Enver immediately went and talk to the owner of the target land where they want to build the next branch of Raiden. Siniguro niya na ibebenta iyon sa kanya at nang pumayag ay agad na silang gumawa ng kontrata. Matapos noon ay nagkapirmahan na at nagbayaran. Siya na din ang umasikaso ng paglilipat ng titulo sa pangalan ko, maging ang mga taxes papers nito. At nang masigurong nasa akin na nakapangalan ang lupa ay doon naman nila inasikaso ang pagpapatayo ng bagong branch. Si Mikea na ang pinatrabaho niya doon dahil abala naman siya sa ibang kailangang pirmahan sa opisina niya. “You really rush this, huh,” naiiling kong sabi habang nakatitig sa titulo ng lupa na binili niya. Akala ko ay aabutin pa ito ng apat hanggang anim na buwan ngunit magta-tatlong buwan pa lang mula nang ipa-transfer

