Iniwan muna namin si Millie kina Ferry at nagtungo kami sa restaurant na nasa side ng hotel. Hindi ito masyadong pinupuntahan ng tao kaya naman dito ko na niyaya si Amethyst kanina. At pagdating doon ay agad namin siyang nakita sa pinakasulok. Ngumiti siya nang makita kami kaya agad na kaming lumapit doon. “Sorry for making you go all the way here because of me.” “It’s okay,” sabi ko at naupo na kami ni Enver. “You don’t have any friends, right? Maliban sa mga magulang ng asawa mo, si Enver lang ang naniwala na wala kang kinalaman sa pagkawala ng asawa mo.” Natigilan siya. “P-paano mo nalaman?” Nag-iwas ako ng tingin at nangalumbaba. “I just know it,” I said. “Anyway, you can catch up. I won’t intervene and you don’t have to mind me. You can pretend that I am not here.” “Mi…” Bumali

