Falling inlove with my teacher
Falling inlove with my teacher
Chapter 1
Nagmamadaling nagmaneho ng kanyang kotse si aica dahil paniguradong late na siya sa usapan ng kanyang mga kaibigan na mag unwind sa club kung saan sila laging umiinom.
's**t im 10 minutes late grrrr!'
maktol niya sa sarili.
Mas binilisan pa niya ang pag drive hanggang sa may babaeng biglang tumawid mabuti na lang at naapakan niya agad ang break .Napapikit siya sa nangyari dahil akala niyay mabababangga na siya.
Hanggang sa napansin niyang may babaeng nagsisigaw sa bintana ng kanyang kotse.
Binuksan niya ang bintana para kausapin ang babae.
"Hoy !! papatayin mo ba ako!Hindi ka ba marunong magdrive huh? Look at this!".
Tinuro ng babae ang dala nitong cake na halos tunaw na dahil nahulog ito sa kalsada pero hindi pa rin siya tiningnan ni aica nanatili itong nakatingin sa harap ng kotse.
"Tingnan mo ang ginawa !!!!! alam mo bang pinag hirapan ko to !grabi ang puyat ko dito pero dahil sayo nawala lahat ng pinaghirapan ko!".sigaw ng babae sa kanya .
"Are you done miss?".Tanging tanong niya na mas lalong nagpagalit sa babae.Nilingon niya ito at pulang pula na ang pisngi nito sa galit.
Kumuha siya ng pera sa wallet pagkatapos ay itinapon sa harap ng babae.
"Buy another cake ! oh wait-- keep the change!".Mapang asar na ngumiti si aica sa babae pagkatapos ay agad na pinaandar ang kotse at pinatakbo !!!Napailing nalang si aica sa nangyari mas lalo siyang late dahil sa aksidente kanina!
Pagdating sa club ay agad na ipinarada ang kotse bago pumasok sa loob.
Pagkapasok palang niya sa VIP room ay pasalampak siyang naupo sa sofa!
"You're late again aica ...lagi na lang".Sabi ni alexa habang inabutan siya ng whine.inirapan niya lang ito dahil hindi pa mawala sa isip niya ang nangyari kanina.
"Nakakainis !".Bulong niya pagkatapos ininom ang whine.Pinagtawanan lang siya ng kanyang mga kaibigan habang umiling iling ang mga ito.
"What happen ba kasi bakit pagdating mo nakasimangot kaagad yang mukha mo?".
Nag roll eyes siya ng maalalang muli ang nangyari kanina dahil sa tanong ni jennifer.
"Well,there was this annoying girl nakakainis! siya na nga yung biglang tumawid siya pa yung galit! kakainis!".
Inis niyang sabi sa mga kaibigan.
"hai ladies".Sabay nilang nilingon ang mga kaibigan pa nila na galing sa ibang VIP room.Si jordan na manliligaw ni aica , si jeff na boyfriend ni jen at si roy na boyfriend din ni alexa.
"Hai babe!".Tumabi agad si jordan kay aica ngunit inirapan lang siya ng dalaga.
Habang sina jen at alexa ay partner na nila ang kanilang mga boyfriend.
"what's wrong ? ang sungit naman ng babe ko". Inakbayan ni jordan si aica ngunit naging mailap ang dalaga sa lalaki.
"Can you please stop calling me babe!nakakairita!". Napawhat look nalang si jordan sa inasta ni aica.Ganun pa rin naman talaga ang turing nito sa kanya ni hindi siya nito binigyan ng magandang pakikisama .
Tinawanan lang sila ng kanilang mga kaibigan na naglalambingan sa isat isa.
Nakailang shot pa si aica bago nagpasyang umuwi habang ang mga kaibigang si alexa at jen ay busy sa pakikipaghalikan sa mga boyfriend nila.
Napailing na lang siya ng tingnan niya ang mga ito.
"Di ka ba naiingit sa kanila?". Nakangising tanong ni Jordan kay aica.Akmang hahalikan sana siya ng lalaki pero umiwas siya dito at tumayo.
"Why would i? Kahit ikaw pa ang lalaking matitira sa mundo i will never kiss you jordan!".Padabog na lumabas ng vip room si aica habang napainom nalang ng alak si jordan sa sinabi ng dalaga sa kanya.
"Maangkin rin kita ".Bulong niya sa sarili,umalis na lang din siya sa vip room at naghanap ng babae sa club para mawala ang init na naramdaman niya kay aica.
-----++
"Amoy alak ka na naman! Dash! ano ? hindi ka ba titigil sa kalokohan mo?".galit na pagsermon ni mrs.del valle kay aica na kararating lang.
"tss ingay ingay!". umepekto na ang alak sa katawan niya kaya dinaanan lang ng dalaga ang momy nito na umuusok na sa galit .Akala pa naman niya natutulog na ito ganun naman talaga ang trato nito sa kanya.Lagi na lang siyang pinapagalitan lahat ng ginagawa niya hindi nito gusto.
"Aica dash! kinausap pa kita!".Sumunod ito sa kanya.
"Mom look it's already midnight matulog ka na dahil inaantok na rin ako".
Hindi niya ito hinintay na makapagsalita agad siyang naglakad pupuntang kwarto niya.
"Walang hiya ka talagang bata ka! walang respeto-----------
Marami pa itong sinabi pero hindi na niya ito pinakinggan hanggang sa nakapasok na nga siya sa kwarto niya.
----------
Kinaumagahan nakita niyang nag breakfast ang dady at momy niya.Naglalakad na siya palabas ng bahay ng bigla siyang tawagin ng kanyang dady.
"Dash,hindi ka ba magbebreakfast?".
Pilit siyang ngumiti sa ama niya.
"Hindi na dad".
Tanggi niya dito ngunit tumayo ito para puntahan siya ,napansin niya naman na tahimik lang ang momy niya na kumakain.
Siya si Aica dash del valle 19 years of age anak ng nag iisang mayor sa manila na si valentine del valle ...Kinakakatakutan ng marami dahil sa pagiging strikto nito sa pamamahala niya sa manila pero pagdating sa anak niyang si aica ay isang napaka bait na ama . Samantalang ang ina niyang si Anastasia del valle ay isang business owner sa iba't ibang dako ng bansa . Sobrang successful ng mga negosyo nitong pinangalanang Tasia's cup cake! Isa na itong supplier ng mga cup cakes sa ibat ibang bansa.Pangarap nitong ang anak na si aica ang susunod at mag manage ng kanyang mga negosyo ngunit mailap ang dalaga sa kanya dahil iba ang hilig nito pangarap nitong maging isang flight attendant na ayaw ng kanyang ina na si Anastasia.
May Kambal na kapatid si aica ang kuya mike niya na may asawa na at ang kuya Micheal na hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaasawa dahil choosy ito pagdating sa babae.Ang kuya mike niya ay bumukod na ito ng bahay at ang kuya Michael niya naman ay may sariling condo na tinitirhan.
"Dash i heard about what happened last night,i told you stop doing things na nakakasira sa buhay mo".
Nginitian niya ang kanyang ama dahil sa sinabi nito.
"Dad im not doing any things na nakakasira ng buhay ko ,im just having fun with my friends yun lang ,si momy lang naman yung galit e !".
Tiningnan niya ang kanyang momy na busy pa rin sa pagkain,first time na hindi siya nito pinagalitan kapag hindi nagbebreakfast.Magmula kasi ng kumuha siya ng tourism course ay nag iba na ang pakisama nito sa kanya lagi nalang ito galit sa kanya dahil ang gusto nitong kunin niya ay business management na hindi naman niya gusto.
"Hayaan mo na siya Valentin ! wag mo ng konsentihin ang anak mong yan!".
Nagkatinginan sila ng daddy niya dahil sa sinabi ng kanyang momy.
"Ahm bye dad sa canteen na lang ako kakain don't worry about me ok, i will make sure na matutupad lahat ng pangarap na GUSTO KO!".sinadya niyang taasan ang boses niya para marinig ito ng kanyang momy.
Hinalikan muna niya ang kanyang dady bago umalis ng bahay.
Samantalang bumalik sa dining table si mr.del valle para ipagpatuloy ang pagkain ngunit ng maupo siyay biglang tumayo ang asawa niya.
"Im done! Nakakawalang gana kumain ".Sabi nito sabay lakad paakyat sa kwarto nila.Hangang tingin nalang si mr.del valle sa asawa.
+++
"Good morning ,alam naman siguro ninyo na hindi na makag bigay ng serbisyo si mr.Alvarez dahil sa kalagayn niya ngayon so may nakita na kaming papalit sa kanya".
Nagbulong bulong ang mga kaklase ni aica sa likod niya dahil sa sinabi ng kanilang
teacher na si mr.magsay say.Si mr.alvarez ang kanilang adviser at dahil inatake ito ay kailangan ng palitan.
"I want you to introduce your new adviser miss Dina mae carangue".Sabay sabay silang lahat napalingon sa pagpasok ni Dina.
Si dina mae carangue ,27 years old ay isang baguhang guro sa bansa at dahil sa angking talino ay natanggap agad siya ng mag apply sa Bautista university .Pinaka sikat na paaralan sa buong bansa.
Siya na ang bumubuhay sa ina niya at ang kanyang bunsong kapatid.Lumaki sa mahirap na buhay pero kinaya niya rin lahat para sa mga pangarap na gusto niyang abutin at ngayon nagpapasalamat siya dahil nakapasok siya sa Bautista university ,bukod sa sikat nga ang university na ito ,,napalaki rin ng sweldo niya dito.
Masaya ang puso niya dahil kasama niya ang kanyang boyfriend na si deigo na halos isang taon ng nagmamahalan.
Kinabahan siya habang ipinakilala siya ni mr mag say say ,alam niya kasing teenager na ang mga tuturuan niya.
"Haii ,you can call me miss dina or miss carangue ,sana magkakaiintindihan tayo dito .Isa lang ang gusto kong iparating sa inyo . Respect all the rules na gusto kong mangyari sa room na ito".
Lumabas na si mr mag saysay ng senyasan ito ni dina na okay na.
Samantalang pilit na inalala ni aica kung saan nga ba niya nakita ang bagong guro na nasa harap nila ngayon.
"So everyone hindi ko pa kayo nakilala being a tourism students ,hinahasa ko kayo sa pag bibigay ng kaunting introduction sa sarili ninyo i mean ,magpapakilala kayo dito sa harap ko".
Habang nagsasalita ang mga kaklase ni aica hindi naman siya mapakali .
"She really looks familiar".Bulong niya sa sarili . Tinitigan niya ng maigi si dina busy ito sa pakikinig sa kanyang mga klasmeyt .
Hanggang sa ------
"Oh my god!".
Napahinto sa pagsasalita si alexa ng marinig nila si aica.Ganun rin si dina napatingin ito sa pwesto ni aica na siyang ikinagulat niya.
Napahawak si aica sa bibig niya naalala niya kasi kung saan nga niya nakita ang bagong guro.Hindi siya makapaniwala na ang bago nilang adviser ay ang babaeng naka encounter niya sa aksidente sa kalsada kahapon.
"Yes miss?".Tanong ni dina kay aica na tulala pa rin . "ahm miss lorenzo you can now sit down".Sabi nito kay alexa na nagmamadaling umupo sa tabi ni aica. "now it's your turn miss?".
Hindi agad makatayo si aica sa kinauupuan niya .Kabado siya habang nakatitig sa kanya si dina.
"Aica ikaw na tawag ka ni miss carangue". Bulong ni alexa kay aica, Napalunok ng laway ang dalaga bago tumayo, dahan dahan siyang naglakad sa harap.Pansin pa rin niyang nakatitig si dina sa kanya kaya mas lalo siyang kinabahan.
"Ahhm ,im- im aica dash del valle 19 ,and i want to be a successful flight attendant".
Pagkatapos ay nagmamadaling umupo si aica ,hindi naman siya pinansin ni dina na akala niya pagalitan siya nito sa harap ng kaklase niya,bagkus nagpatuloy lang ito sa pagpapakilala ng kanyang mga klasmeyt sa harap.
+++++
"omG! aica talaga siya yung babaeng nabangga mo kahapon?". Kinakabahang tanong ni alexa sa kanya.Katatapos lang nilang kumain ngayon sa canteen.
"Yes ! hindi ako maaring magkamali e ,siya talaga yun! kung minalas ka nga naman!".
"del valle?".
Sabay sabay silang napalingon nina alexa at jen sa eatudyanteng tumawag kay aica.Tinaasan niya ito ng kilay ng hindi ito nakapagsalita
"What?". iritang tanong niya dito .Ang dami na ngang niyang problema dumagdag pa to .
"Pintawag ka ni miss carangue sa office niya". Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng eatudyante ,kumaripas agad ito ng lakad palayo.
Ni hindi pa nga siya nakarecover kanina ng makita niya ito sa room ito na naman.
"Naku aica,mukhang nakilala ka ni miss carangue".Pag alalang sabi ni alexa sa kanya.
"at baka ibagsak ka nun!".dugtong naman ni jennifer ,sinamaan niya lang ng tingin ang dalawa.Tumayo na siya at iniwan ang mga ito.
Natanaw niya na agad ang office ng miss carangue na yun."Hays bakit ba kasi sa dinami rami ng ipinalit kay mr.alvarez ito pang si miss carangue ang ipinalit".sabi niya sa sarili
tok! tok!tok! sunod sunod ang pagkatok sa pinto ng office.
'Come in'
Rinig niya sa loob kayat pinihit niya agad ang doorknob .
Busy si miss carangue sa pagsusulat habang papalapit siya sa mesa nito.Sobrang bilis pa rin ng kabog sa dibdib niya.Ngayon lang siya natakot ng ganito .
"Sit down del valle!".
Sabi nito ng hindi pa rin nakatingin sa kanya busy pa rin ito kaya umupo nalang siya sa upuan sa harap ng mesa nito.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nito tiningnan ,napatitig siya dito she's like an angel napakaamo ng mukha niya kaya dapat hindi siya matakot ,siguro mabait naman to .
"Stop staring del valle!".
Nag iwas agad siya ng tingin ng marinig ang sinabi nito.Inilibot niya na lang ang paningin sa loob hanggang sa may nakita siyang frame sa gilid ng table ni miss carangue.
Alam niyang si miss carangue iyon at may kasamang lalaki na nakaakbay sa kanya. 'Baka boyfriend niya'
Sabi niya sa sarili.Tiningnan niya ulit ito nagulat siya ng nakatingin na pala ito sa kanya .
Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang naramdaman habang nakipag titigan dito,napalunok siya ng tumayo ito sa kanyang harapan.
"the world is so small for us del valle!".
Nanigas siya sa kanyang kinauupuan although napaka cold ng pagsasalita nito ay sobrang sarap pakinggan ng boses nito,para itong anghel na nakatayo sa kanyang harapan.
"I don't want to check her out but ammmp! she's so pretty she looks like heart evanghelista! "sabi niya sa kanyang sarili.
"Done checking me?". Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng mapansing nasa harap niya na ito nakatayo at ilang inches lang ang lapit nito sakanya
" wh--aat do you need from me?".nauutal niyang tanong,tumayo siya at hinarap ito ng walang takot . "Ba-bakit mo ako pinatawag?you are wasting my time miss carangue".
Ngumisi ito sa harap niya. " bakit nakalimutan mo na ba ang nangyari ? gusto mong ipaalala ko sayo?". Bigla na lang nag iba ang mukha nito kung kaninay para itong anghel ngayon namay parang gusto itong pumatay sa harap niya.
"bakit ano bang kasalanan ko ha? kasalanan mo rin naman yun ah dahil hindi ka tumitingin sa dinaanan mo!".
Mas lalo niya pang nakita ang galit nito.
"Really?? so ako pa ang may kasalanan ngayon ! Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo! sinira mo ang lahat nong araw na yun!".Sigaw nito sa harap niya.
"Stop shouting hindi ako bingi!".Napailing ito sa sobrang galit."I don't have to say anything here miss carangue kasi wala akong kasalanan!".
"Wow!! pinaninindigan mo talaga yan ! Pagsisihan mo to del valle!".
Ngumiti siya ng nakakaloko dito at unti unti naglakad palapit kay miss carangue.Pansin niya naman ang paghakbang nito paatras kaya mas ngumisi pa siya dito. "Bakit anong gagawin mo , ibagsak moko ha,ano ?".
Paatras lang ng paatras si miss carangue hanggang sa naipit na niya ito sa pader. Namutla siya ng marealize na sobrang lapit na pala niya dito ,konting hakbang lang ay mahahalikan na niya ito.Ramdam na ramdam niya na rin ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso .
"What are --you -doing del valle?".utal nitong tanong sa kanya mas inilapit pa niya ang mukha niya dito at panay lunok naman si miss carangue at halatang pilit na umiwas sa kanya.
"Do you want to have a revenge right,then go i will play with you then".
Tinitigan niya ito sa mata todo iwas naman si miss carangue sa kanya tekaaaaa! what the f she did!?
Umatras na siya dahil hindi na niya kayang pakinggan ang t***k ng kanyang puso para bang may kakaiba siyang nararamdaman habang nakatitig sa mga mata ni miss carangue.
Nagmamadali siyang lumabas sa office ni miss carangue nakakahiya!! arghhhhh! omg! anong ginawa mo aica dash??napasandal siya sa pinto ng office ni miss carangue tsaka hinawakan ang dibdib na pagkabilis bilis kung tumibok.
❣️?
"Hai dina". Nagulat si dina ng makitang nasa harap na pala niya si karen isa rin sa mga teacher sa university at ito mismo ang tumulong para makapasok siya sa Bautista university.
Kanina pa kasi siya tulala magmula nong nag usap sila ni aica.Hindi na mawala sa isip niya ang mukha nito.Lalong lalo na ang puso niya na tumibok ng pagkabilis bilis,di niya ma explain kung ano ang nararamdaman niya ng maglapit ang mga mukha nila ni aica.
"How's the first day here?".Tanong ni karen ng mapansing hindi pa rin kumikibo si dina.
"Ahm o-ok naman medyo Kinakabahan pero nakayanan ko naman ". Ngumiti si dina sa kaibigan para hindi na nito mahalata na may gumugulo sa isip niya.
"Mabuti naman at kapag binabastos ka ng mga estudyante mo sabihin mo agad sakin ha ".
Nginitian niya na lang si karen dahil sa sinabi nito.
The next day busy sa pag uusap sina aica at alexa ng biglang dumating si miss carangue.
Narinig naman ni aica ang mga klasmeyt nilang lalaki na nagbulong bulongan habang nakatalikod miss carangue busy ito sa pagkuha ng mga gamit sa bag.
Napansin niyang medyo nataas ang suot nitong skirt ,kitang kita niya ang mahahaba at mapuputi nitong hita.Bigla siyang nainis sa bulong bulongan ng mga lalaki sa likod niya.
'Kinis pare'
'Sexy ni maam sarap'
'Laki ng butt niya haha sarap e dog----
Tumayo si aica at nilingon ang mga nasa likod.
"Hoy! mga pervert titigil kayo o isusumbong ko kayo sa guidance office!".
Napalingon naman si dina ng marinig si aica,galit niya itong tiningnan.
"Del valle why are you shouting? If you don't want to enter in my class ! pwede ka ng lumabas!".
Napaawang ang bibig ni aica ng sigawan siya ni dina.Narinig niya naman na pinagtatawanan siya ng mga lalaki sa likod.Umupo na lang siya ng senyasan siya ni alexa na maupo na.
'Siya na nga tong tinulungan siya pang galit'
pagmamaktol ni aica ngunit narinig ito ni dina.
"del valle! di ka ba titigil!".
Sinamaan na lang niya ng tingin si miss carangue at tumahimik.
Naririnig pa rin niya ang klasmeyt niya sa likod ewan ba niya talagang napipikon siya habang iniisip na binabastos nila si miss carangue na walang kaalam alam.
Agad rin namang natapos ang oras ni miss carangue kaya tumayo na siya ng marinig ang bell .Hindi niya napansin na muling nataas ang suot niyang skirt Binalingan niya ng tingin ang mga lalaki na nasa likod dahil rinig na rinig niya ang mga sinasabi ng mga ito.
"Lahat kayo proceed sa guidance office!".galit niyang sabi sa mga lalaki na nasa likod nakaupo. "Mga bastos!".
"Miss ang sexy mo kasi pwede bang akin ka na lang?".
"Hindi akin yan pare ".
"Hindi sa akin si maam ako ang type nyan".
Nakita pa niya ang pagkindat ng ilang lalaki sa kanya.Nagtawanan ang ibang estudyante sa harap nakaramdam siya ng galit dahil hindi siya nererespeto ng mga ito at the same time natakot rin siya dahil naalala niya ang sinabi ni karen sa kanya na.
flasback:
"Dina ito lagi mong tatandaan wag mong patulan ang mga taong nambabastos sayo dahil lahat ng mga estudyante dito sa Bautista university ay maimpluwensyang tao kahit magsusumbong ka ,talo ka dahil pera pera lang din ang pinapaikot dito! mag ingat ka dito ha".
end
Nakaramdam siya ng takot ng makita ang mga mukha ng lalaki na nakatitig sa kanya.
Hanggang sa lumapit si aica sa kanya ,nagulat siya ng pumwesto ito sa likod niya at ipinatong sa magkabilang balikat niya ang jacket .
"Take it ,please wag kang magsusuot ng ganyan kung ayaw mong bastusin ka nila".
Kinakabahang isinuot niya ang jacket na binigay ni aica.Napansin pa rin niya ang presensya ni aica sa kanyang likod kaya napalunok siya ng paulit ulit.
"Sa-salamat!".Kabadong pasalamat niya kay aica.Agad niyang nilisan ang room dahil nakaramdam talaga siya ng takot ng maalala ang mukha ng mga lalaki.
----------++++
"Grabi ka aica hero na hero ka kanina kay miss carangue ah akala ko ba magkagalit kayong dalawa".Sabi ni Jennifer pauwi na sila palabas ng Bautista university.
"Hero ka dyan ,naawa lang ako dun kasi bago pa siya dito tapos di pa niya alam na ganun ang mga klasmeyt nating mga manyak!".
Naiinis niyang sabi kay jen at alexa.
"Well mukhang may points ka kay miss carangue dahil sa pagtulong mo sa kanya".- alexa
Nginitian niya na lang ang dalawa dahil sa mga puri nito sa kanya pero lihim siyang napangiti dahil iniisip niyang sana totoo ang sinabi ni alexa na may points na siya para mabawasan ang galit ni miss carangue sa kanya.
Naghiwa hiwalay na silang tatlo sakay ang kani kanilang kotse .
Habang naglalakad si dina bumuhos ang malakas na ulan, patakbo siyang naglakad dahil nasa unahan pa ang sakayan ng jeep.
Kahit na suot pa rin niya ang jacket na binigay ni aica ay pansin niyang basang basa pa rin siya.
Nilingon niya ang kotse na nasa likod niya huminto ito sa kanyang gilid kaya napahinto siya.
"Miss carangue get in!".Namukhaan niya agad si aica nag alangan siyang sumakay kaya hindi niya ito pinansin at nagsimulang maglakad total malapit na rin naman ang sakayan ng jeep.Humihina na rin ang ulan.
Akala niyay dederetsu na ito pauwi pero nakasunod pa rin ang kotse ni aica sa likod.
"Miss--".Tawag nito sa kanya hindi pa rin niya ito nilingon. "miss please wag ng matigas ang ulo ,sumakay ka na basang basa ka na oh". Nakasunod pa rin ang kotse nito kaya huminto na siya at sumakay na lang.
"Nakakahiya sayo nababasa tong upuan ng kotse mo dahil sakin".
Ngumiti si aica kay Miss carangue dahil pansin niyang mabait na ito sa kanya.
"Okay lang miss kesa naman naglalakad ka tapos basang basa ka pa".Kinuha ni aica ang extra shirt niya na nasa likod ng kanyang kotse para ipasuot kay miss carangue.
"Here miss,you can wear this muna--
"Ha? naku wag na tama na tong pinasakay moko".Nagpag pag ng kanyang katawan si miss carangue ng hubarin nito ang jacket na basang basa.Napatitig naman si aica sa katawan nitong bakat na bakat lalong lalo na sa bandang dib dib nito.
Napailing siya sa kanyang sarili hindi siya dapat maatract sa babae at kay miss carangue pa.
Nag clear throat muna siya bago nag salita busy pa rin si miss carangue sa punas ng sarili gamit ang kamay nito.
"Miss isuot muna to ok baka kasi magkakasakit ka niyan , sige na".Pagkumbinsi ni aica kay miss carangue mukha namang nakumbinsi niya ito dahil Napatingin ito sa t-shirt na inabot niya.
"salamat del valle ah ".Kinuha niya ang t-shirt na inabot ni aica.
Dahil inisip ni miss carangue na puro sila babae ay hinubad na niya agad ang suot niyang white polo shirt.
samantalang bigla namang nag init ang buong katawan ni aica ng mapansin naghubad na sa gilid niya si miss carangue.Kahit na hindi siya nakatingin dito ay pansin niya ang napakagandang katawan nito.Ang laki ng dib dib nito na mas lalong nagpainit kay aica.Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya .Hindi siya tomboy at mas lalong hindi pa siya naatract sa babae as in ngayon lang talaga!
"Salamat talaga dito aica ".Todo pasalamat si dina kay aica dahil kanina palang sa room ay iniligtas siya nito sa mga kaklaseng manyak at ngayon naman pinasakay siya sa kotse nito.
"Ahm sana kahit papaano nakabawi ako sayo sa nangyaring aksidente nong natapon yung dala mong cake,sorry talaga dun miss ah actually nagmamadali lang talaga ako nun ".
Nginitian niya si aica dahil ang totooy nawala na ang galit niya sa dalaga dahil sa kabaitan nito.
"It's ok del valle.. Pasensya na din dahil nasigawan kita nun.yung cake kasi nayun sobrang special sakin ,ako mismo ang nag bake nun para sa anniversary sana namin ng boyfriend ko but let's forget about it ".
Napatango na lang si aica sa narinig grabi nga pala talaga ang effort niya dun sa cake.'swerte naman ng boyfriend niya 'sabi ng isip niya.
Pinaandar na niya ang kotse para makaalis na sila mag alas 6 narin kasi ng gabi.
"Saan ka ba nakatira miss?".Tanong ni aica habang nasa kalagitnaan sila ng byahe.
"Malapit lang naman ,ihinto mo na lang dyan sa eskeneta ,lalakarin ko na lang yung sa amin nakakahiya naman sayo del valle-
"Just call me aica nalang po sana naman magkaibigan na tayo ah miss".
"Oo naman aica ".
Nakangiti sila sa isat isa.
Bigla namang nag ring ang phone ni dina kinuha niya ito sa bag at sinagot ang tumawag na si Diego.
'Nasan ka na ba?'
Sabi sa kabilang linya, Napatingin naman si dina kay aica na busy sa pag drive.
"ah pauwi na ako dyan diego bakit?".
Ibinaba agad ni dina ang tawag ng matapos silang mag usap ni diego.
"Boyfriend mo?".Tanong ni aica kay dina .
"Ah oo ".Tipid na sagot ni dina kay aica.Malungkot siyang tumingin sa labas ng bintana dahil siguradong mag aaway na naman sila ni diego .Lahat ng oras at effort binibigay niya dito pero duda pa rin ito ng duda sa kanya na may lalaki siya.
Napatingin naman si aica ng makitang malungkot na nakatingin sa bintana si dina.Halatang may problema ito dahil pagkatapos ng tawag ng boyfriend nito ay biglang nag iba ang mood nito.
"Okay ka lang miss?".
Basag niya sa katahimikan.
"Ah oo okay lang aica ". Tumingin tingin ito sa labas ng bintana . "Ahm ihinto mo na lang dyan sa gilid ,dito na lang ako".
Agad namang inihinto ni aica ang kotse.
"sure ka ba miss? baka malayo pa to sa bahay nyo".
"Actually nandyan naman si diego siguro sa kanya nalang ako magpahatid sa amin".
Nakaramdam naman ng pagkabigo si aica parang feeling niya nasaktan siya ng piliin nito si diego kesa sa kanya.Pilit nalang niyang iniwaksi ang mga iniisip dahil para na siyang baliw sa mga naiisip.
Palabas na sana si dina ng pigilan ito ni aica, Napatingin ang guro sa kamay ni aica na nakapatong sa braso niya.
"ah ahm ingat". Tanging nasabi nalang ni aica dahil bigla na lang nablanco ang isip niya ng lumingon si dina sa kanya at ewan ba niya kung bakit pinigilan niya ito.
"Thanks aica ,ikaw rin salamat ulit sa paghatid".Isang matamis na ngiti ang ginawa ni dina kay aica.kung dati galit na galit siya dito ngayon namay sobrang gaan ng loob niya dito.
Lumabas na siya ng tuluyan sa kotse ni aica.Hinanap ng mga mata niya si diego na gustong makipag kita sa kanya.
"Sino yan? ". Tanong ni diego ng makitang lumabas si dina sa isang mamahaling kotse. "yan ba yung lalaki mo?".
"diego hindi ! halikana ano bang pag uusapan natin?".Hinila ni dina si diego pero naglakad ito papunta sa kotse ni aica at pilit na kinatok ang bintana.
"Hoy lumabas ka dyan! ikaw ba ang lalaki ni dina ! lumabas ka dyan!".galit na sigaw ni diego .
"Diego ano ba ! hindi ko nga siya lalaki,halikana nakakahiya !".pilit niyang hinila si diego pero inalis nito ang kamay ni dina at hinarap muli ang kotse ni aica.
"hoy labas ka dyan!".
Samantalang binuksan ni aica ang bintana ng kotse niya ng makitang nagsisigaw ang boyfriend ni dina sa labas.
Nadismaya naman si diego ng makita ang mukha ni aica.
"Miss may problema ba?".Tanong ni aica kay dina .Natahimik naman si diego ng makita ang sakay ng kotse.
"Wa- wala aica sige na umalis ka na,aalis na kami ni diego ".Dinala na nga ni dina si diego kung saan sila mag uusap.
Gustuhin mang manatili ni aica sa lugar na iyon dahil nag alala siya kay dina pero inisip niya na lang na wala siyang karapatan na makialam sa relasyon ng dalawa .Napansin kasi niya na may problema talaga si dina sa boyfriend nito.
"Nabalitaan kong lumipat ka ng school bakit? para hindi ko malaman ang lalaki mo?".
Naiinis na si dina sa mga sinasabi ni diego pilit pa rin nitong ipamukha sa kanya na may lalaki siya.
"Wala ka bang tiwala sakin? diego naman isang taon na tayo oh ganyan pa rin yung tingin mo sakin".
Tinitigan siya ng lalaki na puno ng pagdududa.
"Sa lahat ng ayoko ay yung niloloko ako--
"Hindi nga kita niloloko!" .
"Siguraduhin mo lang dina dahil sa oras na malaman ko ! papatayin ko kayong dalawa!".
Nanlaki ang mga mata ni dina sa narinig buong buhay niya ngayon lang siya pinagbantaan ng lalaki.
Minahal niya ang lalaki lahat ginawa niya para ipakita dito ang pagmamahal niya pero feeling niya bakit parang kulang pa rin.
"sorry sa sinabi ko". Napatingin siya sa lalaki ng biglang magsorry ito sa kanya.Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Gusto ko lang na wala akong kahati,mahal kita dina,akin ka lang". Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi.
Tilay naniwala naman si dina na mahal siya ni diego sadyang seloso lang talaga ito.Tumugon siya sa halik ng lalaki .Mahal niya si diego kaya kahit lagi silang nag aaway iintindihin niya ito .
"Mahal din kita diego sana hindi ka na magduda sakin ".Sabi niya ng kumalas sila sa isat isa . Ngumiti ang lalaki at muli siyang siniil ng halik ,paulit ulit nitong kinagat ang labi niya.
Hanggang napagpasyahan ng lalaki na ihatid si dina sa bahay nila gamit ang motor nito na nasa gilid nila.
Kinabukasan excited na pumasok si aica sa university na pinapasukan.Feeling niya gusto na niyang makita ulit si dina dahil okay na sila .
Pagdating ng kotse niya ay naghanap agad siya ng maparkingan ng mahagip ng dalawang mata niya si dina at ang boyfriend nitong si diego.Bumaba ito sa motor ng boyfriend.
Pinagmasdan lang ni aica ang dalawa Seryosong nag usap ang mga ito.
Hanggang sa hinalikan ng lalaki si dina.Agad siyang nag iwas ng tingin dito dahil hindi niya mawari kung ano ang nararamdaman niya ng makita itong naghalikan.
'I don't want this feeling why? of all why ? bakit sa babae pa? 'Tanong niya sa sarili.Nababaliw na ba ako?Ipinikit niya ang mga mata para makalimutan ang nararamdaman niya .
Nagpasya na lang siyang bumaba sa kotse niya.Nagmamadali siyang naglakad para iwasan sina dina at Diego dahil parang mababaliw na siya sa kakaisip.
"hey aica". Narinig niya ang pagtawag ni dina sa kanya,napakagat siya ng labi niya bago nilingon si dina.Lumapit ito sa kanya kasama si diego.Pilit siyang ngumiti sa dalawa para pagtakpan ang totoo niyang nararamdaman habang kaharap ang mga ito .
end of chapter ?