Gusto niyang matimbang ang magiging desisyon niya na ipagkanulo si Alarcon kay Xania;na tinuturing na kalaban ng kanilang lahi. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng dahil lang sa may nararamdaman siya para sa babaeng lobo. Unfair iyun kung minsan tinuring niyang ama si Alarcon. Mariin niyang ikinuyom ang mga palad niya habang nakatanaw sa isang malaking bahay kung saan doon nanunuluyan si Alarcon. Agad na tumungo siya ng Estados Unidos para kausapin ito.Gusto niyang makakuha ng inpormasyon kung kilala nito ang magulang ng dalaga. Hindi man derektang kilala kahit papaano baka matandaan nito. Hindi na siyang nag-abalang kumatok pa at agad naman siyang nakita ni Alarcon kasama ang nobya nitong si Maria. Kasulukuyan ang mga ito bumababa sa mahabang hagdanan ng bahay nito. "Mahal na prinsipe!

