"Ano yan,kaibigan?" kunot-noong komento ni Jino sa matandang lalaki ng ipakita nito sa kanya ang isang lumang pahina na tila pinunit mula sa isang makalumang libro. Binisita niya ito muli sa munting tirahan nito at nababalot pa rin ng mga nyebe ang buong paligid. Hindi na ata titigil ang pag-ulan ng nyebe sa lugar na ito. Pinagmasdan niya ang papel. May larawan ng isang anyong tao na lalaki roon pero may mahahaba itong mga kuko na kulay silver at ang mga mata naman ay ganun din ang kulay. "Isang Vi-Olf.." Napaangat ang tingin niya rito. "Kung ganun totoong may Vi-Olf?" mangha niyang saad. Matiim ito nakatitig sa kanya. Tumango ito. "Noong sinaunang panahon pinagbabawal ang pag-iibigan ng dalawang lahi. Ang Lobo at bampira. Ang umibig sa isa't-isa ay isang mortal na kasalanan para sa

