Chapter 14 Lily POV “Pagpasensyahan mo na ako kung nasiawan at kung nasaktan kita kanina, Lily, ikaw naman kasi bakit hindi ka agad nagpakilala sa akin. At bakit ngayon ka lang nakadating? Noong nakaraang linggo ko pa hinihintay ang pagdating mo dahil iyon ang sabi sa akin ng pinsan kong si Katkat,” sabi sa akin ni Mamang Lucia habang binigyan niya ako ng ice pack para ilagay doon sa namumula kong braso na hinawakan niya ng mahigpit. “Ayos lang po saka pasensya na rin po kayo. Noong una ay ayokong umalis sa Tagaytay dahil hindi ko po kaya na mapalayo sa bayang kinalakihan ko,” napatango naman sa akin si Mamang Lucia. “Osiya dahil dito ka na titira ay Mamang Lucia na rin ang itawag mo sa akin. Pakatatandaan mo ito ha, para hindi ka mabastos dito ay sabihin mo na pamangkin kita. Naku, sa

