Sabay-sabay na nagsing-angilan at naging mabagsik ang anyo ng lahat ng bampira na umanib sa kanyang binuong alyansa para sa kani-kaniyang pamilya nang mabuksan ang tatlong parihabang lalagyan na gawa sa kahoy. "Mahal na Prinsipe! Anong ibig sabihin nito?!" si Rodelio. Sumisilip ang mga pangil at alerto ang kulay pula na nitong mga mata gaya din ng iba. "Gagamitin natin ang mga yan,kaibigan.."tugon niya rito. Sabay-sabay na nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa. May nagdududa,nag-aalangan at nangangamba. "Magtiwala kayo..wala kayo dapat ikabahala sa mga ito," aniya sa mga ito. "Pero,mahal na Prinsipe,alam niyong ang bagay na yan ang ating kahinaan..kamatayan. Paano kung gamitin yan satin ng kalaban?!" anang ni Rodelio. Nginitian niya ang lahat para makampante ang mga ito. "Mismo ang k

