Chapter 2
"Diego this is aica siya yung sinabi ko na tumulong sakin kahapon ".Nairita naman si aica sa ngiti ng lalaki sa kanya.
"Hai thank you sa paghatid kay dina and gusto kong humingi ng tawad sa eskandalo na ginawa ko kagabi ".
Inabot ng lalaki ang kamay niya para makipag shake hands kay aica.
Pilit namang ngumiti si aica
"Okay lang ".tipid niyang sagot sa lalaki.
Pagkatapos mag shake hands ng dalawa ay nagpaalam na si aica sa dalawa dahil badtrip na siya . Excited pa naman siyang makita si dina .
------------
Wala sa mood si aica ng pumasok si dina sa room nila.Masaya ang aura nito at hindi narin ito nagsusuot ng maiksing damit.
'Malamang masaya dahil hinatid ng boyfriend' inis na bulong ni aica sa sarili.
"Hai guys ngayon wala naman akong masyadong ipapagawa sa inyo dahil naghahanda ako para sa event nextweek .You can do all what you want dyan sa upuan nyo basta wag lang maingay okay!". nakangiti sabi ni dina sa mga estudyante niya.Tahimik naman ang mga ito ng bumalik siya sa mesa niya pati yung mga lalaki na nambastos sa kanya kahapon ay tahimik na rin.Lihim siyang napangiti sa mga ito.
Nahagip ng mga mata niya si aica na nakatitig sa kanya pero agad naman itong nag iwas ng tingin ng tingnan niya ito.
May kung anong butterflies sa tiyan niya ng maisip na nakatitig si aica sa kanya.Nagpasya na lang siyang magtrabaho na sa harap ng kanyang laptop dahil marami pa siyang gagawin.
----------
"hinay hinay lang uhaw na uhaw lang eh".saway ni jen kay aica .Nandito na naman sila sa club halos ubusin ni aica ang laman ng vodka .
"problem?".Tanong ni alexa ng mapansing gulong gulo si aica sa harap nila.
"s**t! arrrrrrrg ayoko nito! i think im crazy!".nilaro laro ni aica ang nakalugay niyang buhok dahil hindi na talaga mawala sa isip niya si dina at para na siyang baliw.
"What?hahahaha".Natawang sabi ni alexa, Naguguluhan na rin siya sa kaibigan. "Alam mo ilang araw ka ng ganyan sabihin mo na sa amin kung anong problema mo". Seryosong tanong ni jen kay aica.
"well i think i like this person!".
Sabay na lumapit sa kinauupuan ni aica ang dalawang kaibigan ng marinig ang sinabi nito.
"Omg! who's this guy?si jordan na ba yan?". excited na tanong ni alexa .
"Of coarse not!".Tanggi agad ni aica,dahil hinding hindi talaga siya magkakagusto sa addict na Jordan na yun.
"Eh sino nga?".Sabay sabay na tanong nina alexa at jen.Matagal bago nagsalita ulit si aica . Iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin sa mga kaibigan na si dina ang nagustuhan niya.
"Well actually im not sure about my feelings sa taong to, that's why I can't tell you guys sorry".
"Hay naku! sabihin mo na kasi sa amin malay mo baka matulungan ka namin". Konsenti ni jen ,pero wala na talagang balak si aica na sabihin sa kanila ang nararamdaman niya kay dina dahil ang totooy Naguguluhan pa siya .Buong buhay niya ngayon lang siya nagkaganito sa isang babae.
Ilang araw ang nakalipas napansin ni aica na hatid sundo na si dina sa boyfriend nito.
Pinilit niyang kalimutan ang nararamdaman niya pero parang mas lumalim ang feelings niya sa guro kahit anong iwas niya dito hindi niya magawa dahil habang nakikita niya ito araw araw feeling niya kompleto na siya.
"Hey miss sabay kana sakin ".Inihinto agad ni aica ang kotse niya sa gilid ni miss carangue.
"Naku aica susunduin kasi ako ni diego eh, salamat na lang".
Nalungkot naman si aica sa sagot ni dina,pilit siyang ngumiti dito.
Pansin niyang Panay tawag si dina sa cellphone nito.Pinagmasdan na lang muna niya si dina magdidilim na kasi at wala ng masyadong tao sa campus kaya ayaw niya itong iwan.Nag alala siya para sa guro.
"Hello Diego nasan ka na? ".Nailayo ni dina ang phone niya sa kanyang tenga ng marinig ang halinghing ng isang babae.
"Ano? hindi ka matutuloy? nasan ka ba?".naiinis na si dina dahil panay haling hing ng isang babae ang naririnig niya.
"Diego hoy diego!".Pinatay nito ang tawag niya.Napahawak siya sa dib dib niya dahil nasasaktan siya ng maisip na may kasamang babae si diego ngayon.Pinilit niyang ikalma ang sarili para hindi umiiyak pero ungol talaga ng babae ang narinig niya.Niloloko lang siya ni diego ang sakit para sa kanya.
"miss okay ka lang?".Hindi na napigilan ni aica lumabas siya sa kotse niya ng hindi kumibo si dina kanina pa kasi siya tawag ng tawag dito.
Mas lalo siyang nag alala ng makitang umiiyak ito. "why are you crying? miss may problema ba?". Hinawakan ni aica ang likod nito para himasin.Hinaplos haplos niya ang likod ng guro .
"Okay lang ako aica wag mo akong alalahanin".Nagpahid ng luha si dina at pilit na ngumiti sa harap ni aica.
Nakatitig lang si aica kay dina alam niyang may problema ito .
"Ihatid na kita miss-
"Wag na aica wag mo na akong alalahanin okay lang talaga ako,umuwi ka na sa inyo ha".
Imbes na sagutin ay hinawakan ni aica ang braso ni dina at hinila papunta sa kanyang kotse.
"Aica okay lang sabi ako eh". Reklamo ni dina sa dalaga pero hindi siya nito pinakinggan bagkus pinag buksan pa siya ng pinto sa kotse.
"Ihatid na kita sa inyo wag ka ng tumanggi ".Wala ng nagawa si dina pumasok siya sa loob at umupo.Dali dali namang pinaandar ni aica ang kotse para makaalis na sila.
Ilang ulit na nilingon ni aica si dina , malungkot itong nakatingin sa bintana .
Nag alala siya ng husto dito ,gusto niya itong yakapin .
iniliko niya ang kotse , napatingin naman si dina kay aica ng mapansing iba na ang kanilang dinaanan.
"Aica saan tayo pupunta akala ko ba ihatid moko?". Tanong ni dina kay aica , ngumiti si aica sa dalaga ng maisip ang plano niya dito.
"Don't worry ihatid parin naman kita but for now gusto kong mawala yang lungkot mo , kalimutan mo muna si diego okay".
Naka kunot noo lang si dina ng marinig ang sinabi ni aica.Huminto sila sa isang mamahaling restaurant puro seafoods ang mga pagkain sa restaurant at masasarap ang mga ito.
"Aica pwedeng sa iba na lang tayo sobrang mahal ang mga pagkain dito".bulong ni dina kay aica ng mag order sila sa counter.Nakangiting nilingon ni aica si dina.
"shhh wag kang mag alala okay,my treat!".Umupo na sila sa bakanteng mesa habang hinintay ang order hindi naman maiwasang hindi mapatitig si dina kay aica.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang trato nito sa kanya.
"Ahm miss--
"Aica ,ate dina nalang din ang itawag mo sakin total mas matanda naman ako sayo".
Natawa naman si aica sa sinabi ni dina ,kung titingnan parang magkasing edad lang sila ni dina dahil para sa kanya sobrang ganda ng guro at batang bata pa ang mukha nito.
"Ate dina? parang hindi bagay e siguro dina na lang mas comfortable ako sa dina".
Nagkatinginan silang dalawa, dumating naman agad ang order nila .
"Ahm dina what's your favorite seafoods? ".
Napatingin si dina sa tanong ni aica.
"My favorites seafoods , shrimps!".
napa what look nalang din si aica ng malamang favorite nito ang shrimp,dahil paborito niya rin kasi ito.
"Really? me too that's my favorite!". Masiglang sabi ni aica kay dina , nagtawanan sila habang patuloy na kumakain.
Pagkatapos kumain ay wala pang balak ihatid ni aica si dina,gusto niyang mawala ang lungkot nito dahil kay diego.
"Let's go there miss---
"Sandali -- napahinto si aica sa paglalakad at nilingon si dina.
"Bakit? halikana may pupuntahan lang tayo na mas makapag pagaan ng loob mo".
"Aica uwi na lang kaya tayo ,pano kung hahanapin ka na ng pamilya mo gabi na rin kasi,you don't have to do something for me ..okay lang ako".
Tilay nasaktan naman si aica sa sinabi ni dina,iniisip niya na hindi pala nito na appreciate ang mga ginawa niya.
Malungkot siyang tumango tango dito.
"If that's what you want miss sige uuwi na lang tayo".Napansin ni dina ang biglaang paglungkot ng mukha ni aica!nagsisi siya na baka magtampo ito sa kanya.Nauna na itong naglakad pabalik sa kotse niya.Sinundan na lang niya ito.
Agad na pinaandar ni aica ang kotse ng makaupo na si dina.Nagfocus na lang siya sa pagdrive .Ayaw niyang dib dibin ang sinabi ni dina pero para sa kanya nasaktan talaga siya.
"aica ".Tawag ni dina sa kanya agad niya itong nilingon ,nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad na umiwas ng tingin si aica kay dina dahil ayaw niyang makipag titigan dito dahil mas lalo siyang naiinlove sa guro. "Sorry please wag ka ng magtampo".
Napalunok si aica ng nararamdaman ang kamay ni dina sa kanyang braso.Hindi niya maintindihan ang sarili ng magdikit ang mga balat nila.Mas lalo siyang naging interesado sa guro.
Hindi pa rin niya ito nilingon ,wala na ang kamay nito sa kanyang braso ngunit pansin niyang nakatitig ito sa kanya.
"Aica galit ka ba?".parang umi echo sa tenga niya ang boses ni dina ,ang lambing kasi pakinggan ng tanong nito.
Ngumiti na lang siya at nilingon si dina habang nag dadrive.
"No,bakit naman ako magagalit sayo ..i just want you to enjoy this night para hindi ka na nalulungkot".Sabi niyang nakatutuk ang mga mata sa kalsada.
's**t miss!stop staring baka mabangga tayo! natutunaw na ata ako sa titig mo' sa isip ni aica
Nakatingin pa rin kasi sa kanya ang guro .
"ganito na lang sa weekend ,walang pasok pwede tayong lumabas , okay ba yun sayo?".
Lumawak ang ngiti ni aica sa narinig..means makakasama niya ang guro sa weekend ! na excite tuloy siya.
"Talaga! oo naman okay na okay! promise mo yan miss ah---
"Bakit miss pa rin ang tawag mo sakin ?".
"Ay sorry po!!! promis mo yan di-dina ah! excited na nga ako e!".
inihatid na nga ni aica si dina sa mismong bahay nito .
"Pasok ka muna sa loob aica ,ipakilala kita sa mama at kapatid ko".
Hindi naman umangal si aica sa sinabi ni dina,gusto niya ring makilala ang pamilya nito.
Pagkapasok palang nila sa loob hindi inakala ni Dina na naroon si diego.Busy ito sa paghahanda ng hapunan kasama ang nanay niya.Nanibago siya sa lalaki siguro para pagtakpan ang kasalanan niya.
Sariwa pa sa isip ni dina ang narinig niya habang kausap niya ang lalaki .Alam niyang nakikipagtalik ito sa ibang babae.
"Oh narito na pala si ate !".Sigaw ng bunso niyang kapatid na si lara ,agad na lumapit si diego kay dina at hinalikan siya sa pisngi .
Nag iwas naman ng tingin si aica ng halikan ng lalaki si dina sa harap niya.Naiinis siya sa nakita.Dapat kayang pumasok pa siya sa bahay nila dina?baka masasaktan lang siya.
"Bumili ako ng mga pagkain para pagdating mo makakain ka na".Hinila siya ni diego papunta sa mesa ,hindi naman kalakihan ang bahay nila. Walang imik na tiningnan ni dina ang mga pagkain. "Diba paborito mo to ".Agad na sinalinan ng lalaki ang plato ni dina ng shrimp,alam kasi nitong paborito niya ito.Pagkatapos ay pilit na pinaupo ni diego si dina.
"Dina bakit di mo ipakilala samin tong kasama mo!".Sabi ng mama ni dina na si divina .Agad na tumayo si dina ng maalala na narito pala si aica.Linapitan niya agad ito.
Samantalang nais na sana ni aica na umalis nalang sa bahay ngunit pinigilan siya ng sarili niyang paa.Mabuti na lang at napansin siya ng mama ni dina ..na out of place na kasi siya sa bahay.
"Ahm ma,si aica estudyante ko siya pero magkaibigan na kami,aica si mama divina at ang kapatid ko si lara".
"Wow ang ganda ganda mo naman po!".Sabi ni lara kay aica,
ngumiti na lang si aica sa pagpuri ng kapatid ni dina. "Thank you ikaw rin ang ganda at ang cute cute mo!". Nakangiting sabi ni aica kay lara.
"Tama na yan lalamig na tong pagkain!".Sabay silang napalingon kay diego na niinip na.Sinamaan lang ito ng tingin ni aica.
"Ahm hindi na siguro ako magtatagal , hinatid ko langs si dina--
"Hindi ka ba kakain iha ,baka magugutom ka sa daan".pagpigil ng mama ni dina sa kanya .
"Hindi na po kakakain lang din kasi namin ni dina sa restaurant,busog na po kami".Sinadya niyang sabihin iyon para pasakitan si diego . Napansin ni aica na nagulat ito sa sinabi niya kaya lihim siyang napangiti .
"Aw sige iha salamat sa paghatid sa anak ko".
"Sige po". Nilingon niya si dina nakangiti ito sa kanya. "Alis na ako ". Nakangiti niyang sabi dito.
"Hatid ko lang siya sa labas ma".Sinulyapan ni aica ang reaction ni diego mas lalo siyang natuwa ng hindi na maipinta ang mukha nito sa galit.Alam niyang hindi ito makakibo dahil takot ito sa mama ni dina.
'yass panalo ako!'
Sabi ni aica sa sarili.
Naglalakad na siya palabas ng bahay habang nakasunod si dina sa kanya.Tuwang tuwa ang puso niya sa nangyari.
"Ahm aica salamat ulit sa paghatid". Nilingon niya si dina nakangiti ito sa kanya .
"No need to say thank you ..I want to do it again and again". Nagulat si aica sa lumabas sa kanyang bibig,di niya inakala na masabi niya iyon kay dina.
Samantalang nagtaka nama si dina sa sinabi ni aica hindi niya alam kung bakit kinikilig siya sa sinabi nito.
Tumalikod na si aica kay dina dahil baka kung ano na ang iniisip nito sa sinabi niya.
'Kakahiya'.Bulong niya sa sarili habang naglalakad.
"Aica". Nilingon niya agad si dina ng tawagin siya nito. "Ingat ka".
Hindi maitago ni aica ang kilig sa sarili nginitian niya na lang si dina bago tuluyang pumasok sa kotse niya.Kinawayan niya na muna ang guro bago pinatakbo ang kotse.
Nang mawala na si aica sa paningin ni dina ah bumalik na siya sa loob ng bahay nila na nakangiti.Naabutan niya ang mama at kapatid niya na kumakain habang si diego naman ay busy sa phone nito.
"Dina halikana tikman mo tong pagkain na dala ni diego".aya sa kanya ng mama niya.
"Hindi na ma busog na kasi ako eh".
Tumayo agad si diego ng tanggihan ni dina ang mama nito.
"Hindi mo man lang ba tikman ang pagkain? dinala ko lahat yan para sayo!".Naiinis man ay pilit na pinakalma ni diego ang boses niya para hindi ito mahalata ng mama ni dina.
"Bakit ka ba narito?".Deretsong tanong ni dina sa lalaki ,kanina pa siya niinip sa pagmumukha nito . Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari.
Hinila siya ng lalaki palabas ng bahay nila hindi naman ito napansin ng mama ni dina dahil busy ito sa pagkain.
"ang yabang mo na! ikaw na nga tong dinalhan ng pagkain ikaw pa ang tatangi!".galit na sabi ng ni diego sa kanya.
"Bakit hindi mo dalhin ang mga pagkain sa babae mo!akala mo hindi ko alam ,akala mo magpapakatanga pa rin ako sayo! ayoko na diego ,tigilan na natin to! pagod na ako sayo!".Inis niyang sabi sa lalaki.
"ano? makipaghiwalay ka sakin ha! hindi dina hindi ako papayag na mapunta ka sa iba".
"Diego tama na! niloloko mo lang ako ".Tumulo ang mga luha niya sa harap nito.
"Hindi kita niloko bakit mo ba sinasabi --
"Bakit? tinatanong moko kung bakit? ano yung narinig ko kanina ungol ng babae yun!hindi ako tanga diego!".
"Patawarin moko dina ,hindi ko napigilan ang sarili ko ,lalaki lang ako ...hindi mo kasi binibigay sakin ang hinihingi ko na ibigay mo na ang sarili mo sakin yun lang naman,alam mo ba na gabi gabi kitang iniisip .Lungkot na lungkot ako sa tuwing tinatanggihan mo ako ,dina mahal kita patawarin mo ako".
Napatitig si dina sa lalaki ngayon niya lang narealize na hindi siya totoong mahal ng lalaki dahil kung Mahal siya nito handa itong maghintay sa tamang panahon para sa s*x na hinihingi nito.
"Ayoko na diego tigilan na natin to ! katawan ko lang ang minahal mo hindi ang buo kong pagkatao katulad ng pagmamahal na binigay ko sayo".
Nagulat siya ng bigla itong lumuhod sa harap niya.
"Nagmamakaawa ako dina wag mo akong hiwalayan". Niyakap ng lalaki ang mga paa niya.Hindi napigilan ni dina ang sarili tilay naawa siya sa lalaki.
Chapter 2
"Im sorry diego pero ayoko na ".Kinuha niya ang mga kamay ni diego na nakayakap sa paa niya,at tinalikuran na ito.
"Hindi!wag mo akong iwan dina !dina bumalik ka dito ! dina ! dina!".
sigaw ng sigaw si diego sa labas ng bahay nila dina .Hindi na siya binalikan ng dalaga.
'Hindi mo pwedeng gawin sakin to dina!!! akin ka lang!! siguraduhin kong babalik ka sakin at maangkin kita!'.
Umalis na lang si diego sa bahay nila dina Samantalang iyak naman ng iyak si dina habang pinapatahan siya ng kanyang.mama divina.
"Wag mo ng iyakan ang lalaking yun sinabihan na kita dati pa na hindi ko gusto ang pag uugali ni diego pero hindi ka nakinig oh tingnan mo ngayon siya pala ang nagloloko!".
"Mahal ko siya ma,minahal ko siya ng tapat at totoo pero napakatanga ko pala ". Humihikbi siya sa balikat ng kanyang ina todo haplos naman ang mama niya sa kanyang likod.
"Wag na wag ka ng lalapit pa sa lalaking yun!".
Iyak pa rin ng iyak si dina hanggang sa makatulog na nga siya.Hindi niya kasi akalaing maghihiwalay sila ni diego after one year ng kanilang relasyon.Tiniis niya ang pagka seloso nito dahil mahal niya talaga ang lalaki pero ngayong kilala na niya ang pagkatao nito hindi na siya magpapakatanga dito.
Sobrang lungkot naman ni aica ng malamang hindi pumasok si dina .Hindi niya alam kung bakit? nais sana niya itong puntahan sa bahay nila dina pero nag alangan siya na baka nandun si diego at masasaktan lang siya.
"So ano hindi mo pa rin sabihin sa amin kung sino tong nagustuhan mo?".Pangungulit ni alexa sa kanya,kanina pa ito tanong ng tanong tungkol sa sinabi niyang may nagustuhan na siya.Wala si jen may ginawa itong importanteng bagay kaya sila ni alexa nalang ang uminom sa club na pagmamay ari ng boyfriend ni alexa.
"alam mo honestly im so confused until now..iniisip ko kasi normal ba to ? ako ba to? I can't believe that i will fall inlove at sa babae pa!".
Nanlaki ang mga mata ni alexa ng marinig ang sinabi ni aica.Napainom ito sa hawak hawak niyang champagne.
"tama ba yung narinig ko nainlove ka sa - sa babae?".Gulat na tanong ni alexa kay aica, tumango tango si aica kay alexa. "Omg! how ? when? aica I can't believe this ".
"I don't know lex it's just happened..gusto kong pigilan but my heart keeps on falling for her --
"alright--alright-but who's this girl? sino ba siya kilala ba namin?".
"Miss carangue!".
"Whaat?".Hindi agad nakapgsalita si alexa ng malamang ang babaeng nagustuhan ni aica.
"paano? aica alam kong hindi ka tomboy ,at lahat ng exes mo mga lalaki,paano nangyari--
"I don't know-
Tumayo na si aica para kumuha ng maiinom agad niya nilagok ang champagne na nsa harap niya. "Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko e! i think im crazy --
"No no your not ! you're just inlove aica at normal lang yan marami akong mga kakilala na ang jowa nila is babae .Ang di ko lang maintindihan kung bakit kay miss carangue pa ".
"We are friends may times na hinahatid ko siya sa bahay nila until my heart beats so fast when she's near to me,and i like it lex..I like the way i feel towards her ,i really like her".
Ngumiti si alexa kay aica naiintindihan niya ito pero sana lang ay hindi masaktan ang kaibigan niya.
"Paano yan? nasabi mo na ba sa kanya? miss carangue is taken nakita ko na siyang hinatid ng boyfriend niya".
"Hindi pa , natatakot pa akong mag open sa kanya ,ahrrrrrrrrrgg feeling ko mababaliw ako sa kakaisip nito".
"Shhh ano ka ba! inlove ka lang hindi ka baliw! pero aica alam mong may boyfriend si miss carangue paano kung masaktan ka lang".
Hindi naman maiwasan ni aica ang mabahala na baka nga masaktan lang siya.Ininom na lang niya ang isang basong champagne na hawak niya.
"Hai guys! hai babe!".Biglang dumating si jordan at may kasama itong lalaki na ikinagulat ni aica.
"Diego?". Napatingin naman ang lalaki sa kanya,hindi rin nito akalain na magkita sila ni aica. "what are you doing here?".Tanong niya kay diego na hindi nakapag salita ng makita siya.
"babe magkakilala kayo? he's my cousin dinala ko siya dito dahil namomoblema sa pag ibig".natawang sabi ni jordan sa kanila.
Nagkatinginan sina alexa at aica .
'Ano kaya ang nangyari sa relasyon nila ni dina 'Tanong niya sa sarili,nabahala tuloy siya sa kalagayan ngayon ni dina knowing that hindi ito pumapasok.
"Marami ka palang chicks dito pare ".Naupo agad si diego sa sofa na parang feel at home talaga.Muling nagkatinginan sina alexa at aica.
"Here enjoy yourself pare babalik din sayo si dina -- inabot nito ang alak kay diego.
"Exactly! pare at siguraduhin kong babalik siya sakin at kapag mangyari yun hinding hindi ko na siya pakakawalan pa!"sabi nito bago nilagok ang alak.
"Yan- yan ang diego na pinsan ko!!! hahahaha at siguro naman makuha mo na rin pati ang- alam mo na yun hahaha".
Kumindat si jordan kay diego at nagtawanan sila.hindi naman maiwasang hindi mabahala si aica sa plano ni diego,kinakabahan siya para kay dina.Ininom niya ang huling champagne sa baso niya bago umalis sa club.
The next day nagpasya na si dina na pumasok sa school although hindi pa siya naka recover sa hiwalayan nila ni diego ay pinilit niyang inaliw ang sarili.
"Okay ka na ba?".
Tanong ni karen kay dina, pinuntahan agad siya nito sa office niya ng malamang pumasok na siya.
"Yeahh im okay kar,medyo hindi nga lang ako nakatulog ng maayos pero okay naman ako pipilitin kong maging okay".
Wala ng nagawa pa si karen kundi himasin ang braso ng kaibigan.
Kapwa sila nagulat ng may biglang pumasok sa office ni miss carangue.
"Oh-ahm sorry po ! nadisturbo ko po ba kayo?".Tilay nahihiyang sabi ni aica ng makitang gulat na nakatingin sina dina at karen.
Tumayo bigla si karen .
"ah dina I'll go ahead na, may ihahanda pa ako sa office". Ngumiti si karen kay aica bago ito daanan .
"Sige karen ingat ka!'.
Nahihiyang tumingin si aica kay dina ,nakita niya kasi ito sa hallway ng campus pero hindi ito pumasok sa sched nito sa room nila kaya nag alala siya para sa guro.
"Aica bakit nandito ka diba't dapat nasa room ka sa mga oras ngayon?".
Nakatitig lang si aica kay dina ,nakunot noo naman si dina ng Tinitigan lang siya ng dalaga at hindi siya sinagot.
"Aica go back to your---
Nanlaki ang mga mata ni dina ng bigla siyang yakapin ni aica.Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ito ng dalaga sa kanya.Hinarap niya ito at tiningnan. "Aica-
"Im so worried about you". Nagkatinginan sila sa kanilang mga mata pero parang hindi kayang makipag titigan ni dina kay aica dahil pakiramdam niya bumalik na naman ang mga butterflies sa katawan niya.
Pilit niya itong nginitian.
"wag mo na akong alalahanin okay lang ako --
"I know you're not!".
Napalunok siya sa sinabi aica ,para kasing alam nito ang totoo niyang nararamdaman na hindi pa talaga siya okay.
"Bakit mo naman nasabi yan? alam mo bumalik ka na sa room nyo dahil siguradong namissed mo na ang classes mo ,sige na don't mind me". Tumalikod siya dito para bumalik sa kanyang mesa pero naunahan na siya ni aica dahil bigla nitong hinawakan ang braso niya .
"Okày ka lang ba talaga?".Kitang kita ni dina sa mga mata ni aica ang sincerity sa tanong nito sa kanya na nag alala ito ng lubos .
Hindi agad siya nakapag salita .Iniwas niya ang tingin dito dahil parang marunong magbasa ng emotion si aica habang nakatitig ito sa kanya .
"Forget diego! as long as u can you have to stay away from him!".
Kumunot ang noo ni dina sa sinabi ni aica..bakit niya naman ito sasabihin ni hindi naman talaga niya kilala si diego.
"Wag mo ng pakialaman sa kung ano man ang nangyari sa amin ni diego ,hindi kita kinaibigan para pakialaman ako ..Oo naging mabait ako sayo aica pero itong nangyari sa buhay ko wala kang alam kaya pwede ba wag kang umasta na parang close na close tayo!".
Nakaramdam ng pagtusok ng karayom sa puso si aica ng marinig ang sinabi ni dina.
Nasaktan siya sa sinabi nito.
"Hindi ako nakialam dina i just want to protect you--
"protect me?". Pilit na ngumiti si dina kay aica . Naiinis siya dahil sa pangingialam nito sa buhay niya. "Kaya kong protektahan ang sarili ko aica! pwede ba tigil tigilan mo na yang pag deday dream mo.I don't need your protection , and please lumugar ka naman sa mga dapat mong pakialaman ! Hindi kita kailangan kung may kailangan man ako ngayon hindi ikaw yun! naiintindihan mo ba ako? hindi ikaw ang kailangan ko!".
Nabigla si dina ng makita ang pagpatak ng mga luha ni aica sa pisngi nito.Ngayon niya lang narealize na ang sakit ng mga binabato niyang salita kay aica .
"Im sorry mi-miss,im sorry".Tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ni aica ,hindi niya lang napigilan yung sakit . Mapait siyang ngumiti kay dina . "Sige po simula ngayon hindi na po kita pakikialaman ,again im sorry miss--miss carangue".
Nagpahid muna ng luha si aica bago lumabas sa office ni miss carangue.
Sobrang pag sisi ang naramdaman ni dina sa sarili.Gusto niyang sundan si aica para humingi ng tawad pero dinaig siya ng kanyang hiya.
+++
"Dina mag usap tayo please bigyan mo ako ulit ng pagkakataon ,dina".Sigaw ni diego ng hindi siya pinagbuksan ni dina ng pinto sa bahay.
"Hindi mo pa rin ba kakausapin si diego?".Tanong ni karen kay dina ,nag usap ang dalawa para sa preparation nila para sa event ng Bautista university next week.
"Ayoko na kar,wala rin namang patutunguhan kung kakausapin ko pa siya.ayoko na nakakapagod na!".
Tawag pa rin ng tawag si diego pero wala pa ring balak si dina na kausapin ito.Mabuti na lang at umalis ito agad sa bahay nila.
+++
"Uy bunso napadalaw ka?".
Malungkot na pumasok si aica sa condo ng kanyang kuya Michael. "Inaway ka na naman ba ni momy?". Seryosong tanong ng kuya niya ng wala pa rin siyang imik.
Umiling iling siya sa kuya Michael niya.
"Ahh alam ko na ,love?". Napatingin si aica sa kuya niyang mapanuksong tumingin sa kanya. "Sabi ko na ,ano ? gusto mong puntahan natin?".
Sabi nito sa kanya ng mapansing tahimik pa rin siya.
Umupo muna siya sa sofa bago tiningnan ang kuya niya.
"kuys,ang sakit sakit kasi e! ako na nga tong gustong magprotekta sa kanya ako pa mali!".
Inis niyang sabi dito, tinitigan lang siya ng kuya Michael alam kasi nito ang lahat ng naging karelasyon niya.
"teka lang bunso i never heard na may new love life ka na except kay lucas before pero matagal na yun almost one year na yun!".
" Ako pa lang ang nakaalam sa nararamdaman ko kuys,i keep silent about my feelings because im scared na baka itaboy niya ako .. kaibigan ko kasi siya-
"Friend? is it Jordan?".Inis niyang tiningnan ang kuya niya,di niya akalaing inisip nitong magustuhan niya ang jordan na yun.
"Kuys hindi si jordan! basta sasabihin ko sayo kapag okay na lahat". Ngumiti na siya sa kuya niya para di na ito magtatanong pa.
"Pakain na lang kuys! gutom na ako tsaka dito ako matutulog ah". Tumakbo na siya sa kitchen ng kuya niya ,natawang sinundan naman siya ng kuya Michael niya.
+++
" saan ka ba kahapon hindi ka na bumalik sa klase natin hanggang hapon".Tanong ni alexa ng maupo siya sa kanyang upuan . Pagkatapos kasi ng pag uusap nila ni dina ay hindi na siya bumalik sa room.durog na durog ang puso niya kaya mas pinili niyang mapag isa muna.
"Sa kuya Michael ko ".Tipid niyang sagot kay alexa ,Hindi na nagtanong pang muli si alexa ng biglang pumasok si dina sa room nila.
"Hai good morning ! ahm may importante lang akong announcement".
Pilit na iniwasan ni aica ang mga mata ni dina ,ayaw na niya itong tingnan dahil baka mas lalo lang itong mainis sa kanya dahil sa pangingialam niya sa buhay nito.
"Next week lahat tayo pupunta ng Baguio! alam nyo naman siguro ang mga activities na gagawin bilang isang tourism students right?". Tumango tango ang estudyante sa harap ni dina maliban lang kay aica na Seryosong nakatingin sa phone nito.Ilang ulit niya itong tiningnan pero parang iniwasan na siya ng dalaga . "Ahm-- bukas weekend na ".Muli niyang tiningnan si aica nasa phone pa rin ang attention nito,naalala niya kasi ang plano nilang mamasyal sa weekend pero parang hindi ito mangyari dahil iniwasan na siya ng dalaga. "Enjoy your day and maghanda na kayo para sa pagpunta natin ng Baguio!".
Bago bumalik sa mesa ay muli niyang tiningnan si aica , nasa phone parin ito nakatingin.
Malungkot siyang bumalik sa kanyang mesa.
Hindi niya maintindihan ang sarili dahil parang kulang araw niya kapag hindi sila nagkausap ni aica.Namimiss na niya ang Pangungulit nito sa kanya.
+++
Nagmamadaling kumuha ng pagkain si dina dahil kanina pa tumutunog ang tiyan niya.
Nahuli kasi siya kay karen dahil may tinapos pa siya sa kanyang office.
Eksaktong paglingon niya ay nagkaharap sila ni aica.Binigyan niya ito ng naka line smile sa labi,pero agad itong nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.Hindi niya alam kung bakit biglang sumikip ang dib dib niya ng iwasan siya ni aica.
"What's the matter? nasa harap mo na yung pagkain pero ang lungkot mo".Tanong ni karen ng maupo siya sa mesa nila.
"Do you remember aica ,my student..at naging kaibigan ko rin? she's mad at me".
"Why? binagsak mo ba ?".Birong tanong ni karen sa kanya.
"Hindi alam kasi niya yung hiwalayan namin ni diego eh dahil sa naiinis ako na pinakialaman niya yun ,pinagsabihan ko siya and di ko akalaing nakakasakit pala sa kanya yun".
"Baka naman concern lang siya sayo dina,ikaw na rin ang nagsabi na magkaibigan na kayo ".
end of chapter