We hired a lot of new sales associates and that helped us with the overwhelming amount of customers in the shops. At dahil doon ay bahagya kaming nakahinga sa dami ng trabaho na kinaharap namin nitong mga nakaraan. At bilang pambawi sa ilang buwan na halos required ang overtime sa lahat ng empleyado ay nag-schedule kami ni Enver ng isang buong araw na company outing. Biglaan lang naman iyon kaya hindi na kami masyadong lumayo pa. Sa isang beach na hindi kalayuan sa city ang pinili naming location. At agad ko din naman naasikaso ang sasakyan namin, maging ang cottage na gagamitin namin pagdating doon. And of course, we let the employee bring their family. Para naman kahit paano ay mabawi iyong mga araw na hindi nila makasama ang pamilya dahil kailangan nilang mag-stay ng mas matagal sa t

