Chapter 63 “Huwag ka na matatakot dahil tapos na ang bangungot na nangyari sa atin. Alam ko na mahirap na kalimutan iyon pero iyon ang kailangan nating gawin upang makausad tayo sa ating hinaharap. Nandito lang kami upang suportahan ka Daisy,” sabi ni Lily sa kanyang kakambal habang yakap-yakap niya pa rin ito ngunit si Daisy na ang kanyang uang kumalas sa yakap nila saka niya hinarap si Lily dahil may sasabihin pa siya. Inayos niya muna ang sarili niya bago niya kinausap si LIly. “Lily? Nais ko na humingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa at sinabi ko. Alam ko na kulang ang paghingi ko ng tawad sa 'yo dahil parang ninakaw ko na ang kabataan mo dahil sa mga ginawa ko," hinawakan ni Daisy ang dalawang kamay ni Daisy at nakiusap siya kay Lily. "Kung may nais kang ipagawa sa akin para mapataw

