Chapter 61 Flashback... "Lily!" sigaw naman ni Hunter nang makita niya si Lily na may tali ang kamay at paa. Dahil sa ayos ng kanyang asawa ay mas lalong tumindi ang kanyang galit. Ang dalawang putok ng baril ay galing sa mismong baril ni Hunter. Mas naunahan niya na magpaputok ng baril ang boss ng mga kidnappers nina Lily at Daisy kaya naman wala na ring buhay ang boss na iyon. Ang gusto sana ni Hunter ay buhayin pa ito saka pahirapan ngunit nakita niya na nasa panganib ang buhay ni Lily. Agad namang tinanggal ni Hunter ang tali sa kamay at paa ni Lily. "Ayos ka lang ba Lily? Nandito na ako, wala na siya. Wala nang makakapanakit sa 'yo," pag-aalo naman ni Hunter kay Lily ngunit wala sa kanya ang atensyon ni Lily dahil kumalas sa yakap si Lily saka nito nanginginig na pinuntahan ang na

