Chapter 60 "Ready ka na ba?" napalingon naman si Lily kay Hunter nang tanungin siya nito. Kanina pa siya hinihintay ni Lily upang makaalis na sila dahil muli silang babalik ng Tagaytay ngayon dahil may bibisitahin sila. Isang buwan na ang nakakaraan nang mangyari ang trahedya na iyon at ang buong akala nga ni Hunter ay hindi na muli makakapagsalita si Lily dahil sa trauma na kanyang naranasan at sa mga kanyang nasaksihan, idagdag pa na nakita niya sa kanyang harapan ang nangyari sa kanyang kapatid na si Daisy. Ngunit hindi naman sumuko si Hunter na alagaan si Lily at kahit paano ay nakabawi na si Lily ngunit hindi pa rin maiwasan na mapanaginipan niya ang eksena na iyon. Agad na inuwi ni Hunter si Lily sa Maynila upang doon maipagamot si Lily at dahil si Hunter ang asawa ni Lily ay walan

