Panimula

198 Words
Nagsimulang tignan ang madilim na panginorin Paisa-isang bumagsak ang mga luha Sinasabayan ang pagtangis ng kalangitan. “Maghihintay pa rin ako,” wika mo.   Damang-dama ang sakit Sa bawat pagpintig ng puso, Ngalan mo ang isinisigaw nito. “Paano na tayo?” tanong mo.   Kung minsa’y nais ko ng sumuko. Nais kong bumitiw, nais kong tumigil. Pero sa bawat paglipas ng panahon, Ikaw at ikaw pa rin ang kakailanganin ko.   “Itigil na kaya natin ‘to?” buong pagsukong ani ko. Nagitla ka’t nawala ang ‘yong ngiti. Isang salita ang namutawi, “Bakit?”   Natigil din ako sa pagtatanong mo, ayokong sumagot Este, wala akong maisagot. Bakit nga ba kailangang itigil ang bagay na nagpapasaya sa ‘yo? Bakit nga ba kailangang magwakas ang mga bagay na nais mong tumagal? Bakit?   Napasinghap na lang ako nang hawakan mo ang mga kamay ko. Mahigpit. Puno ng pagmamahal. Para bagang sinasabing, “Walang bibitiw.” Unti-unti akong nilalamon ng takot. Ng pag-aalinlagan. Pumatak ang isang luha mula sa kaliwang mata ko.   Napabuntonghininga ako, napapikit. Napaisip nang malalim. Tama ba ito? “Tama bang mayroong tayo?” untag ko. Napatingin ka ng kakaiba at ang sagot mo’y “Oo.”   “Mahal kita, mahal mo ako. Anong mali rito?” pahayag mo. Wala na naman akong maisagot sa ‘yo. Dahil maski ako’y sang-ayon sa pananaw mo. “Mahal kita.”   Naghalo ang init at lamig. Nagtalo ang dilim at liwanag. Kumabog ang dibdib ko, halos pigil-hininga ako nang magdikit ang ating mga labi Mainit. Matamis. Mapagmahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD