2

1697 Words
Magtatakip-silim na ng nagising ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko gaya ng mga talukap ng mga mata ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Dahil medyo hindi pa nakakapag-adjust ang mga ito, may naaninag akong pigura ng isang taong nakaupo na malapit sa akin. “Kumusta naman ang beauty sleep?” bati nito sa akin. Sa boses pa lang kilala ko na kung sino ito. “Ayos din ang good morning message mo, Lyndon, e, `no?” sabi ko naman at narinig ko ang tawa niya. Napatawa na lang din ako. “Ba`t nandito ka?” putol ko sa aming tawanan. Tumikhim siya at nagsalita. “Kasi alam kong may tao rito,” aniya sabay kindat sa akin. “Spill the beans,” wika nito na parang batang naghihintay na basahan ng bedtime stories. “Ano?” sabi ko naman. Kumunot ang noo niya. Parang nais sabihin ng ekpresyon ng mukha niya ang mga katagang, “Sasabihin mo o sasabihin mo?” Pilit akong ngumiti sa kanya dahil nahihiya akong mag-open up sa kanya. “Tigilam mo ako sa mga ganyang galawan mo, Pat. Kilala kita. Huwag ka ng mahiya pa. Anong mayroon?” Ipinagpapasalamat kong mas matanda siya sa akin ng buwan, kung kaya naman kung maka-asta ay parang kuya ko na. Higit na nadadama kong kapatid ko siya kaysa kay kuya Austin. “Pinag-trip-an na naman ako nila kuya kanina sa CR. Buti na lang nakatakas ako. Baka kung ano na naman gawin nila ng mga tropa niya sa akin,” malungkot sa sabi ko habang bumabangon. Umupo ako sa tabi ni Lyndon. Ngumiti siya sa akin. “Hindi lang `yon ang sasabihin mo. `Yong kay Peter pa,” aniya. Huminga ako nang malalim at biglang pumasok sa isip ko `yong mga naganap kanina. `Yong pang-aasar ni Peter. `Yong pamimikon niya sa akin. Saka `yong eksenang ginawa ko sa waiting shed. Kinuwento ko lahat ng mga `yon kay Lyndon. Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin na pakiwari mo ay nakikisimpatiya sa mga kaganapan ngayon. “Ibang klase rin kasi ang trip no’ng transferee na `yon, e. Naku, humanda `yon sa `kin bukas! Akala niya, a!” “Lyndon, ano na naman `yan? Kinuwento ko ang mga pangyayari kasi gusto mong malaman pero wala akong sinabi na gumanti ka or what sa kanya. Abno ka talaga, `no?” pabiro kong sabi pero deep inside seryoso lahat ng iwinika ko. Kahit naman gano`n `yong taong `yon, wala naman ako o kaming magagawa kung tanggapin na gano`n talaga ang ugali niya. Masyadong nilamon ng pagka-bad boy. “Uwi na tayo?” pagyaya ko sa kanya. Tumingin siya sa papalubog na araw, ngumiti at saka yumakap sa akin ng mahigpit. “Tara na,” sabi niya habang kumakalas siya sa yakapan namin. “Salamat,” tugon ko naman sa kanya at ngumiti. Papauwi na kami ng makita kong bukas ang ilaw ng terrace namin. Nando`n si kuya Austin na may hawak na bote. Bote yata `yon ng alak. Biglang kumabog ang dibdib ko. Kasama ko si Lyndon papasok ng bahay. Sinalubong kami ng lango sa alak na si Kuya Austin. “Kumusta naman ang bakla kong kapatid? Sino `yan? Lalaki mo? Aba’y ka-gwapo nito, a,” bungad sa sambit niya no`ng makita niya kami ni Lyndon. Nagkuyom ang mga kamao ni Lyndon. Hinawakan ko ang mga `yon at saka tumingin sa kanya. Umiling ako at bumulong sa kanya, “Ganyan talaga siya kapag nalalasing. Hayaan mo na.” Nagtuloy-tuloy kami pumasok sa loob. Sinundan niya pala kami sa likod. “Bro, magkano ang ibinayad sa `yo ng kapatid ko? Masyado ka na bang kapit sa patalim? Hehehehe. Di bale, magaling naman `yan,” sabi niya kay Lyndon saka niya ako tinignan at kinindatan. “Naalala mo ba no`ng mga bata tayo? Parati tayong naliligo ng sabay tapos ano? Binobosohan mo pala ako. Ito ba ang gusto mo?” sabay turo niya sa yaman niya. Napakagat na lang ako sa aking labi. Pigil na pigil ako sa pag-iyak. Kailangan kong maging matapang. Ayokong makita niya akong umiiyak. Kailangan kong masanay sa mga ganyang pang-aalipusta niya sa akin. “Lyndon, salamat sa paghatid. Sorry sa ano,” sabi ko bilang pagpapaalam kay Lyndon. “Sure kang okay na kitang iwan dito? `Yong kuya mo,” sabi niya at kapwa kami napatingin kay Kuya Austin na papaupo sa sofa. Tumango ako. “Okay na, ako na bahala rito. Salamat ulit,” sabi ko naman. Tumango si Lyndon at saka umalis na. “O, bakit mo pinaalis `yon? Kulang siguro binayad mo, `no?” “Kuya, lasing ka na. Itulog mo na `yan,” sabi ko sa kanya at akmang aalalayan siya patayo para maihatid ko na sa kuwarto niya. Pero tinabig niya ang kamay ko. “Huwag mo akong hahawakan! Madumi kang tao! Salot ka!” puno ng poot na aniya. Paisa-isa kung gumuhit ang mga maiinit na luha sa mukha ko. “Huwag kang iiyak-iyak diyan! Dahil sa `yo kaya tayo iniwan ni Papa! Dahil sa `yo namatay si Mama! DAHIL SALOT KA! MALAS!” Biglang parang bumalik sa aking isip ang mga alaala namin bilang pamilya. X Mula ng nalaman ni Papa na bakla ako, naging malamig na ang kanyang pakikitungo sa akin. Minsan nga kapag magkasama kami at nakita kami ng mga dati niyang kasamahan sa trabaho, bigla niya akong itatakwil bilang anak. Naalala ko pa noong nakita kami ng dati niyang supervisor, nagtanong ito kung kaanuu-ano ako ni Papa, ang sagot niya lamang ay, “Boy namin sa bahay.” Pero isang gabi nagbago ang lahat. Tahimik na ang buong paligid, sobrang dilim dahil masyado nang malalim ang gabi. Bigla akong nanghilakbot dahil unti-unting bumababa ang kumot ko hanggang sa mawalan ako ng kumot na sumasapin sa hubad kong katawan. Nasanay kasi akong nakahubad kada matutulog lalo na kapag sobrang init ng gabi. May mga palad na gumagapang sa buo kong katawan. Akala ko nanaginip lamang ako pero hindi pala. Nakarinig ako ng impit na ungol sa tabi ko. Nakaamoy ako ng tsiko. “Ah, Patrick. Ahhh,” mahinang ungol nito pero nabosesan ko na kung sino siya. Si Papa. Napakagat ako sa labi ng malaman kong siyaang may-ari ng mga palad na dinidiskubre ang buong katawan ko. Kahit medyo madilim, tumalikod ako upang makaharap siya. “Papa,” naiiyak na sambit ko. Nandidiri na ako sa ganyang aksyon niya. “Patrick, matatanggap kong bakla ka kung pagbibigyan mo ako. Pagod kasi ang mama mo sa work, e,” medyo nang-aakit pang sabi niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya. “Pa, ayoko po. Huwag po,” naiiyak na sabi ko. Pero parang wala siyang narinig, bigla niyang sinunggaban ang mga labi ko. Marahas niya itong hinalikan. Dahil dito ay napalakas ang pag-iyak ko at paghingi ng tulong. “KUYA AUSTIN! MAMA! TULONG PO!” pagkalakas-lakas na hiyaw ko, halos mapatid na ang mga ugat ko para lamang makasigaw ng malakas. Sana ay marinig nila ako. Sinampal ako ni Papa dahil sa ginawa kong `yon, agad siyang bumalikwas sa kama. Nakita ko ang buong hubad na katawan niya. “Sige, manghingi ka lang ng tulong. Akala mo, a!” sabi niya at saka dali-daling hinubad ang kanyang pantalon. Kinuha niya ang sinturon nito at saka ipinalo sa katawan ko. Natamaan ako sa dibdib at tagiliran. “MAMA! MAMA! KUYA AUSTIN!” Bigla siyang nataranta ng makarinig ng nagmamadaling mga yabag. Agad niya akong binuhat saka humiga sa kama. Nasa ibabaw ako ng hubo’t hubad niyang katawan. Bumukas ang pinto, nakita ako nina mama at Kuya Austin na nasa itaas ni Papa. Umiiyak ako. Agad akong tinulak ni papa dahilan upang mahulog ako sa kama. “Honey, `yang bakla mong anak! Dose anyos palang, bigla akong ginapang. Sabi niya tabi raw kami matulog kasi natatakot siya sa pelikulang napanood natin kanina baka raw mapanaginipan niya. Nagulat na lang ako nasa ibabaw ko na siya,” mabilis na sabi ni Papa. Inis na inis ako noon kasi sobrang magaling at Pulido ang pagkakagawa niya ng kuwento. “Isa pa, sabi niya sa akin kapag `di ko raw siya pinagbigyan sasabihin niya raw na minolestiya ko siya. Kaya acting lang `yang ginawa niyang ganyan,” dugtong pa niya. wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak. Pinuntahan ako ni Kuya, inalalayan niya ako patungo sa kama. Pinaupo niya ako. “Parang hindi naman totoo `yan, `tay,” sabi niya. Tumingin sa kanya si Papa. “Hindi pala totoo, a. Para sabihin ko sa `yo pati ikaw pinagpapantasyahan rin ng malanding baklang `yan. Tignan mo ang ilalim ng unan niya,” utos nito. Napatingin ako kay Papa at ngumisi siya. Nagulat si mama lalo na si kuya sa nakuha ni kuya sa ilalim ng unan ko. Brief ni Kuya Austin. “P-pat?” hindi makapaniwalang sabi ni kuya habang hawak ang brief niya. “Ito `yong brief ko kahapon, a. Bakit na sa `yo `to?” “H-hindi ko po alam kuya,” inosenteng sagot ko. Tunay ngang maski ako ay nagulat. Pakana ito lahat ni Papa. “Hindi ako ang may gawa niyan! Hindi ako. Si papa! Siya ang may gawa niyan! Maniwala kayo. Ma, Kuya!” sabi ko na lamang. Nablanko si Mama sa mga kaganapan. Ni hindi mo makita kung nagagalit ba siya o hindi. “Bakit ako ang may gawa? Ako ba ang bakla? Hindi ba’t ikaw `yon? BAKLA KA!” “Hindi ako! Hindi!” sabi kong muli. Napahawak si Mama sa dibdib niya at nawalan ng malay. X Mula ng mamatay si mama dahil sa atake sa puso, bigla kaming inabandona ni Papa at sumama sa kabit niyang nabuntis niya. Kaya naman halos araw-araw akong ginaganito ni Kuya. Masyado niyang ipinamumukha sa akin naako ang may kasalanan ng lahat. Pero hindi niya alam, akoang biktima rito. Ako ang higit na nasasaktan kumpara sa kanya. Ako ang mas nawalan. Nawalan ng dangal at pamilya. “OO NA KUYA! AKO NA ANG SISIHIN MO SA LAHAT! AKO NA!” sigaw ko sa kanya. Natigil siya sa ginawa kong paninigaw. Tinignan niya ako ng masama. Nag-aapoy ang kanyang mga mata sa galit. “LUMAYAS KA RITO! LUMAYAS KA! IKAW ANG BUWISIT KO SA BUHAY! IKAW!” sabi niya saka dali-daling nagpunta sa kwarto. Binuksan niya ang aparador ko at saka itinapon kung saan-saan ang mga damit at gamit ko. “LUMAYAS KA! PARA NAMAN WALA NG IBA PANG PABIGAT SI TITA!” aniya. Gusto ko siyang sagutin pa, kaso pinigilan ko ang sarili ko. Pareho kaming nakikitira sa sanlang-tira na pagmamay-ari ng kapatid ng mama namin. Buti nga’t kinupkop niya kami. Siya ang nagsilbing ina namin ni Kuya. Nang mailabas na lahat ni kuya ang mgagamit at damit ko, kinuha ko ang isang malaking bag na naitapon niya rin saka ko pinuno `yon ng mga gamit ko. “HUWAG NA HUWAG KA NG BABALIK PA RITO! KUNG MAGKITA MAN TAYO SA CAMPUS, HUMANDA KA! TANDAAN MO `YAN!” sabi niya at ipinagtulakan niya ako sa labas ng bahay. Nagsisitinginan naman ang mga miron sa paligid. Tuwang-tuwa pa sila sa napapanuod nilang away namin. Tumayo agad at saka naglakad nang mabilis habang nakatungo. Iniisip kung saan ako pupunta at makikituloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD