Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan si Marko habang pangisi-ngisi ito sa kanya. Kahit hindi nito sabihin alam niyang nanunukso ito. Magkasama sila ni Jino na dumating sa hide out na kung saan naroroon ang mga bampira na napapayag ng Prinsipe na umanib rito. "Stop grinning before I'll kill you and this time tutuluyan na kita," pagbabanta niya rito pero alam nitong hindi niya totohanin iyun base sa pagtawa na nito. Nagtaas ito ng mga kamay na tila sumusuko. Muli itong ngumisi sa kanya. "Alam kong mahal mo si Camelia para saktan mo siya at di mo gagawin yan sakin," anito na binuntutan pa ng pagkindat sa kanya. Napailing na lang siya rito at hindi na pinatulan pa ang panunukso nito. Hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ng Prinsipe. Abala ito sa pakikipag-usap sa mga ka-alyansa nito at

