Chapter 37 Nagkakasiyahan sa mansyon ng mga Fajardo dahil sa kasalang Hunter at Lily pero hindi naman magawang magsaya ni Lily sa mga oras na ito. Pagkailang ang nararamdaman ni Lily sa mga sandaling ito habang katabi niya si Hunter sa kanilang upuan habang pinapanuod ang iba na nagsasayawan, mamaya pa kasi ang oras ng kanilang sayaw at kinakabahan siya dahil hindi naman siya gaanong marunong sumayaw. Ang inaakala niya din ay naboboring na si Hunter dahil walang emosyon ang kanyang mukha. Ang hindi niya alam ay palihim siyang tinitignan ni Hunter. Kaya lang naman ganito ang nararmdaman ni Hunter ay nabigla siya sa kasalang naganap sa pagitan nilang dalawa ni Lily. Ang gusto niya sana ay kilalanin niya muna ito pero dahil nga sa biglaang sinabi ng kanyang ama na ipapaksal siya nito sa iban

