1

3806 Words
Naniniwala ka bang makakahanap ka ng tinatawag nilang second half? ‘Yong taong halos kabiyak mo na sa lahat ng aspeto. ‘Yong masasabing ka-perfect match mo. Sounds cliché, pero ‘yan na siguro ang matatawag ko sa kanya. Ang aking kabiyak. ***             “So, kailan naman ang next update, sir este miss este sir-miss author?” pang-aalaska sa akin ng kaibigan kong si Lily. Pinukulan ko siya ng tingin.             “Letse ka kamo Lily, inaaway mo na naman si Patring,” gatong na biro pa ni Lyndon.             “Letse kamo talaga kayong dalawa! Minsan talaga iniisip ko na lang kung paano ko kayo naging mga kaibigan, e!” makahabag damdaming litanya ko sa kanila. Aba’t tumawa lamang silang dalawa.             “Tigil-tigilan niyo `ko, a! Na-i-stress ako!”             “At bakit? Saang lupalop mo naman nahagip ang stress na ‘yan?” untag ni Lyndon. Si Lyndon ang masasabi kong childhood friend ko. Kasi naman, mula no’ng mga bata pa kami, daig pa namin ang mga na-i-arrange marriage dahil halos planado ng magiging magkaibigan kami paglaki. Matalik din kasing magkaibigan ang mga nanay namin.             “D’yan lang sa tabi-tabi, pakialam mo ba?” pambabara ko sa kanya.             Totoo nga yata ang sabi-sabing kapag mga tunay mong kaibigan, imbes na pakalmahin at bigyan ka ng mga nakakatuwang payo ay kabaligtaran ang mga gagawin. Nariyan ang aalaskahin ka, aasarin nang bongga at higit sa lahat, papayuhan kang magtigil at sumuko na. Ang lakas maka-motivate, `di ba?             “Bakit ka ba kasi stress?” singit na tanong ni Lily. Kung naghahanap kayo ng matatawag na campus crush, itatak niyo sa mga kukote ninyo ang pangalang Lily Perez. Kasi naman, once na marinig ko ang salitang perfect siya na agad ang bubungad sa isip ko. Matalino na, maganda pa. Bonus na rin ang kabaitan niyan, kapag tulog.             “Feeling ko kasi babagsak ako this sem, e. Super hirap kasi ng exams. Kapal pa ng mukha ng prof nating magpa-test, akala mo makatotohanan ang pagtuturo. Daig pa ang demo teaching sa sinasabi niyang, ‘discussion’!” iritang sambit ko na hanggang sa ngayon ay nakatatak pa rin sa akin ang halos lahat ng mga tanong niyang hindi ko alam kung saang mundo niya nakuha. Mga tanong na kahit pa yata sa lesson plan niya ay wala!             “Sus, feeling mo lang ‘yan. Parang si Crush, feeling mo papansinin ka pero hindi pala.”  Nakalimutan ko bang sabihing masyadong hugotero ‘tong si Lyndon? Tipong lahat na yata ng bagay at pangyayari ay nabigyan na niya ng mga hugot. Puro naka-konekta lahat sa pag-ibig, e!             “Iyan ba ang epekto ng walang love life? Ang palagiang paghugot? O, please Lyndon…” hindi ko na natapos ang pahayag ko nang bigla niya akong singitan.             “Bro, alam kong ano ka pero hanggang friends lang talaga,” tugon niyang nagpa-isip sa akin nang malalim. Anong connect?             “Ha? Pinagsasabi mo?”             “Sabi mo kasi, ‘O, please Lyndon…’ bro tunay na ina ang kailangan kong lahian. Sorry talaga.”             “Ay, gago! Hayop ‘to! Iba na `yang nasa isip mo! Maglinis ka nga ng kukote. Masyado ng kulay berde. Puno na ng lumot.”             Ganito kami, puro asaran at bangayan. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, pawang ganito kami lagi. Happy-happy lang. Mga galawan ng mga tipikal na teenagers. Ngunit, bukod sa mga kaibigan, sila ay pamilya ko na rin kung ituring.             “Pero bes, kailan ba talaga ang next update?” balik-tanong ni Lily.             “Ang demanding mong reader, a!” sagot ko naman.             Ang tagal ko na rin kasing nagsusulat sa isang site, ‘yong Creative Corner; lungga ng mga gaya kong nais laging tumakas sa masalimuot na reyalidad. Kahit pansamantala lang. Lungga rin ito ng mga gaya kong manunulat na nagsusulat ng kani-kanilang pantasya sa buhay kasi alam nilang hanggang pantasya na lang ang lahat.             “Kasi naman, e! Ang pabitin mo much!”             “Kapag nagkaroon ulit ako ng inspirasyon,” sagot ko na lang sa kanya bago umayos ng pagkakaupo.             “Heto na naman siya,” bulong ni Lyndon sa kanan ko. Napatingin ako sa kaliwa ko, kung nasaan ang bintana ng classroom, nakita kong parating na si prof. Another round of reporting na naman. Si Lily, na nasa kaliwa ko, abala na magbasa ng i-di-discuss namin. Nakapa-diligent talaga nito, ever.             “Good morning, class!” magiliw na bati niya sa amin. Halos sabay-sabay kaming nagsitayuan upang batiin siya pabalik. Mababakas sa amin ang boredom, no’ng moment na umapak na siya sa sahig ng classroom namin.             “Bago ang lahat, nais kong ipakilala sa inyo ang new student para sa section na ito, halika, pumasok ka na hijo.”             Isang tisoy na lalaki ang iniluwa ng pinto. Matangkad siya at kakikitaang sporty dahil sa hubog ng kanyang katawan.             “Hi, I’m Peter Sandoval. Nice to meet you.” Tipid at malamig na sambit niya. Sayang ang cute niya na sana kaso major turn off naman ang parang dark and mysterious niyang ugali. Sus, if I know, galawang pa-cool ang ganyan. Don’t me po kuya!             “Thank you, Mr. Sandoval. You may take your seat at that vacant chair, at the back of Mr. Sanchez.” Tumango siya at nagpunta sa likod. Habang naglakakad, nakakarinig na ako ng mga malalanding tawa at halinghing ng mga malalantod kong kaklase. Mga tagasamba ng blush on, concealer at foundation.             “Ang laki ng coincidence, pareho kayo ng initials. P.S. Uy, sparks na this,” pabulong na biro sa akin ni Lyndon nang tuluyan ng makaupo si Peter.             “Kung wala kang matinong ibubulong, magtigil ka,” mariing sabi ko at napatanaw kay Peter na nasa likod ko na abalang inaayos ang bag niya.             “Huwag mong masyadong tignan, baka magselos ako,” bulong ulit ni Lyndon. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nag-peace sign na lang siya.             Natapos ang buong klase na halos buong klase namin ay mga nabangag. Ganito pala ang feeling at buhay ng mga Senior High School. Enjoyable kasi ang dami ng mga bagong kaalaman at saka ang daming mga realizations na nagaganap. Buong klase ring tahimik si Peter, kahit na ang daming nagsilipat na babae sa third row kung nasaan siya. ‘Yong iba pa nga kinakausap siya, pero wala. Dedma lang siya. Taong bato ba `to? Parang walang pakiramdam at emosyon, e. Napakablanko niya. Ang hirap tuloy niyang basahin at the same time, parang ang hirap ding pakisamahan. May epekto kaya sa kanya ang friendly skills ko?             “Calling the attention of Mr. Patrick Sanchez? Nasa Earth pa ba ang katawang lupa mo?” Agad akong nabalik sa reyalidad ng magtawag si Lily.             “Ha?” inosenteng sagot ko.             “Sabi sa `yo, e. Natulala siya. Ang gwapo ko kasi,” sabat naman ni Lyndon.             “Ano bang sinasabi niyo kasi?” tanong ko naman. This time, si Lily na ang sumagot.             “Pinatawag ka ng adviser natin sa Faculty Room. Anong krimen ang ginawa mo?” sambit niya.             “Krimen ka r’yan! Abno ka talaga. Sa tino kong `to, baka naman Lyndon napagkamalang ako `yong gumawa no’ng krimen!” pang-aasar ko kay Lyndon.             “Ang bully mo babe, halikan kita r’yan, e!” sinamaan ko siya ng tingin. Loko `to, tigil-tigilan niya ako sa mga ganyang paandar niya, a!             “Sa’n ba kayo mag-la-lunch? Sunod na lang ako,” sabi ko at saka dumiretso na sa Faculty Room.             “Text na lang kita, bye!” pamamaalam ni Lily. ***             Habang papunta ako sa Faculty Room, nakita kong nasa isang park bench si Peter. Nag-aayos ng gamit niya. Mukha talagang introvert ang taong `to. Nang makarating na ako sa Faculty Room, agad akong nagpunta sa table ng adviser namin.             “Have a seat, kapag dating ng hinihintay natin saka ko sasabihin ang dahilan kung bakit ka nandito,” sabi niya sabay kindat sa akin. Okay? Kabahan na ba ako?             Ilang minuto pa ang lumipas, nakita kong pumasok si Peter. Naka-headset siya at nakasakbit sa kaliwang balikat niyaang backpack niya. Heto na naman siya sa galawang pa-cool niya.             “Sir?” baritonong sambit niya saka umupo. Tinanggal niya rin ang headset niya saka inilagay sa loob ng bag niya. Bale, kaharap ko siya samantalang si Sir ay nasa kanan ko naman.             “So, kaya nandito si Mr. Sanchez dahil siya ang sinasabi kong maaaring maging study buddy mo.”             Study buddy? Ano raw?             “Sir?” sabi ko.             “Study buddy, kasi medyo late ng nag-transfer dito sa atin si Mr. Sandoval marami siyang topics na na-missed. Kaya bilang one of our classroom brains, ikaw na ang bahalang magturo sa kanya ng mga topics na `yon. Saka naniniwala naman akong kaya mo `yan, so ikaw na ang i-a-assign ko for Mr. Sandoval. Is it okay?”             Bago ako magbitiw ng itutugon ko, tinignan ko naman si Peter. Titig na titig siya sa akin na parang kapag humindi ako ay para na ring hindi na ako makakalabas ng buhay rito. Tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon. Ngumiti si Sir at nag-thumbs up pa. Naiilang naman akong ngumiti sa kanilang dalawa. Am I doomed?   Lily: Nandito kami sa KFC. Wait ka namin!               Palabas na ako habang nagtitipa ng isasagot ko kay Lily nang bigla akong tawagin ni Peter.             “Sanchez?” ma-awtoridad niyang sambit. Parang nanigas naman ang buo kong katawan nang marinig kong sambitin niya ang apelyido ko. Tumalikod ako upang tignan siya. Kumunot ang noo ko sa kanya.             “Bakit?”             “Can we discuss about the study buddy thingy this lunch?”             “Ay? Ano kasi, e…”             “I don’t take no as an answer,” seryosong aniya.             Sabi ko nga, masyado siyang bossy. Lumaklak ba `to ng sandamukal na awtoridad? Kainis, a!   To Lily: Bessy, di pala ako makakasabay. May importante lang akong gagawin. See ya later!   Nang ma-i-send ko na`yong text ko, tinignan ko muli siya.             “Fine,” iritang sabi ko.             “Let’s go,” sabi niya sabay hawak sa kanang braso ko upang hatakin sa parking lot campus.             “Go,” utos niya matapos buksan ang pinto ng kotse niya. Pumasok ako at agad naman siyang nagpunta sa kabila. And ending, magkatabi kami sa harap. Siya ang nagmamaneho. Bumuntong-hininga na lang ako nang paandarin niya ang kotse niya palabas ng campus.             “Sa’n mo gusto kumain?” biglang tanong niya habang umaandar ang kotse. Nakatitig lang siya nang maigi sa daan.             “Kahit saan,” pabalang na sagot ko. Maski ako dama na rin ang pagka-irita, e. Kainis naman kasi talaga. Makapagmando `to, parang empleyado niya ako, e! Buwisit!             “May lugar na pala talagang kahit saan, `no?” pambabara niya sa akin. So, ano? Nahawaan ba `to ni Lyndon sa pagiging mapambara?             “Mayroon, check mo pa sa GPS mo,” sagot ko naman. Kinuha niya ang cellphone niya sa kaliwang bulsa niya. may pinindot siya roon saka siya nagsalita.             “Search Kahit Saan.” May narinig akong nagsalita sa cellphone niya.             “No results.”             “Narinig mo? Ayon sa GPS ko, walang gano’ng lugar,” sabi niya saka napasulyap sa akin. Nagawa pa nga niyang ngumisi. Kainis talaga!             “Hindi lang updated `yang GPS mo, tapon mo na `yang cellphone mo,” sabi ko naman sabay talikod sa kanya upang tumingin sa katabi kong binata. I-enjoy-in ko na lang ang pagtingin sa labas kaysa makita ang pagmumukha niya. Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sa gilid at hininto ang kotse. Binuksan niya `yong bintana saka agad na hinagis palabas ang cellphone niya.             “Baliw ka ba? Ba`t mo ginawa `yon!?” sabi ko habang nakamasid sa kanya.             “Sabi mo itapon ko, ngayong ginawa ko nagagalit ka. Ngayon sino sa atin ang baliw?” Nadadama kong namumula na ang buong mukha ko dahil sa galit ko sa kanya. Kung puwede lang murahin `to, kanina ko pa ginawa. Kaso kasi kahit naman ganyan siya, awa na lang kasi ako pa rin ang study buddy niya. nandito ako para tumulong via academic means. Pero since wala naman `tong koneksyon sa academic, mananahimik na lang ako. Iisiping hindi siya nag-e-exist. Iisiping hindi ko siya kasama ngayon.             Matapos niyang tignan kung nasaan na `yong phone niya, agad niya muling pinaandar ang kotse. Idiniretso niya ito sa malapit na kainang nadaanan namin.             “Tara na, baka wala na tayong upuan. Nagugutom na ako.” Dali-dali naman akong bumaba at sumunod sa kanya. Pagkapasok naman sa fast food chain, bumungad sa amin aang mahabang pila at dami ng mga tao.             “Maghanap kana ng upuan, ako na mag-o-order. Kakain ka rin ba?”             Buwisit talaga! Patangang tanong, e! Nag-lunch time na pero agad niya akong isinama rito tapos tatanungin niya kung kakain din ako. Sarap bigwasan nito. Sarap ding sabihan ng, “Aamoy lang ako rito, bro! Baka sa aroma ng pagkain mabusog ako!”             Ang ginawa ko nalang tuloy, tinignan niya at saka naghanap na lang ng upuan. Bahala ka r`yan!             “Layo naman ng nakuha mong puwesto, sa second floor pa. Baka matagalan `yong pagkain dumating,” bungad na sabi niya habang papaupo. Kasalanan ko pa ngayon na dito na lang ang mga bakanteng puwesto! Buti nga may naupuan pa kami, e! Ang lakas pa nitong magreklamo.             “Here’s your order sir,” sabi no`ng waiter saka inilagay sa harap niya `yong rice meal na in-order niya kasama ng inumin. Umalis na agad `yong waiter. Aba talaga. Ni hindi man lang ako binilhan ng pagkain. Nagkuyom na ang kamao ko sa inis. Isa na lang talaga, bibingo na `to sa `kin. Isang malakas na sapak ang premyo niya kapag nagkataon!             Habang abala siyang kumain, tinitignan niya lang ako. Ngingisi pa nga kung minsan. At ako? Abala naman akong patayin at ilibing siya sa isip ko. In fairness nga ang ganda ng setup ng burol niya, e.             Tahimik lang ako habang patapos na siyang kumain. Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng tiyan ko. Dapat pala hindi na ako sumama sa kanya, e. Nag-akala lang pala akong mabait `to. Hindi rin naman pala. Looks can be really deceiving talaga.             “Ang sarap, nakakabusog naman pala rito,” sabay dighay niya. Hinimas pa nito ang tiyan niya at ngumisi-ngisi sa akin.             “Alam ko gutom ka na,” pang-aasar pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.             “Huwag mo akong tignan ng ganyan, sa gwapo kong `to, gusto mo ba akong kainin?” Bastos talaga ang taong `to! Nakakainis! Nakakainis talaga siya! Letse!             Iniurong ko na ang upuan ko, akmang tatayo na nang dumating ang waiter na may dalang rice meal din.             “Sorry for waiting, sir. Here’s your meal po. Okay na po ba lahat?” tanong nito. Tumingin sa akin si Peter saka nagbalik ng tingin sa waiter.             “Okay na `yong orders, `yong kasama ko na lang ang hindi. Ang tagal kasi ng pagdating ng meal, e,” pabirong sabi niya at tumawa ng mahina. Ngumiti sa kanya ang waiter bago kinuha `yong tray saka `yong number.             “Kain na,” utos niya na naman sa akin. Siguro hindi siya na-orient na tao ang kasama niya at hindi robot o isang alagang hayop.             Since naiurong ko naman na ang upuan ko, paninindigan ko na ang pag-alis. Tanggap ko na ring pagalitan o ma-disappoint sa akin si Sir kasi napagtanto ko ng hindi ko gusto este hindi ko puwedeng tulungan at turuan ang ganyang tao. Isang sakit ng ulo.             “I’m so done with this this. Excuse me,” puno ng inis na sabi ko saka tuluyang tumayo. Tinignan ko lang siya at naglakad na palayo. Nang makadaan ako sa gilid niya, agad niyang hinawakan ang kamay ko.             “Pikon,” pilyong sabi niya. Okay, napuno na ako sa gimik niyang ganito, agad sumampal ang kanang palad ko sa pisngi niya. Namula iyon agad. Nagitla siya sa ginawa ko kaya naman binilisan ko ng maglakad pababa ng kainan.             Nang makalabas na ako, agad akong nagpunta sa malapit na waiting shed. Dinig ko namang hinahabol niya ako. Tawag siya nang tawag sa apelyido ko.             “Stop, Mr. Sanchez! Sanchez!”             Nang makarating ako sa waiting shed, alam kong nakita niya ako rito kaya alam ko ring pupunta siya rito. Hindi nga ako nagkamali.             “Ang pikon mo naman, daig mo pa ang babae,” halos patawang asar niya.             “Peter, tigilan mo `ko, a! Masyado mong inaksaya ang oras ko,” kalmadong sabi ko sa kanya.             “Sus, if I know, kinikilig ka lang kaya ganyan ka. Huwag ka na magkaila, bakla ka, `di ba?” Nang masabi niya `yan, awtomatikong nag-init ang dugo ko. Humarap ako sa kanya, may gigil na makikita sa mukha ko. Buti na lang pala kaming dalawa palang ang nandito sa shed, kaya hindi masyadong nakakahiyang gumawa ng eksena. “And? Kung bakla nga ako, anong gusto mong gawin? Alipustahin? Asarin? Sirain ang buhay? Ipamukhang salot sa lipunan!? ANO!?” galit na galit sa wika ko habang biglang pumasok sa isip ko si Kuya Austin, ang nakatatandang kapatid ko. College na siya at nag-aaral din sa campus na pinapasukan ko. Hindi ko namamalayan na habang naiisip ko siya, may mga luhang gumuhit sa mukha ko. Wala na akong pakialam pa kung anuman ang sabihin niya. Napaka-emosyonal ko talaga kapag ganito. Habang humagahulgol ako, napayakap na lang ako sa sarili ko. Ang hina ko talaga kapag nag-iisa. Sana pala talaga sumama na lang ako kina Lily at Lyndon. Sila na lang talaga ang mga taong kaya akong pakisamahan at tanggapin. “ANO!? Sumagot ka! O, baka gusto mo pang ipagsigawan kong bakla ako. BAKLA AKO! Masaya ka na!?” pasigaw na sabi ko sa kanya dahilan upang matameme siya. Tinignan niya lang ako na parang hinuhusgahan na niya  ang buo kong pagkatao. Mula loob hanggang labas. Bakit kaya hindi pa ako masanay-sanay sa ganito? Ang mapangmatang titig ng mga taong nakapaligid sa akin. Gano`n naman lagi, e. Kahit na napakaraming magaganda at mabubuting bagay ang ginawa mo, kapag nagkamali ka, kahit katiting na kamalian man `yan, `yon at `yon ang bibigyan ng atensyon at talagang laging papansinin. Ganyan lagi, lalo na sa akin. Lalo na sa mga baklang tulad ko. Panandaliang katahimikan ang namuo sa pagitan naming dalawa. Puro mga hikbi ko nalang ang narinig. Nabato yata siya sa pagpi-freak out. Di bale, wala naman akong pakialam. “Umalis ka na,” malamig at matapang na wika ko. Tinignan niya muli ako. Nandiyan na naman ang mga mata niyang super judgmental. “Bumalik na tayo sa school.” Heto na naman siya sa pagmamando niya. Umiling ako. “Mauna ka na, iwanan mo na ako. This time, seryoso na ako,” utos ko sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa tinuran ko. Saka siya naglakad palayo. Ilang minuto pa’y may dumating na `yong jeep na hinihintay ko. Sumakay ako`t nasa isip pa rin ang nangyari kanina. Pagkababa ko sa harapan ng gate ng campus, nakita ko agad sina Lyndon at Lily. Kumaway sila sa akin sa malayo. Agad naman akong tumawid upang puntahan sila. “Friend, wala si ma’am. May urgent meeting daw, it means wala tayong klase ngayong hapon. Tara gala tayo,” buong galak na sabi ni Lily. “Okay ka lang, dude?” puno ng kuryosidad na sabi ni Lyndon. Ngumiti naman ako at tumango. “Sige, sama ako. Pero hintayin niyo ako, a. Mag-CR lang ako,” paalam ko at saka pumasok sa loob. Lingid sa aking kaalaman, sumunod pala sa likuran ko si Lyndon. Bago pa man ako tuluyang pumasok sa comfort room, tinawag niya ako. “Hihintayin kita sa paglabas mo, a. May dapat kang sabihin sa akin,” aniya na nagpakabog ng dibdib ko. Ito ang mahirap kapag lubos kang kilala na ng tao, e. Ni hindi mo na kayang magpanggap o magsinungaling pa. Pagpasok ko sa loob, nakita ko si kuya Austin kasama ng ilang mga tropa niya, nasa may sink sila nakapuwesto. Nagsisitawanan habang may pinapanuod sa cellphone niya.  Mukha namang `di niya ako nakita kasi busy sila ng tropa niyang manuod. Agad kong tinakpan ang mukha ko at agad na pumasok sa isang cubicle. Habang nasa loob ko, dinig na dinig ko ang tawanan nila pati na rin ang asaran. “Hayop ka talaga, Austin. Kawawa `yong freshman, o. Tiba-tiba ka talaga. Hahahaha!” sabi no`ng isang tropa niya. “Hahaha, ginusto niya rin naman, e. Tignan niyo, nagdudugo na siya kanina,” sagot naman ni kuya. Mukhang alam ko na ang pinapanuod nila, a. May nabiktima na naman pala ang kuya ko. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw malaman niyang nadapuan siya ng AIDS. Nang matapos na ako, pinakiramdaman ko muna ang paligid. Parang ang tahimik naman na, kaya unti-unti kong binuksan ang pinto ng cubicle. “Clear na,” sabi ko sa aking sarili. Nang tuluyan na akong makalabas sa cubicle, nakita ko sina kuya na nasa may sink pa rin. Tahimik na sila ng tropa niya. “Akala mo hindi kita nakita, bakla. Halika nga rito,” tawag niya sa akin. Tinignan ko muna siya bago ako gumawa ng anumang hakbang. Namumula`t pawis na pawis ang mukha niya. Gulo-gulo ang buhok pati na rin ang uniporme niya. Bukas ang kanyang zipper kasi nakita kong sumilay ang puti niyang panloob. “Like what you see?” malanding sambit ni kuya Austin. Bigla akong kinabahan dahil dito. Mukhang may mali. Mukhang nasa panganib ako. Tatakbo na sana ulit ako sa loob ng cubicle ng may humawak sa bewang ko. ‘Yong tropa niyang malaki ang katawan. “Bitiwan mo `ko! Kuya, ano ba!?” inis na sabi ko. Ano na namang trip nito sa akin? Apat silang magto-tropa laban sa akin. Ano kayang magagawa ko ro’n? Kailangan kong makaalis dito! Agad kong kinagat ang braso no’ng tropa niyang nakahawak sa bewang ko kaya naman nababa niya ako. “Putanginang bakla `to!” Agad akong tumakbo sa pinto kaso may dalawa siyang tropang humarang, kaya naman agad kong tinapakan ang kani-kanilang mga paa. Patakbong papunta sa akin si kuya kaya sinipa ko agad ang kayamanan niya. Puro pag-aray ang naririnig sa loob. “O, bakit parang may giyera sa loob? Ayos ka lang?” nag-aalalang sabi ni Lyndon. Hindi na muna ako nagsalita, hinila ko agad siya at sabay kaming tumakbo paalis. Nang malapit na kami sa gate, nando’n at naghihintay si Lily. May kausap siyang isang lalaki. Hindi ko naman namukhaan agad kasi nakatalikod iyon. Nakita ako ni Lily sa malayo, kaya kumaway siya sa akin. Humarap ang lalaki, si Peter pala iyon. Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko. Nagtaka si Lyndon. “Anong nangyari sa `yo? Ba’t bumagal ka tumakbo. Tara na!” sabi niya at tumuloy sa pagtakbo palabas ng campus No`ng dumating ako, tinignan ako ni Peter at tipid na ngumiti. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Tara na,” malamig na sabi ko kina Lily at Lyndon. Nagkatinginan ang dalawa, itong si Lily may ipinahihiwatig pa. Tinuturo niya gamit ng kanyang nguso si Peter. “Anong mayroon?” tanong ko. Lihim na hinihiling na hindi magkakatotoo ang inaasahan kong isasagot niya. “Nalaman niya ring walang klase ngayon at gusto niya raw sanang sumama sa gala natin.” Para akong binagsakan ng time bomb ng isagot niya ang tugon na ayaw kong marinig. Bakit ba ganoon, kung anuman ang ginugusto mo minsan puro kabaligtaran nito ang nangyayari!? “Sige, hindi na pala ako sasama. May gagawin pa ako,” agad kong sabi saka ko tignan ng masama si Peter. Nanahimik sina Lily at Lyndon saka tinignan ako. “Pat?” sabi ni Lily. Tinignan ko siya, ngumiti ako nang pilit saka tumango-tango. “Gala na kayo.” Nagpunta ako sa malapit na paradahan ng jeep sa school, bago ako sumakay ng jeep nakita ko silang dalawa na sumakay sa kotse ni Peter. Gusto ko talagang mapag-isa, sa ngayon. Imbes na umuwi agad, nagpunta ako sa park ng village namin, sa pinakababa kasi ng park, masukal man do`n mmay natatanging lugar para sa mga nais ng katahimikan. May sapa kasi ro`n. Ito ang rendezvous namin ni Lyndon noong elementary kami. Dito kami tumambay kapag lagi kaming may problema o kaya naman gusto lang namin ng katahimikan. Agad akong humiga sa Bermuda grass at agad pumikit ang mga mata ko. Dinig na dinig ko ang hangin. Hinahaplos niyon ang buong mukha ko. Para itong isang mapagkalingang ina na naghahandog ng pagmamahal at aruga. Bumigat ang mga talukap ng mga mata ko at ako`y nilamon ng aking panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD