Chapter 13 Lily POV “Maraming salamat po Aling Belinda,” nakangiti kong pasasalamat kay Ate Belinda nang maihatid na niya ako sa harap ng bahay ni Mamang Lucia. “Wala iyon hija, basta ang bilin ko sa ‘yo pakatatandaan mo ha,” napatango naman ako sa sinabi sa akin ni Aling Belinda. Sinabihan niya kasi ako na mag-iingat daw ako lagi kapag nasa poder na ako ni Mamang Lucia at hindi ko naman iyon minasama dahil sa tingin ko ay nag-aalala lang naman siya sa akin. Pagkatapos kong magpasalamat kay aling Belinda ay nagpaalam na siya dahil kinakailangan na niyang muling bumalik sa kanyang karinderya kaya naman sinabihan ko siya na ako na ang bahala ang mahalaga ay nandito na ako sa lugar ni Mamang Lucia. “Tao po!” tawag ko dahil nakasarado ang pintuan ng kanilang bahay. Nakailang tawag na ako

