Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan pumapainlanlang sa loob ng silid ni Xania ang impit na pagdaing niya. May nangyayaring kakaiba sa katawan niya. Hindi niya alam kung ano at bakit ganun ang pakiramdam niya. Naliligo sa sarili niyang pawis habang halos pangapusan na siya ng hininga habang nakabaluktot siya sa may carpeted floor ng silid niya. Halos madurog ang mga ngipin niya sa tindi ng nararamdaman niya. Malakas siya napadaing sa sakit..napakasidhi. Masakit,mahapdi at mainit! Parang sinusunog ang pakiramdam niya! Halos bumaon ang mga daliri niya sa kamay sa carpet ng sahig niya. Isang impit na ungol ang kumawala sa bibig niya kasabay ng marahas na pagtingala ng kanyang mukha. Bigla nagbago ang kulay ng mga mata ni Xania. Ang dating kulay ng mga mata nito na brown na may kulay

