Chapter 12 Lily POV “Mag-iingat ka doon, Lily,” muling paalala sa akin ni Josh nang maihatid na niya ako sa bus terminal dito sa Tagaytay papuntang Maynila. Si Josh na lang ang naghatid sa akin dahil hindi daw kaya ni Ate Melba na makita na umalis ako dahil napamahal na daw ako sa kanya at gano’n din naman ako kaya naman hindi na siya nagpaalam sa akin kanina. “Mag-iingat din kayo dito, pasabi na lang na kay Ate Melba na sobrang salamat dahil pinatira niyo ako sa inyong bahay,” sabi ko habang nakatingin ako sa ibang direksyon dahil baka mamaya kapag tumingin ako kay Josh ay mapaluha na lang ako bigla. Ayoko nga sana magpahatid sa kanya pero humiling siya na payagan ko siya para naman daw alam niyang ligtas akong nakasakay ng bus papuntang Maynila. “Huwag mo rin iwawala ang ibinigay kon

