin. I mean, anak nila 'yung nanganib. Bakit parang wala siya roon? Then a sudden realization finally hit me.
Mukhang hindi niya inasahan ang sinabi ko dahil naging seryoso ang mukha niya. Hanggang sa payak siyang ngumiti. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko ngunit nagsalita na siya.
"Malawak ang pag-unawa nun." May kung anong pait sa ngiti niya. Bumagsak ang balikat ko nang malaman na mali pala ang naisip ko. Ang akala ko wala siyang asawa o di kaya hiwalay sila.
Bakit ba parang disappointed ako? Ano naman kung mayroon siyang asawa aber? Iniling ko ang ulo ko para alisin ang kahibangan sa isip ko.
Nakarating kami ng ligtas sa bahay ni Emman. Nagulat pa ako nang unahan ako ni Will at siya na mismo ang nagbukas sa pinto sa gilid ko pagkababa niya.
"Thanks," sambit ko.
Pinagmasdan niya pa saglit ang bahay. "So, dito ka pala nakatira."
"Oo."
"I see." Isinuksok niya sa magkabilang bulsa ng kaniyang jeans ang kamay niya nang tumingin ulit siya sa akin. "I wonder if we're going to meet again."
We better not.
Huminga ako nang malalim. "Ingat kayo sa byahe niyo." Nakabukas ang bintana sa may backseat kung saan nakasilip si Winter na kakagising lang. Kumaway siya sa akin, bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Babye." Kinawayan ko siya pabalik.
Ngumuso siya. "Bye bye."
Mapait akong ngumiti saka binalik ang atensyon ko kay Will. He was just staring at me.
He bit his lower lip, as if he wanted to say something. Hanggang sa mapagdesisyunan niyang magsalita na. "Ayos lang ba kung magkita tayo u—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang saktong bumukas ang gate ng bahay at niluwa noon si Emman na may dalang sako ng basura.
"Uy, Khaila. Nandito ka na pala. Kumain ka na ba?" Tanong ni Emman. Lumipat ang tingin niya kay Will. Siningkitan niya pa ito ng mata na animo'y nanghahamon ng away. Tinignan pa mula ulo hanggang paa. "Sino 'tong kasama mo?"
"Aah, Emman, this is Will. Siya 'yung kinuwento ko sa'yo rati, 'yung tinulungan ko. And Will," I glanced at Will. "This is Emman."
"Emman nga pala." Inilahad ni Emman ang kaniyang kamay. Saglit pa iyong tinitigan ni Will bago siya makipagkamay dito. I saw how Emman gripped Will's hand tightly. "Nice to meet you... pare."
"Nice to meet you rin." William replied as he clenched his teeth. Siya na ang unang bumitaw sa hawak ni Emman.
"Pumasok ka na doon sa loob, Khai." Seryosong utos ni Emman.
Hindi na ako nakapagpaalam pa nang maayos kay Will nang itulak ako ni Emman sa likuran papasok sa gate. Nahuli ko pa siyang sinamaan ng tingin si Will bago niya isara ang pinto. Bago maisara ang pinto ay natanaw ko pa ang mga mata ni Will na puno ng tanong.
"Ikaw ha. Uuwi ka ng gabi tapos lalaki pa kasama mo. Paano kung napaano ka?" Sermon ni Emman nang makapasok kami sa loob. "At saka, bakit may paghatid 'yun dito ha?"
"Niyaya niya nga ako sa dinner bilang pasasalamat nga. 'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano dyan." Umupo ako sa mesa saka nangalumbaba. "Isa pa, ito na ang huli naming pagkikita." Bakas ang lungkot sa boses ko at saka malalim na bumuntong hininga.
Tama na rin ito para matigil na ang pagnanasa ko sa kaniya.
***
Isang linggo na ang lumipas ngunit hirap pa rin akong makahanap ng bago kong matitirhan. Sobrang hirap kumita lalo na't hindi naman kalakihan ang sweldo na nakukuha ko bilang delivery driver. Hiyang hiya na ako kanila Emman.
"May nakita ka bang murang tirahan?" Tanong ko kay Emman habang nilalagay ko sa box 'yung mga idedeliver ko. Tinutulungan niya rin ako sa paglalagay.
"Wala rin e."
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka ngumuso kay Emman. "Sorry talaga, Emman, ha. Sinusubukan ko naman e. Kaso ang mamahal ng paupahan. Kulang pa pera ko."
Tinapik niya ako sa balikat ko. "Ayos lang. Pasensya na rin, wala akong mapahiram sa'yo. 'Wag ka mag-alala. Sa bahay ka muna habang naghahanap ka pa. Makatulong man lang ako sa'yo kahit papaano."
"Dami niyo ng natulong na mag-asawa sa'kin. Hiyang hiya na ako."
"Sus. Ano ka ba? Para ka na naming pamilya."
Nginitian ko lamang siya. Kahit papaano, I'm still blessed that I have them with me. Sinuot ko na ang helmet ko saka sumakay sa motor. Nagsimula na akong magdeliver ng parcels. Habang nagtatrabaho ay pumasok sa isip ko si Will.
To be honest, hindi pa rin siya mawala sa isip ko, lalo na sa panaginip ko. Iyong paghatid niya sa bahay ang huli naming pagkikita. We still had s*x in my dream again. Nakarating na nga kami sa iba't ibang parte ng bahay habang gumagawa kami ng milagro e. Ewan ko ba. If I'm going to describe him, para siyang pabango na nanunuot sa isip ko kahit isang linggo na ang lumipas. Gusto ko siyang kalimutan kaso iba talaga 'yung alindog niya. He's just too attractive. Mahirap man aminin, but I am sexually attracted to him.
Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko napansin na may tumawid na aso sa kalsada. I hit the brake as fast as I can, at mabilis kong iniliko ang manubela para maiwasan siya. Nawalan ako ng balanse dahilan kaya tumagilid ang motor na sinasakyan ko at bumagsak ito sa semento kasabay ko. Ramdam ko ang malakas na pagtama ng katawan ko sa semento kaya napadaing ako.
Mabuti na lamang ay may suot akong helmet kaya kahit papaano ay hindi malala ang pagbagsak ko. Pagtingin ko sa aso ay nakita kong nakahiga na ito. Binalot ng kaba ang puso ko nang mapansin na hindi na ito gumagalaw kaya kahit masakit ang katawan ay pinilit kong bumangon. Maingat ko siyang binuhat. F#ck. Please, don't die. Namilipit ako sa sakit nang maglakad ako palapit sa motor ko. Itinayo ko muna ang motor bago siya ilagay sa box at iniwan na lamang na nakabukas. Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa panic ngunit pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kung uunahan ako ng takot ay mas lalong hindi ako makakapag-isip ng tama.
Walang tao sa labas kaya wala akong mahingan ng tulong. I need someone who can help me. Ayoko mang pumunta roon pero buhay ng aso ang nakasalalay. Mabuti na lang ay nagana pa ang motor kaya naman pinatakbo ko ito patungo sa pinakamalapit na Clinic.
Autumn&Hanz Pet Care
Mabilis akong tumakbo sa loob, buhat buhat ang aso na humihinga pa naman ngunit hinang hina na ito. Di ko na hinubad ang helmet ko nang lumapit ako sa babae.
"Excuse me, pwede bang tulungan niyo ako?" Pumiyok pa ako.
Nang makita ng nurse ang hawak kong aso ay umaksyon agad siya. Kinuha niya iyon sa akin. Sumigaw pa siya ng 'Doc' nang dalhin niya ang aso sa loob ng kwarto. May isang babae na lumapit sa akin. Tinatanong niya ako ngunit wala akong maintindihan. Tila ba umiikot ang paligid ko. Nanlalabo ang paningin ko habang nakatingin sa kaniya. Panay lamang ang buka ng bibig niya ngunit wala akong naririnig. Hanggang sa magdilim na ang paningin ko.
Nagising na lamang ako nang may maramdaman na malambot sa likuran ko. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman itong kumirot. Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, kumunot ang noo ko. Hindi ito pamilyar sa akin. Masakit ang katawan na bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Sakto naman na bumukas ang pinto at niluwa nun ang taong ayaw ko ng makita pa.
Oo nga pala. Narito ako ngayon sa Clinic niya. Ang weird. Hindi naman ako hayop pero narito ako at nakahimlay sa kama ng Vet Clinic. Nang mapansin ni Will na gising na ako ay payak niya akong nginitian bago siya lumapit sa akin. Kumuha siya ng bakanteng silya at inusog ito sa tapat ko at doon siya umupo.
"Kumusta pakiramdam mo?" Pag-aalala niyang tanong.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Masakit pa rin ang katawan ko pero nagsinungaling ako. "Ayos naman. 'Yung aso pala? Kumusta na?"
"Wala naman siyang serious injury na natamo, maga lang ang paa niya, but she'll be fine so you don't have to worry. She's a brave dog." Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya nagtaka ako na may kasamang kunot sa noo. "Your arm please." Dugtong niya.
I extended my arm and he gently held my wrist to examine my arm. When I looked at it, doon ko lang napansin na may bandage iyon. Nilinisan nila siguro kanina ang sugat ko habang tulog ako. Habang sinusuri niya ang sugat ko ay palihim ko siyang pinagmasdan. Ito ang unang beses na nakita ko siya na nakasuot ng white coat. Nagmukha nga talaga siyang beterinaryo.
"Make sure na araw-araw mong linisan ang sugat mo para makaiwas sa infection at para mabilis din gumaling." Binitawan niya ang palapulsuhan ko at inangat ang tingin sa akin. "How about your head? May masakit ba?"
"Hindi naman. Nakahelmet din naman ako kanina."
"Are you sure?" Tumango ako bilang sagot. "I would still recommend na pumunta ka ng hospital para makasiguro na rin. First aid lang ang ginawa ko sa'yo. Mas safe pa rin kung macheck up ka."
"Ayos lang nga ako—" Nang bigla akong tumayo ay parang nanlambot ang tuhod ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Mabilis na tumayo rin si Will para alalayan ako. Napahawak ako sa balikat niya habang nakahawak naman siya sa braso ko.
"'Wag ka munang magkilos dyan. You still need to rest."
"Kaya ko ang sarili ko. Kailangan ko na rin bumalik ng office."
Baka nga wala akong mabalikan na office kapag nalaman na nagkaaberya na naman sa mga parcel na idedeliver ko. May kumatok sa pinto at bumukas iyon. Napatayo ako nang tuwid at inalis ang pagkakahawak kay Will. Sumilip ang babae na namumukhaan ko na nagtatrabaho rito. Nakasuot kasi siya ng blue scrubs.
"Ah, Doc. May natawag po." Hawak hawak nito ang phone na pamilyar sa akin.
"Sino?" Tanong ni Will.
"Hindi ko po alam. Sa kanya po natawag. Sa inyo 'to diba?" Tanong sa akin ng babae.
I nodded and took the phone from her. Napalunok ako nang makita na pangalan ni Emman ang nasa screen. Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago ako magpaalam kay Will na sasagutin ko 'yung tawag. Hinayaan niya naman ako na lumabas ng kwarto at maglakad palabas ng Clinic. Madilim na ang paligid na kanina ay maliwanag pa bago ako mahimatay.
"Hello—"
"Hello, Khai. Asan ka na b—" Naputol ang sinasabi ni Emman hanggang sa makarinig ako ng sigaw sa background. "Si Khaila ba 'yan?! Akin na!" Sunod kong narinig ay ang malakas at galit na boses ng boss namin. Niratratan na agad ako sa kabilang linya. Nilayo ko nang bahagya ang phone ko mula sa tenga ko dahil sa lakas ng sermon nito na halos ikabasag ng eardrums ko. "Sinasabi ko sa'yo diba, ayoko ng maulit pa 'to. Pero anong ginawa mo? Huwag mo ng asahan pa na may babalikan kang trabaho ha dahil tanggal ka na! Narinig mo? Tanggal ka na!"
Halos ikahimatay ko ulit nang marinig ko ang huling sinabi niya. Sandali pang tumahimik hanggang sa boses na ni Emman ang narinig ko. Ngunit wala na akong maintindihan sa sinasabi niya. He sounded like he was comforting me or something. I don't know. Lutang lamang ang isip ko.
Gusto kong maiyak ngunit wala namang luha ang lumabas sa mga mata ko. Walang lakas na napaupo na lamang ako sa semento saka niyakap ang tuhod ko. Hindi ko na alintana ang lamig at kirot sa katawan ko habang yakap yakap ko ang sarili ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm so lost.
Maya maya ay naramdaman kong may bumalot na tela sa may likuran ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Will na isinuot ang white coat niya sa akin na siyang nagpabawas ng lamig. He smiled weakly before he sat down beside me, ginaya ang pwesto ko, niyakap din niya ang tuhod niya.
"Is there something wrong?" Maingat niyang tanong.
Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod ko. "Feeling ko ako na ata ang pinakamalas na tao sa mundo."
"What do you mean?"
Bumuntong hininga ako. "I got kicked out of my house. Kinuha ang sarili kong motor sa'kin tapos may utang pa ako. Ngayon naman nawalan ako ng trabaho. May idadagdag pa ba 'tong kamalasan na 'to?" Sarkastiko akong tumawa.
Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kaniya ito. But I just needed someone na mapagsasabihan ko ng sama ng loob at siya lamang ang narito kaya hindi ko na napigilan.
"You got kicked out? You mean, pinaalis ka sa bahay nung Emman ba 'yun? Why?" Takang tanong niya.
"Hindi. I mean, sa una kong tinitirhan. Pinalayas ako kasi hindi ako makabayad ng upa." Paliwanag ko.
"Wait... so you mean, hindi ka talaga nakatira kay Emman? I thought he's your—" Nakataas ang dalawang kilay ko sa kaniya, hinihintay na ituloy ang sasabihin niya. "So sino si Emman?"
"Katrabaho ko. Pinatira nila ako sa bahay nila ng asawa niya." Kwento ko.
"Oh, I see. Ganon pala." Mukha siyang naliwanagan at nabunutan ng tinik sa paliwanag ako. Ano ba iniisip nito? "Akala ko boyfriend mo." Bulong niya pero masyadong mahina kaya hindi ko narinig. Hindi na rin ako nag-abalang ipaulit sa kaniya.
Tahimik na ulit. Nakatingin lamang ako sa harap ko, specifically sa dahon na tinatangay ng hangin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. 'Yung trabaho na lang na'yon ang pinagkukuhanan ko ng pera, nawala pa."
"How about I lend you some money?" He offered which made me look back at him.
"Sira. Problema ko, problema ko. Don't involve yourself with my own problems. "
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya magsalita ulit. "So you need a new job?"
"Hmm."
"If you really need a job, why don't you work for me instead?"
Nagsalubong ang kilay ko nang tignan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Work for you?" Sinilip ko ang Clinic niya. "Tingin ko hindi mo naman need ng bagong assistant. At saka, wala akong alam sa panggagamot."
I heard his soft chuckle. "I'm not talking about my Clinic."
"E saan pala?"
Malalim niya akong tinitigan sa aking mga mata nang sabihin niyang, "Be my daughter's nanny."