Pinapanuod niya ang pag-eensanyo ng mga bampira sa malawak na kalupaan ni Marko. Bago nila simulan ang unang plano kailangan nila ng mga sanayin sa pakikipaglaban lalo pa nga at may binuong hukbo ang Hari ng mga ito. "Pursigido silang pabagsakin ang iyong ama sa kabila ng buhay din nila ang kapalit niyun," usal niya ng maramdaman ang presensya ng prinsipe. "Para sa isang adhikain,handa nila ibuwis ang kanilang mga buhay.." tugon ng prinsipe. "May naisip ako paraan para mabilis nila matalo ang kapwa nilang bampira.." baling niya rito. "Talaga...?" anito. Lahat ay nabigla nang makita ang mga laman ng limang malalaking baul. "Imposible naman ata na gusto mo sa amin ipagamit yan?!" unang pagreak ng tumatayong leader ng grupo. "Ito ang madali paraan para madali niyo mapatay ang kalaban

