ISANG malakas na sampal ang iginawad ni Eve kay Hefner. Nakapaloob sa sampal na iyon ang galit at inis para sa binata. “Really? Iyan ang welcome greeting mo sa kasintahan mo? So romantic.” He said with full of sarcasm. Napakunot-noo siya. “Ano’ng kailangan mo?” “Ang anak ko, Eva–” “Huwag mo akong tawaging Eva.” She gritted her teeth. “At hindi kita nobyo.” Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay kanina pa siya namatay sa titig ni Hefner sa kanya. Humalukipkip si Eve at inis na nag-iwas ng tingin. Pero alam niya na nakita ni Hefner ang hinanakit sa mga mata niya. “I’m sorry for making you believe that I could save you, Eve. Sorry. Nabigo kita. In the end, I only made everything worse.” She tried all her might to hold back a tear. Nagtagumpay siya. She can’t afford to show how weak sh

