Chapter 66 "Mukhang nadiligan ang kakambal ko ah," natatawang sabi ni Daisy saka siya tumabi sa kanyang kakambal na si Lily na ngayon ay nakaupo sa gilid ng swimming pool. Gabi na at silang dalawa na lang ang gising sa mga oras na ito. Nagising kasi si Lily at nakita niya na tulog na rin si Hunter sa kanyang tabi kaya naman nag-ingat siya na huwag niya magising si Hunter. Iinom lang sana siya ng tubig ngunit hindi na siya muling dinalaw ng antok kaya naman pumunta na lang siya dito hanggang sa tumabi sa kanya ang kanyang kakambal na si Daisy na ngayon ay natatawa sa kanyang reaksyon. "Daisy ang bunganga mo," nahihiya na sabi ni Lily sa kanya. "Halata kasi sa iyong mukha. Huwag ka na mahiya dahil kambal tayo at mag-asawa na kayo ni Hunter kaya naman natural lang iyon," hindi na lang pin

