Chapter 39 Nakatanaw si Lily kay Hunter mula sa bintana ng kanilang kwarto habang papaalis ang sasakyan nito at siya ang nagmamaneho. Pagkatapos kasi ng party ay biglang umalis na lang si Hunter at siya naman ay inihatid ng mga kasambahay sa kanilang kwarto. Saktong nakatingin siya sa bintana at nakita niyang nagmaneho paalis si Hunter. Napabuntonghininga na lang si Lily dahil kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Iniisip ni Lily na mas mabuti na lang na umalis na ito. Mula sa kanyang kinatatayuan ay naglakad si Lily sa banyo, nais na niyang maligo para mas maayos siyang makatulog maya-maya. Wala naman siyang masyadong ginawa pero sa mga nangyari sa kanya ngayong araw ay tila napagod ang kanyang katawan. Samantalang si Hunter ay sumunod sa kanyan

